III : miss congeniality

6 3 0
                                    

Jenna 

tahimik kaming pareho ni ate phoebe sa loob ng sasakyan. naka-focus lang siya sa daan habang hindi ako makatingin ng maayos sakanya. nakakahiya dahil pinaghintay ko siya ng matagal sa terminal.

matutuyo na ang laway ko hindi niya parin ako kinakausap. 

"a-ate phoebe..."  umpisa ko.

"what?!" sagot niya sakin nang hindi inaalis ang tingin sa daan. napaigtad ako sa pagkakaupo nakakatakot siya. 

"s-sorry hindi ko talaga sinasadya na pag-hintayin ka sa terminal." nakayuko at malu-luha kong saad. nakonsensya talaga ako. ang tanga ko din dahil hindi ako nagpaload para ma contact siya. naiihi na rin kasi ako kanina kaya imbes na sa tindahan dumiretso o hanapin si ate phoebe ay sa public toilet ako nagpunta.

nagpakawala siya ng buntong-hininga at lumingon sakin.

"yaan mo na nangyari na eh" mahinahon niyang saad. "wag mo nalang ulitin sa susunod. hindi lahat ng tao mahaba ang pasensya, konting adjustment lang."

"s-sorry" 

"nagugutom kaba?" tanong niya sakin.

umiling ako pero kasabay nun ang pagtunog ng sikmura ko. napahawak ako sa tiyan ko. nagkatinginan kami ni ate phoebe at sabay kaming natawa.

Dinala niya ako sa isang pizza parlor. nilibot ko ang mga mata ko at namangha. ang ganda dito grabe! team kahoy siguro ang may-ari nito. ang cozy ng lugar. halos lahat ng gamit ay kahoy, maging ang mesa at upuan wood din. parang iisang kulay lang ang white at brown.

nagulat ako dahil parang kilalang-kilala dito si ate phoebe, pero sabagay maliit lang naman ang Eustis town. panigurado halos magkakakilala lang din ang mga tao dito.

sumunod ako kay ate phoebe at umupo malapit sa may counter. tumayo din siya at iniwan ako, nakita ko siyang pumasok sa may kitchen na may nakalagay pa na authorized person only. nanlaki ang mga mata ko sa gulat parang kinabahan ako dahil baka akalain ng mga tao na may masamang balak si ate phoebe kaya pumasok siya dun. 

akmang tatayo nako para sundan siya pero hinarang ako ng isang waiter.

"hi miss..." kumindat pa ito sakin tumayo bigla ang mga balahibo ko dahil sa kilabot. "order natin miss?" todo ngiti ito sakin habang binibigay ang menu. 

bumalik ako sa pagkakaupo at tumingin pa saglit sa pinto ng kitchen. pinasadahan ko din ng tingin ang waiter bago ituon ang pansin sa menu. mukhang masasarap ang mga pagkain dito. natakam din ako sa pasta nila kaya iyon ang inorder ko.

umalis na rin ang waiter pagkakuha ng order ko. nakakahiya kay ate phoebe hindi ko siya nahintay. nataranta din kasi ako dun sa waiter. 

maya-maya pa ay lumabas na si ate phoebe sa kitchen at kasama niya ang isang lalaking may katandaan. nakahinga ako ng maluwag pagkakita ko sakanya. tumingin ito sa gawi ko at naglakad patungo sakin, nakasunod sa kanya ang matandang lalaki na may ngiting nakapaskil sa labi.

" nag-order kana ba?" tanong sa akin ni ate phoebe at tumingin sa paligid na parang may hinanap. 

" opo..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita. napatulala naman ako agad sakanya.

" good! anyway, jenna this is my dad.." pakilala niya sa matandang lalaki. "we own this pizza place. and siya rin ang nagluluto ng mga pagkain dito. he's your new boss." tumango-tango ako sa mga sinabi ni ate phoebe. wait... new boss!?

"h-huh?"nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin sakanya.

" nabanggit sakin ni miley na isa kang working student. mage-enroll ka naman sa Eustis University kaya maigi nang dito kana mag part time, and miley is my friend i'm just doing her a favor." 

ngumiti sakin ang daddy ni ate phoebe at nag ok sign tumingin naman siya kay ate phoebe at nag sign language. hindi ko yun naintindihan pero doon palang ay nagkaron na ako ng ideya sa kondisyon ng daddy ni ate phoebe.

"he's deaf, but he's a great dad." 

di nagtagal ay dumating na ang order ko.

ang kaninang waiter na kumuha ng order ay ang nag-serve din ng pagkain sakin ngayon.

" jenna, this is ichigo. miley and i are friends with him." pakilala niya sakin dun sa waiter.

"hi, jenna nice to meet you" kumindat nanaman ito sakin. may sakit ba siya? 

"sama mo naman tumingin bebe phoebe." tumatawang saad ni ichigo. may something ba sakanila ni ate phoebe? 

"whatever, ichigo" pag irap niya dito.

umalis na si ichigo at bumalik sa pwesto nito. hindi nagtagal ay may mga kakilala pa si ate phoebe na dumating.

ang dami niyang kaibigan. iba-ibang grupo ang bumabati sakanya, parang lahat  ng tao dito sa Eustis ay kilala siya.  

 miss congeniality.

•~•~•~•

Miley

Ilang oras na akong naghihintay kay phoebe at jenna. nagsabi naman si phoebe na dadaan muna sila sa pizza parlor na pag-aari ng pamilya ni niya. ilang dekada na ang pizza place na yun at namana pa yun ng dad niya sa lolo niya. isa yun sa pinaka-matagal na establishment dito sa Eustis.

binuksan ko ang tv para libangin ang sarili ko, pero wala namang magandang palabas. ang co-corny. umakyat ako sa kwarto para kunin ang macbook ko at dinala ko ito sa sala. nag-browse ako ng mga interesting movies sa netflix.

I end up watching Anne with an e, interesting ang kwento. nabasa ko ito noong 7 years old ako, Anne of green gables ang title.

tumingin ako sa wall clock, wala parin sila phoebe.

nakailang tingin nako sa phone ko pero wala parin reply ang huling text message ko sakanila.

marahas akong nagpakawala ng hininga dahil nababagot na ako. saan ba kasi nag punta ang dalawang yun?!

kainis.

•~•~•~•

Plagiarism is a crime.

this story contains typo and grammatical error.





I know who did itWhere stories live. Discover now