Chapter 22 - Territorial

Magsimula sa umpisa
                                    

That's when I noticed Russell entering the hall. He's wearing a white shirt and rugged jeans. Sakto sa suot kong white sweatshirt and jeans skirt.

Katabi niya si Ron na nakasuot naman ng dark blue v-neck at black pants. Sa gitna nila ay si Agatha na naka-light yellow dress.

Para silang mga models na naligaw sa library. Matatangkad at magaganda sa mata.


Mukhang narinig rin nila Marina ang ingay kaya lumingon rin siya. Lucas waved at his friends and the three started walking towards our way.

Inayos ko agad ang buhok ko at sumulyap pa ako sa reflection ng phone ko upang makita kung katanggap tanggap pa ba ang itsura ko. Then I smiled widely at my hubby.


Papalapit na sila nang hinawakan ni Agatha ang braso nito. Natigil si Russ lalo na't tumingkayad si Agatha at may ibinulong sa kanya. He just listened and nodded. Ngumingiti pa si girlie na tila ang saya saya niya.

I frowned but got distracted when Ron sat beside me. Apatan lang ang mga table rito kaya naman agad ko siyang tinulak. "Doon ka sa kabila!" I immediately said. Papalapit na ulit sila Russell kaya nag-panic na ako.

"Why? Kailangan ba ng bag mo ng upuan?" Halakhak ni Ron.


Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Agatha magsalita. "Let's just sit there, Russ."

Tumango si hubby at sumunod sa kanya. Dalawang table ang layo nila sa amin at sila lang ang naroroon. Magkatapatan ang upo nila. Mas lalo tuloy dumami ang bulungan sa paligid namin. Mukha daw silang nagde-date na dalawa.

Nalungkot ako at hinayaan na si Ron maupo sa tabi ko.


"You're not done yet?" He grabbed my laptop and workbook.

"Hindi ako magaling sa math," walang gana kong sagot.

Nilingon ko ulit si Russell at nagulat nang mahuli ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya.


"Halika, turuan kita." Ron grabbed a paper and started scribbling solutions. Pinapaliwanag niya pa iyon ngunit ang utak ko ay lumilipad talaga.

I glanced at Russell again and this time, he's frowning. Tumatango tango siya habang nagsasalita si Agatha ngunit ang mga mata niya ay nasa akin.


"Sab? Hey! Are you even listening?" Halos mapatalon ako sa upuan ko nang kinalabit ako ni Ron. Marina's fiery eyes startled me too. Hinihintay niya ang sagot ko.

"Y-yup. Sorry. Pwede paulit? Hindi ko kasi nakuha."

Natatakot akong magalit ang pinsan ko kaya naman ginawa ko ang best ko upang makinig. Thankfully, Ron's a great teacher. Naipaliwanag niya ng maayos lahat ng kailangan kong malaman at sa dulo ay nagawa ko pang mag-solve ng mga math problems ng magisa.


He smirked when he checked my answers. "You did great!"

Napangiti na rin ako at natawa pa nga. "Kita mo 'yon, Marina? Feeling ko mape-perfect ko na ang exam nito!"

"Dapat lang." She looked satisfied. Bumaling siya kay Ron. "You should teach her more whenever you're free."

"Sure! Ayos lang naman 'di ba, Sab?"

"Ha? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?"

He chuckled. "Mas gusto ko nga 'yon para magkasama tayo palagi. Nakakapangselos na 'yung binibigay mong oras kay Russell pero sa'king kababata mo, hindi mo magawa."

Nagtaas ang kilay ko ngunit ngumiti lang siya. I suddenly felt guilty. Ang tagal naming hindi nagkita ni RJ pero ngayong nandito na siya, hindi naman kami gaanong nagkakasama. I should spend more time with him too.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon