Macy's lips parted. Parang doon lamang siya natauhan. Masyado siyang nagpadalos-dalos sa mga nasabi. Her feelings got ahead of her rational thoughts.

"He had so many plans, Macy... Ang dami niyang plano sa buhay at lahat ng plano niya ay kasama ka," sabi ni Xaiver. "Now, kung tingin mo may pagkukulang siya sa 'yo, I'm sorry. Ako na ang humihingi ng pasensya para sa kanya."

"X-Xavi..." Sinubukan ni Macy na abutin ang braso ni Xaiver, ngunit humakbang siya paatras upang iiwas ang sarili.

"You disappoint me, Macy..." Umiling si Xaiver at dinig sa kanyang boses ang pagkadismaya.

Bumagsak ang mga balikat ni Macy. She looked so defeated. Sa isang salita ni Xaiver, alam niyang wala na siyang pag-asa. Wala na siyang magagawa pa.

"I hope this is the last time we're gonna talk about this. I'm married now, and I hope you'll respect that," Xaiver told her.

Those words warmed my heart. Nawala ang takot ko. Mas lalong nabuo ang tiwala ko sa kanya kahit na kanina ay parang unti-unti 'yong sinisira.

"My wife's probably waiting for me. I don't want her to worry. I'll go now," dire-diretso niyang sabi, nagmamadali sa pagbalik sa akin.

Pagkatalikod nga lang ni Xaiver ay napatalon ako nang agad na nagtama ang aming mga mata. He was also very surprised to see me. He slightly looked away, and from that angle, I saw how his jaw clenched tightly before he fixed his gaze back at me.

I froze a little and held my breath when he started marching towards me. His eyes were darker than the night sky. I could clearly see my reflection inside them. Ako ang tanging liwanag sa loob no'n, gaya ng buwan sa langit.

Despite the growing anger, he was still gentle when he reached for my left hand. Mabilis niyang hinimas ang mga singsing na nakasauot sa aking daliri, para bang naninigurado kung suot ko pa ang mga 'yon.

"Let's go back," aya niya at akmang hahatakin na ako paalis nang pigilan ko siya.

Xaiver frowned when he turned to me again. Dahil hindi ako makapagsalita, inangat ko na lang ang cellphone ni Macy para makita niya

Sumunod ako sa kanila upang ihabol 'yon. Hindi naman puwedeng dalhin ko ulit pabalik. Nandito na lang din kami at nadinig ko na ang pagtanggi niya kay Macy, ayos na sa akin 'yon. I was comforted. I was reassured.

Muling umigting ang panga ni Xaiver. Halos padabog niya kinuha ang cellphone. Hindi nga lang siya tuluyang lumapit kay Macy. Instead of giving it directly to her, he bent down and placed it on the first level of the stone steps. Wala na siyang pakialam kung kuhanin pa 'yon ni Macy o hayaan na lang.

After leaving the phone, he immediately returned to me and took my hand. Hindi ko na rin nilingon pang ulit si Macy. Hinayaan ko na lang na hilahin ako ni Xaiver paalis, hoping that he would answer the questions I had for him. Sa kabila ng nadinig ko, madami pa akong gustong malaman.

Hindi na kami bumalik ni Xaiver sa Beachclub. We rode the shuttle waiting for us back to our villa. Dire-diretso ang pasok namin papunta sa sala. Pinaupo niya ako sa sofa habang siya ay nanatiling nakatayo.

I sat there straight and tensed while watching him unfasten three buttons on his shirt. I swallowed hard and slightly turned away while holding on to the curved edge of the sofa. Parang mas mahirap na makasama siya sa iisang lugar na kaming dalawa lang dahil sa nararamdaman ko. I felt awkward and conscious of myself. May mga naisip din ako na hindi akma sa mga oras na 'yon.

"You probably heard everything..." simula ni Xaiver na siyang nagpalingon sa akin pabalik sa kanya.

I didn't want to lie, especially when he already caught me red-handed. Mas pipiliin ko na ring alam niya ang totoo upang mapag-usapan naming nang maayos. Masyado akong madaming mga tanong at pakiramdam ko'y hindi ako papatulugin nang mga 'yon hangga't hindi nasasagot.

Play PretendWhere stories live. Discover now