Nanatili naman akong walang imik.

"Heller? Sabi kasi ni Lincoln hayaan ko raw. Edi sinunod ko!"

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Juni. May ganoon bang sinabi si Lincoln?!

"The hell?" 'di makapaniwalang anas ni Wynter.

"Pasensya na. Pakiramdam ko kasi popormahan na ako ni Lincoln," ngumisi ang dalaga.

Napairap ako sa kawalan, kahit saan talaga ako magpunta maririnig ko talaga ang ngalan ng lalaki 'yon. Ngunit kahit ilang beses kong itanggi, my heart always beats faster just to hear his name. Nakakainis!

"Magparegister na lang kayo sa akin kung willing kayo magpaturo."

And that's what we did, nagparegister nga kami kay Wynter. She even briefed us na every Tuesday and Friday lang daw ang tutoring, and every dismissal lang din.

Dumiretso na kami sa klase ni Juni, si Wynter naman daretso uwi na ang ginawa. Naiinggit tuloy ako. I just tried my best to listen, si Sir Roman bilang sub teacher sa last period namin kaya dilat na dilat talaga ang mata ko. Baka mamaya kasi ay matawag na naman ako, ta's wala akong masagot! Wala pa naman si Marcus upang iligtas ako.

Parang isang iglap lang ang lahat at natapos ang second semester namin. Ilang quarter na lang, and we're grade 12 na.

Entrance exam on different universities already started. Susubok nga sina Wynter, Juni, at Marcus na mag-entrance exam sa UP Diliman. Inaaya nga nila ako, pero humindi na lang ako dahil alam ko namang 'di ako makapapasa.

Isa pa, mahaba rin ang proseso. Naging kuwentuhan din kasi ng ilan sa mga kaklase ko na umatin pa sila ng review center, bago tuluyang makapag-exam sa UP.

UP might be a dream, but I know I can't just fit the environment.

"Naubos yata braincells ko kasasagot ng questions!" nalolokang ani Juni. Nginisian ko siya.

Nagkasama-sama na naman kaming apat sa apartment nina Juni. Nag-ayang masiinuman, pero siyempre tumanggi ako lalo na't wala pa naman ako sa legal age. Si Marcus nga rootbeer ang iniinom, dahil katulad ko, he's also seventeen. Otherwise, malapit na rin ang kaarawan niya.

Kaya bale, sina Juni at Wynter ang naglalasing.

"Sino pa ba yung mga nag-exam?" tanong ko. Yakap-yakap ko ang tuhod ko, habang inoobserbahan sila. Nakaupo kasi kaming mga babae sa sahig, bale si Marcus lang ang nakaupo sa sofa.

Nakabukas naman ang TV kaya kahit papaano nalilibang ako.

Suminok si Juni. "Karamihan sa nakita ko, puro STEM, eh. Mga classmates ni Wynter. Nandoon din sina Isaiah, Jameson, Kiarra ta's si Ethane!" Pumalakpak siya na parang may naalala. "Yung former crush mo."

Umirap ako sa kawalan, binatukan siya ni Wynter dahil doon.

"Huwag mo na nga banggitin si Ethane," mapungay na ang mga mata ni Wynter at halatang may tama na.

Sinulyapan ko si Marcus na tahimik lang na nanonood ng TV.

"Ayos lang 'yan! Para magselos yung isang torpe riyan."

Lost, Lose (Loose Trilogy #1) UNDER-REVISIONWhere stories live. Discover now