Chapter 1

2 0 0
                                    

"HMM,,Kim. Paki bigay sa kanya please."

Napa-irap siya sa kaibigan. "Tan, alam mo naman na mainit ang mata ng mga kaklase ko sa akin. Tapos gusto mo pa na ako magbigay kay Sean 'yang love letter mo. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro na-aagnas na ang mga buto ko sa ilalim ng lupa."

"Grabe ka naman. Kaklase mo naman kasi siya pwede mo namang ibigay sa kanya ito pag wala ng tao sa room niyo. At saka excuse me ha, hindi ito love letter. Ito yung libro na hiniram ko sa kanya sa library." pamimilit pa rin ni Tan.

"Tan, kaya mo na yan. Ikaw nalang."

"Alam mo minsan napapa-isip ako kung kaibigan mo ba talaga ako."

"Mag tigil ka nga, ibili mo nalang ako ng snacks."

"Yan, dyan ka magaling."

"Ibibili mo ako o hindi ko ibibigay yung libro? Mamili ka."

"Ito na nga."

Natawa pa siya nang maka alis si Tan sa mesa nila. Nasa canteen sila ng mga oras na iyon. Napa aga ang lunch break nila dahil hindi pumasok ang isa nilang teacher.

Bigla nalang nag-ingay ang canteen kaya napalingon siya sa entrance. Pumasok doon ang magkambal na si Chin at Sean.

"Magka-mukha nga sila pero mas angat pa rin ang ganda ni Chin. Gwapo naman si Sean pero mas maganda pa rin si Chin." napapa-ngiti pa siya.

"Anong binubulong-bulong mo dyan?"

Napalingon siya sa kaibigan. "Wala. Akin na gutom na ako."

Puno ng tao ang canteen kaya nahirapan si Chin kung saan uupo.

"Chin, doon tayo." sabay turo kung saan naka-upo sila Kim at Tan.

Sabay na naglakad ang magkambal patungo sa mesa nila Kim. Lahat napapatingin ang tao sa magkapatid.

"Excuse me, pwede maki upo?"

Sabay pang napatingin ang magkaibigan sa magkapatid. Nanlaki pa ang mata ni Tan nang makita ang dalawa.

Naibuga pa nito ang iniinom nito. Napatawa pa si Chin sa nakita.

"Sure, aalis na rin naman kami." agad na sabi ni Kim saka tumayo. "Tan, tara na."

"No. Alam naming hindi pa kayo nakakakain, wala pa ngang bawas ang kinakain mo oh" turo ni Sean sa snacks ni Kim.

Napatawa ng alanganin si Kim.

"Umupo na kayo." sabay lahad ni Tan sa bakanteng upuan.

Bumalik sa pagkaka-upo si Kim sa tabi ni Chin. Napapatingin pa si Kim sa magkapatid. Hindi alam kung ano ang gagawin, uupo nalang ba o kakain.

"Kumain ka na?"

Mabilis na nabaling ang tingin niya kay Chin. Tumawa pa siya at hindi sigurado kung ano ang isasagot. "Um, hindi pa wala akong gana." sagot niya.

"I see. Here kainin mo nalang ito." sabay usod ng pagkain nito sa harap niya.

"Ah, hindi na salamat nalang."

"No, kainin mo yan. Masamang kumain ng junkfoods pag wala pang laman tiyan mo."

"Ahherm. Parang uubuhin yata ako." sabi ni Tan na may pahimas-himas pa sa dibdib nito.

Walang nagawa si Kim kundi kainin ang pagkain na ibinigay ni Chin sa kanya. Yung snacks niya kinuha ni Chin bago ito umalis sa canteen kasama ang kambal nito.

~~~~

"Kain tayo sa labas, barbecue tayo."

"Sunod nalang siguro, marami pa akong assignments na gagawin."

Chin~KimWhere stories live. Discover now