Chapter 5 : Sayang

15 12 2
                                    

Sayang kasi first crush ko yon? Sayang kasi sure na may makakasayaw na ako? Sayang kasi ang tagal ko na siyang gusto?

Naglalakad ako pauwi sa amin habang iniisip iyon, kung paano umamin rin ako na gusto ko siya. Kung paano nagpakatotoo ako pero may part sa akin na ayaw ko na hindi ako ready.

Aaminin ko sa umaga gusto ko na single lang ako pero sa gabi minsan gusto ko mafeel na inlove at may nagmamahal sa akin.

Inaayusan na ako ngayon para sa Prom Night namin hindi mawala sa isip ko ang gagawin ko mamaya. Excited na rin akong makita si Medina sa gown at make up niya. I want to see her shining with her gown.

Naglalakad ako papuntang Prom namin dahil kakatapos lang ng make up ko. Nagsign in muna ako sa papel namin at binigay ang bracelet sa amin at food stub.

Tuwang tuwa ako ng makita si Medina kaya tumakbo agad ako papalapit sa kaniya at yinakap siya. Ang pulang gown niya ay bagay na bagay sa balat niya dahil sa porselana niyang balat. Mas lalong na nag-mix at bumagay.

"Let's take a picture!" aya ko kay Medina nung una ay nagaalangan siya mabuti na lamang ay pumayag siya.

"Ang ganda mo,Felicity!"ani niya.

Hinawakan niya pa ang buhok habang tinititigan ako kaya natawa ako.

"Grabe ka naman tumingin natutunaw ako, pero ang ganda mo rin. Ang ganda natin shet!" masaya kong sabi pati rin siya ay tuwang tuwa.

Natutuwa talaga ako ang ganda niya, I can't stop staring at her. Kahit malayo alam mo na agad maganda ang bestfriend ko. Proud na proud ako na bestfriend ko siya.

"Punta muna tayo comfort room." aya niya sa akin.

Naglakad kami papunta sa comfort room nagulat ako dahil ang dami nila doon at ang gaganda din nila katulad namin ni Medina. Makikita mo na lahat sila ay halatang nag ready talaga. Ang daming nakatapat sa salamin mabuti na lamang ay malaki ang salamin namin.

"May dala kang pang-retouch?" Tanong ni medina habang naglalagay ng red lipstick.

"Ah oo naman pero konti lang." sabi ko sabay pinakita sa kaniya ang make up kong dala na nasa pouch ko lang.

"Ayan perfect bawal tayo maging hulas mamaya dapat buong gabi maganda tayo, mamaya sabay tayo mag retouch." sabi niya at tinabi na ang lipstick niya at sabay na kaming lumabas doon dahil ang init din dahil sa dami ng tao doon.

"May tissue ka?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, wait." ani niya.

Kinuha niya sa bag niya ang tissue nagulat ako ang dami niyang tissue.

"Ang dami mong tissue parang dinala mo na lahat," sabay turo ko sa kaniya.

"Mainit kasi, lalo na baka umiyak ako shems joke lang," natatawa niyang sabi sabay hampas sa akin. Nahawa na ako sa kaniya kaya natawa na kami pareho.

"I like Graige nakakainis," sabi niya.

Napatingin ako kay Medina na nakatingin sa malayo at nahabol ko ang mata niyang nakatitig kay Graige na may kausap na babae. Panagmasdan ko ito naka purple gown ito at mukha siyang diwata sa suot niya.

"Nako, aamin ka rin ba mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

Lumingon sa akin si Medina at binigyan ako ng seryosong tingin.

"Oo naman kailangan kasi nangungulila na ako sa kaniya," sabay tawa niya at binalik ang tingin kay Graige kaya lang wala na si Graige sa pwesto niya.

"Nakakainis ka nawala tuloy, mamaya kung sino-sino na kausap non."naiinis na sabi nito.

Behind the LetterWhere stories live. Discover now