CHAPTER 6

35 2 0
                                    

"Hi. I'm Rainela Kryztel Zurich. Nice meeting you." the new agent said, introducing herself in front of Cap.

Nasa cafeteria kami ngayon at nagmemerienda kasama sina Ace, Yudis, Red and Rex.

We were eating when the new agent came and introduced herself.

"Nice meeting you. Welcome to the agency." Cap answered warmly and shook back Rainela's hand.

The latter smiled and remained standing in front of us.

"Hi. I'm Yudis. This is Ace." biglang sulpot ni Yudis sa usapan sabay turo kay Ace.

"Eto naman si Red, si Rex at Nyx" dagdag pa niya.

Rainela smiled at every one of us and her gaze stopped at me. She smiled and nodded a bit to greet us. 

"Welcome to the agency." everyone at the table said warmly while I remained silent.

"Thank you. Again, it's nice meeting you everyone. By the way, we'll get going now. Enjoy your lunch. "

When she left, we sat on our chairs. Ace and the boys continued chit chatting while I'm in deep thought.

"Ang ganda niya. Siya na ba ang para sa akin?" biro ni Rex.

"Eww. Di kayo bagay. Siya Diyosa, ikaw chaka." tudyo pa ni Yudis na siyang nagpatawa sa lahat ng nasa mesa.

"Makachaka naman to. Hoy sa itsura kong to, maraming naghahabol sa akin no."

"Ano? Aso?" kantyaw naman ni Red at nagtawanan na naman sila.

"Tama na yan. You're hurting his ego." sabat ni Cap.

"Okok. Pero joke lang pare ha. Baka uuwi akong bali-bali ang buto." paumanhin ni Red kay Rex.

"Sorry pre. Di bale ako bahala sayo. Kung gusto mo ilakad pa kita kay miss Zurich." saad ni Yudis.

"Talaga?" kunwari'y interesadong sabi ni Rex.

"Oo ba. Kung gusto mo nakasakay ka pa sa wheelchair para special."

At nagtawanan na naman sila. Halos boses lang nila ang nangingibabaw sa cafeteria dahilan upang lingunin kami ng iilan.

Mayamaya pa ay bigla akong kinalabit ni Ace na nakaupo sa tabi ko.

"Oi Nyx okay ka lang? Ba't ang tahimik mo?" bulong ni Ace.

I looked at her and cleared my throat. "Uh, I was just thinking about something."

"Anong something? Kanina ka pa tulala. May hindi ka ba sinasabi?"

"Nothing"

Napabuntong-hininga siya at hinayaan na lang ako.

I shook my head to erase my thoughts.

"There. Tubig, pampakalma."

Nagtaas ako ng kilay at tiningnan si Cap na naglalagay ng tubig sa aking baso.

"Uyy.. Ano yan? May paserve pa ah"

Nangibabaw ang boses ni Yudis at sa amin na naman nabaling ang atensyon. God! Hindi ba to nauubusan ng laway?

"Tss. It's a friendly gesture." Cap interfered.

"Wehhh? Frieeendly gesture?" tila hindi makapaniwalang saad ni Red.

"Sa halos ilang taon nating pagkakaibigan hindi mo yan ginawa sa akin. Kulang na lang hayaan mo akong mamatay kapag nabilaukan ako eh." Yudis said in a sarcastic way.

"Inggit ka?. Oh eto tubig. Pampakalama." biro ni Rex.

The whole place was once again filled by their loud voices. Natapos ang break time namin nang puro hangin ang laman ng tiyan nila dahil sa kakatawa at asaran. Maliban sa akin na inubos ang isang serve ng ramen.

Hidden Mistake Where stories live. Discover now