Chapter 23 - Worried

Start from the beginning
                                    

"Did you see my layout?" tanong ni Ron na nakatayo sa likuran ni hubby. Inakbayan niya pa ito habang nakatitig sa akin. He's waiting for my answer.

"I did! I think I got it on camera!" I took pictures of everyone since a lot of their fans online have been begging me. Naisip ko lang pagbigyan sila para naman mabawasan ang mga haters ko hehe.

Inasar siya bigla ng mga ka-teammates niya na nagpapasikat daw ito dahil sa akin. He pushed his friends and gave me a shy smile.

Nagtaas lang ako ng kilay at hinabol na si Russell na ngayo'y naglalakad palayo. He grabbed a water bottle and drank while I just stayed on his side. Ganito na halos ang palagi kong ginagawa tuwing may practice siya. I'll watch on the bleachers and attend to his needs afterwards. Kaso lately, nakakapanibago dahil wala na siyang iniuutos sa akin. Madalas nga ay pinababalik niya na agad ako sa dorm ko upang magaral.


"That's it for today." Iniwan niya na ako at nagpunta na siya sa shower room. Usually, I'd take my bag and do what he says but today, I'm going to stick with him.

I'm starting to be suspicious. Hindi kaya't may pinupuntahan siya after practice kaya pinapaalis niya na kaagad ako? Kailangang mahuli ko siya kung meron. Kailangang masira ko ang plano niya kung may imi-meet siyang iba.


Lumabas na ako ng gym at nagtago sa gilid, doon sa may puno. I waited till I heard the whole team going out. Sumisilip silip ako upang matingnan kung kasama ba nila si Russell.

"Aray!" Napadaing ako nang makitang may mga langgam sa pwesto ko. Nakagat pa tuloy ang paa ko. "Shet naman, alis na mga afam na langgam!"


Lumipat ako ng pwesto at naghintay ulit. When I saw my hubby finally leaving, I immediately walked behind him. Nagti-tiptoe pa ako para hindi niya marinig ang mga yapak ko.

Dire-diretso ang lakad niya papunta sa parking lot kahit na may iilang mga babaeng tumatawag sa kanya o 'di kaya humaharang upang subukan siyang kausapin. Gusto kong tumawa sa mga girls na hindi niya pinapansin but I was too busy chasing him.

Teka, wala nga pala akong kotse! Paano ko siya mahahabol?


Nanlaki ang mga mata ko at nag-panic. I looked around to see if there's anyone I can ask for a ride. Wala akong kakilala dito na pwedeng mahila upang sundan si Russell! Hala!!!


"Get in."

I frowned when I heard him speak. Naglalakad pa rin siya kaya nagtaka ako kung sino ang kausap niya. Agad kong tiningnan ang kotse niya kung may babae bang nakatayo doon at naghihintay sa kanya pero wala naman akong makita.

Sinong kausap niya?


"Hindi ka ba sasama?" Nilingon niya ako bago pinatunog ang kotse.

"H-ha?" gulat na tanong ko.

ALAM NIYANG SINUSUNDAN KO SIYA?! Paano? I made sure to be discreet!


"Let's eat dinner." Sumakay na siya sa kotse niya kaya naman dali-dali akong sumunod at umupo sa shotgun seat. I was so shocked but I still managed to put my seatbelt on.

"Ako ba kausap mo?" Sumilip tuloy ako sa labas. Baka mamaya ay may iba pala siyang kinakausap, naga-assume na naman ako.

"Do you honestly think I'd ask someone else to eat with me?" Sarcastic na sambit niya.

Sabagay, snobbers nga pala siya. Bilang na bilang lang ang mga kinakausap...


Sumandal na ako ng maayos sa upuan. "How'd you know I was behind you?"

Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now