♥️Chapter 6♥️

Start from the beginning
                                    

"Sinusubukan talaga ako ng matandang yun hindi siya oobra sa akin" inis kung saad, mag sisimula na naman siya

"Be careful Dan baka nasa paligid mo lang siya, wala ka pa naman bantay" si Carlo

"Siya ang mag ingat at tsaka hindi ko na kailangan ng bantay Carlo kaya ko ang sarili ko" ako

"I know you can handle your self but you need to be careful sometimes" si Carla

"Okay I will" ako

Pagkatapos ng paguusap napagpasiyahan kung bisitahin ang DMLV ang company ko, this is my mom's company inalagaan lang ni tito Marco pero hindi niya alam kung nasaan si Mommy. Nang mameet niya ako ay sa akin niya na ipinangalan but Daddy didn't know this isang malaking secret muna hanggang sa marating ko ang harap ng pinto ng opisina ko, kilala ako ng mga security pero ng ibang empleyado hindi

"Ms. Ventura" sabi ng boses sa likod ko bago ko ito lingunin

"Hi Eunice" sabi ko sa secretary ko gulat siya ng makita ako at agad na nagbow

"Nandito po kayo" siya

"Ofcourse company ko to at ako ang may ari diba" Ako

"What I mean is nabigla po ako sa pagpunta niyo kasi hindi naman po kayo nagsabi" siya

"I'm just visiting the company and to sign some papers na rin, hindi mo ba ako namiss?" ako at pumasok na sa loob

"Syempre po namiss kita" sagot niya, isa siya sa mga tauhan ko pero ginawa ko siyang secretary ko ganun ko siya pinagkakatiwalaan gaya ng apat

Sinimulan ko ng pirmahan ang important papers na kailangan, si tito Marcos ang tumutulong sa akin sa kompaniya wala ng iba ayuko kasing magtiwala sa iba ng basta basta mahirap na

"Ms. congrats po one of the outstanding company po ang DMLV" saad ni Eunice habang naka ngiti

"Talaga?" gulat kung sagot

"Look at this po" sabay abot niya ng ipad

10 outstanding companies in Asia nasa pangatlo na ako, dati pang anim ako at top two naman ang Ventura corporation and sad to say wala na sa top ang Guerrero Corporation mabuti nga

"Congrats sa atin Eunice, I'm so happy na mahal na mahal ng tao ang negosyo natin" sabi ko

"Yes Po Ms. magaling po kasi kayo" siya

"By the way Eunice huwag kayong basta basta magpapapasokng hindi niya kilala o walang appointment sakin para sa safety ng lahat na nandito" ako

"Okay po Ms. copy Po" siya

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, ang ganda ng office ko parang lalaki lang ang may ari kasi black and white ang motif. Napunta sa picture ni Mommy ang tingin ko ang kilay, lips at shape ng Mukha ay nakuha ko sa kanya nang biglang bumukas ang pinto

"Tito Marcos" ako at agad siyang niyakap

"How are you?" tanong niya

"I'm fine Tito" ako at kumalas na ng yakap

"Congrats top 3 ang DMLV Marie, I'm so proud of you" si tito

"Thank you Tito kasi tinutulongan mo po ako" Ako

"Syempre pamangkin kita at mahal na mahal kita tatandaan mo yan, may balita na ba sa Mommy mo?" tanong ni tito na kanina naka ngiti lang ngayon malungkot na

"Wala pa po, promise po magkikita kayo ni Mommy ulit" Ako

"I really miss Mina"

"Ako din po Tito" Ako

"Nandito lang ako palagi para sayo tatandaan mo yan" si tito

"Thank you po Tito" Ako

Nagusap pa kami ni tito tungkol sa company at sa kaaway na si Uno Guerrero, hanggang sa natapos ko na nga ang mga kailangan ko dito

"Hala 7 pm na" saad ko habang nakatingin sa relo ko

Dali dali akong lumabas ng opisina ko at dumiretso na sa parking lot ,agad ko itong pinatakbo dahil lagot ako nito kay Dad at sa tatlo kung kuya mga over protective pa naman yun

"Patay talaga ako nito traffic pa kainis" ako habang ipit sa traffic, alam kung nagaalala na sila sa akin lalo na si Daddy

8:30 na ng makarating ako sa bahay, pagkababa ko ay agad akong pumasok at naglakad ng dahan dahan ng walang ingay para hindi magising ang mga naandito mukhang tulog na ata sila patay na kasi ang mga ilaw nang

"Where have you been? bakit ngayon ka lang? Anong oras na Danica Marie" boses iyon ni Dad at dahan dahan akong lumingon sa kanya eh buong first name ko na ang binanggit eh

"Traffic Po kasi Dad kaya na late po ako ng uwi" sagot ko at napakamot batok pa pano ba ito

"Umalis ka ng maaga tapos ngayon ka lang umuwi" si kuya Deon na taas kilay pa pati yung dalawa taas kilay rin

"May pinuntahan lang ako kuya" ako paano kaya ako lulusot dito sabay ngiti ng parang aso

"Saan ka nga ba pumunta at ginabi ka?" kunot noong tanong pa ni kuya

" Ahh sa dating bahay namin kuya namiss ko kasi dun eh at doon na ako nagpalipas ng oras" palusot ko

Dahan dahan silang lumapit sa pwesto ko halata mo ang pag aalala sa mga mukha nila

"I'm worried about you anak, akala ko kung napano kana" si Dad at niyakap ako

" I'm sorry po" ako at nakahinga na ng maluwag

"That's okay anak basta ang importante maayos ka at nakauwi ka ng ligtas" si Dad

"Kumain ka na ba?" tanong ni kuya Deon

"Hindi pa kuya eh"

"Palipas kain" si kuya Dylan at pinitik ang noo ko

"Aray ah masakit yun ah" reklamo ko at inirapan siya tiningnan niya lang ako ng masama

"Let's go to the kitchen" si kuya at hinila na Ako hanngang kusina

"Oh ayan kainin mo yan lahat" si kuya Denver at binigay sakin ang pinggan na maraming kanin at ulam

"Kuya ang dami naman yan hindi ko yan kayang ubusin" reklamo ko

"Eat babantayan ka namin hanggang maubos yan" dagdag niya pa

Pagkatapos kumain na halos masuka na ako maubos lang ay hinugasan ko na muna ang pinagkainan ko bago umakyat diretso sa kwarto ko tsaka nahiga sa kama ko nang tumunog ang phone ko

'I know where did you go babe' si unknown guy

'Sinusundan mo ba ako ha?' ako nakakainis na talaga tong kumag na ito ehh

'Maybe' reply niya

'Lubayan mo na nga ako pwede ba naiirita na ako sayo so please leave me alone' ako

'I can't promise that sorry' siya

'Baliw ka' Ako

'sayo lang ako nababaliw, take care I'm always watching you so be good girl always' siya

'Gag* ka'

'I love you too' siya

Hindi ko na siya nireplayan bwes*t naman panira ng araw humanda siya sakin pag nalaman ko kung sino siya, ginugulo niya ako kainis talaga

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now