The way you Were

23 7 0
                                    

💞 Chapter 16 💞

Kasama ba ni Andrew si Bernadette sa US. Kunwari lang bang tumulong pa ito sa ama o nag extend lang para makasams ang babae. Halos mahigit magtatalong buwan pa lang pero ganito  na kasakit.

Maiksing panahon pero ganito kasakit para kay Catherine ang nakita at narinig.Ano pa kaya kung totoong siya si Sofia?

Pero baka alam ni Sofia ito kaya siguro ganun din ang ginagawa ng kaibigan niya.Siya lang ang tanga .Siya lang ang apektado. Tumulo ang luha ni Catherine at hindi niya napigilang hindi masaktan.

"Iha anong ginagawa mo dyan sa hagdan at bakit ka nakasiksik dyan" Puna ni Nanay Mila may bitbit itong cup Noodles. Nagulat si Catherine at biglang pahid ng masaganang luha.

Napatingin siya sa sala kung saan naroon ang dalawang naguusap pero huli na nalaman na ni Andrew na naroon siya sa hagdan. Tumingin ito sa kanya at kumunot ang noo. Inakbayan nito si Bernadette saka inakay palabas sa terrace.

"Huh! Hindi man lang itinago o ideneny ang iniisip niya" sa isip isip ni Catherine.

"Ah..nanay Mila doon ko na po sa kusina iinumin yan.Nakabored sa kuwarto" Pagkukinwari ni Catherine pero hindi nakaligtas sa matanda ang lungkot ng mukha niya.

Sa kusina ay pinilit ni Catherine pasiglahin ang sarili at kalimutan ang nakita. Total isang buwan na lamang ay tapos na ang paghihirap niya.

Binagalan ni Catherine ang pagkain ng cup noodle na paborito niya.Nerequest niya ito ng mensang mag grocery si nanay Mila at masaya siyang naalala pala ng matanda.

Matapos maubos ang cupped noodles ay naisipan ni Catherinen a gumawa ng ham with egg sandwich at para mas matagal ay ginawan niya lahat ng katulong.

Nagenjoy si Catherine na panuorinng kumain si Betty na matakaw pala sa egg sandwich.

"Naku buti ka pa Senyorita Sofia mabait at down to Earth samantalang yung kasama ni Senyorito Andrew sa labas ay masungit na matapobre pa"

Sabi ni Betty.

"Psst Betty ang bibig mo.Baka marinig ka ni Andrew.Diba kakasermon lang sa atin" saway ni Nanay Mila.

" Iha ang mabuti pa ay umakyat ka na ng silid nyo.Baka abutan ka ni Andrew dito pag uwi ni Senyorita Bernadette mapagalitan ka na naman.Ako ng magliligpit ng mga ginamit mo sige na"

Taboy sa kanya ni Nanay Mila.

Wala ngang nagawa si Catherine kundi ang sundin ito.Ayaw niyang mapahamak na naman ang mga ito dahil sa kanya.

Pag akyat ni Catherine sa silid nila ay naroon na pala si Andrew nakahiga ito sa kama at nagbabasa ng libro.

Agad nataranta si Catherine at dumeterso ng banyo at doon nagtagal ng halos isang oras siguro.

"Look, came out Sofia. This isn't funny.Alam kong hindi ka naliligo o anupaman i heard no water dripping. Come out and let's talk damn it"

Sigaw ni Adrew pero hindi nagpaapekto si  si Catherine. Natatakot siya at nagseselos at the same time. Pero sunod sunod ang ginawang katok ni Andrew.

"Sofia, lumabas ka na please.You have been there for hours.Anong nangyayari?Sofia....Sofia.

"Wala pa ring kibo si Sofia.Then she pull the shower on at pina agos ang tubig"

Wala siyang narinig mula sa labas.Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Hindi alam ni Catherine paano haharapin si Andrew.Una nagseselos siya baka may masabi siyang hindi tama.Ikalawa baka magalit ito dahil sa nakita niya.Baka alam naman talaga ni Sofia ang lahat at baka mali ang reaksiyon niya baka magtaka ito"

THE BRIDESMAID (complete)Where stories live. Discover now