Hindi pa nga nagsi-sink sa isip ko ang sinabi ni Mr. Jansen ay agad na itong nag-explain sa mga gagawin at mga events na mangyayari, kaya wala na akong panahon para magulat pa at nakinig na lang.

Matapos sabihin ni Mr. Jansen ang mga detalye tungkol sa pagpunta ko sa Denmark ay lumabas na ako sa opisina at dumiritso sa kwarto para makapagbihis ulit. Kinausap ko rin si Captain Rainier dahil ito ang papalit sa akin habang wala ako.

Nag-aayos ako ng gamit na dadalhin ko sa bakasyon nang may kumatok sa kwarto.

I sigh before I stand to open the door. Nagulat pa ako nang mukha ni Arshed ang bumungad sa akin. Nakasuot na ito ng uniporme, pero hindi pa maayos ang kwelyo at ang butones sa braso nito. Mabibigat rin ang pagbuga ng hangin na para bang kagagaling lang sa pagtakbo.

He cleared his throat and watched me intently.

"Yes, Officer Salvaleon?" tawag-pansin ko kasi nakatitig lang siya sa akin.

"Uh..." He cleared his throat again at tumayo ng maayos. "I heard that you will be having a vacation..." he trailed off, nag-iisip. "Uh..." He scratched his neck cutely kaya napatitig ako sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa lalaking nasa harapan ko. Arshed’s hair is a bit mess, and so as his uniform. Parang nagmadali lang itong magbihis at bumaba rito sa floor ko.

His blue sky eyes were confused and there are some emotions dancing on it that I barely name.

"Uh... I just came here para... magpaalam sa 'yo and to see you before you go."

I nodded slowly. Arshed then licked his lips again before he looked away. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya dahil sa nakitang pamumula ng mukha nito, pati na rin sa leeg na para bang hiyang-hiya ito sa ginawa.

I smile sluggishly. Hindi ko napigilan ang sarili kong huwag mangiti dahil sa inaasta ni Arshed.

"Don't worry, Officer, isang linggo lang ako sa bakasyon. You can endure not seeing me in that one week naman siguro, ano?" natatawa kong asar kaya iningusan niya ako.

"Tss!" He hissed dahilan para mas matawa pa ako.

"Don't worry, I can take care of myself," asar ko ulit.

"I know...” he murmured kaya mas pigil ang ngiti ko. “... and it scares me,” mahinang usal ni Arshed pero rinig na rinig ko iyon. It's like he's just saying it to himself but I heard it loud and clear.

Tumayo ako ng maayos. I tilted my head and cleared my throat, kaya nag-angat ng tingin si Arshed sa akin. Para itong nagulat.

Walang nagsasalita sa amin. Nakatayo lang kami sa pintoan, nakikiramdam sa isa't-isa. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko.

"Uh... I still need to prepare my things," ilang sandaling saad ko. Agad tumango si Arshed sa akin.

"Aalis na ako. I need to prepare my things too... for the flight." I nodded at him. I gestured to my room at nagpaalam na.

Nang makaalis si Arshed ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. I didn't even realize that I barely breathe while he's with me.

I shook my head and walked towards my bed. Mabuti na lang at iba ang lakad ko, kung hindi ay hindi ko alam kung paano ako aasta ngayon kay Arshed!

"Ladies and gentlemen, we have begun our descent into Denmark. Please turn off all portable electronic devices and stow them until we have arrived at the gate. In preparation for landing in Denmark, be certain your seat back is straight up and your seat belt is fastened. Please secure your carry-on items, stow your tray table, and pass any remaining service items and unwanted reading materials to the flight attendants. Thank you."

It feels weird that I am just sitting here and someone is announcing for our landing. Hindi na ako nasanay. Sanay ako sa ako ang nag-a-announce o hindi kaya ay si Arshed.

Isa sa mga eroplano na pagmamay-ari ng QIA ang sinakyan ko papunta rito sa Denmark. Si Captain Pierce ang piloto ng eroplanong sinasakyan ko. Kaya nang nagsibabaan ang mga pasahero at nakita ulit ako ay binati ako nito at sinabihan ng mag-ingat.

Lumabas ako ng Copenhagen Airport bitbit ang lugauage ko. Dumiritso ako sa hotel na naka-book sa akin kung saan ako mag-e-stay sa loob ng isang linggo.

Isa lang ito sa mga bakasyon na ino-offer sa akin ng QIA after I reigned as an Aviator of the Year. This is just one of those opportunities na natanggap ko. All expenses were paid by the airline.

Kinagabihan ay may dinner akong dinaluhan kasama ang iba't-ibang representatives' ng iba't-ibang airlines sa Canada. It was being held in the hotel where we were staying.

Bukas ay maaga ang alis namin, kasama pa rin ang mga taga ibang airline ng Canada. Magkakaroon kami bukas ng meeting about aviation and all. Pagkatapos ay may mga tourist spot kaming pupuntahan.

While listening to the speaker, my phone beeped for a text. Arshed's name flashed on the screen, kaya kumunot ang noo ko.

Minsan lang itong nagte-text sa akin since magkasama lang naman kami palagi sa biyahe. He only texted if it's important or an emergency, kaya kinabahan ako bigla nang makita ang pangalan nito.

A

How's your vacation?

Napabuntong hininga ako dahil sa nabasa ko. Akala ko kung ano na! Tangina kinabahan pa ako!

I looked at the screen again while a small smile crept on my lips because of it.

I typed for my reply.

It's okay. Akala ko kung ano na. Kinabahan ako when I saw your name flashed on my screen. Akala ko may emergency!

I tapped the send button. Hindi pa man dumaan ang ilang segundo ay tumunog ulit ang cellphone ko dahil sa reply ni Arshed.

A

I missed you. It's an emergency too!

I stared at Arshed's message. Hindi ko alam kung ano ang ere-reply ko kaya binalik ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko.

Bumuntong hininga ako at itinuon na lang ang atensyon sa harap hanggang sa natapos ang meeting.

_

GorgeousYooo

Coastline From The Sky- (COMPLETED)Where stories live. Discover now