PROLOGUE

10 0 0
                                    

"I NOW pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride!"

Emosyonal na pinanuod ng lahat kung paanong dahan-dahang inaangat ni Anthony ang belo ng kaniyang kabiyak, bakas sa kaniyang mukha ang labis na tuwa.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ng kaniyang bride habang parehas silang tumatawa, na para bang mayroon doong nakakatawa pero ang totoo labis lang ang kanilang saya.  Nakitawa ang mga naroroon na witness sa kanilang kasalan.

Nagtitigan ang dalawa at dahan-dahang naglapit ang mga mukha hanggang magdikit ang tungki ng ilong, saka unti-unting inangkin ang labi ng isa’t isa.

Nagpalakpakan ang mga tao, kumuha ng mga litrato kasama ang bride at groom, hanggang sa makalabas at makapunta sa kanilang venue.

Walang mapaglagayan ang tuwa at walang humpay na pagbati ang kanilang natanggap mula sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

"Congrats to both of you! Here's my gift,"

"Thank you!" Walang kasing giliw na pasasalamat ng bride.

"By the way, I have to go.  May meeting ako ngayon para sa story e.  Pasensya na talaga ha?"

"Sure ka? Sayang naman.  Pero sige, thank you for coming and goodluck!"

"Thank you." Ani ni Anthony at niyakap pa siya ng saglit.

"I wish you a goodluck for your new chapter to write," she wisphered to herself before finally leaving the venue.

TO BE CONTINUED.

WRITTEN PLANS (REPUBLISHED) R18Where stories live. Discover now