Chapter 16 - Bampira

1.5K 57 1
                                    


Napilitan kaming huminto.
Naubusan ng gasolina ang kotse at kailangan naming makipag-kita kay Lolo Emilio.
Iyon ang napag-usapan kada tatlong oras.

Ngunit sa aming paghinto, walang sumalubong saamin.
Kumakabog pa rin ang dibdib ko. Hindi maaaring mamatay si Lolo Emilio.
Kailangan namin siya. Hindi namin alam ang susunod naming gagawin pag dating ng Bicol.

Ayon kay Gillian, siya na ang magpapa-iwan sa kotse habang kinakargahan ito ng gasolina.
Isinama ko naman si Emelita at Kokoy sa isang malapit na karinderya sa bus stop.
Bumili kami ng tubig at pagkain. Sa loob ng sampung minutong iyon ay hindi ko maialis ang patalim sa kamay ko. Kailangan kong protektahan ang aking mga kaibigan.

Agad kaming bumalik sa kotse. Naghihintay na doon si Gillian. Siya na ulit ang magmamaneho.
Simula ng masundan kami ng mga taga-paslang at mawala sina Lolo Emilio at Isarog, hindi na kami dinalaw pa ng antok.

Ibinigay sa akin ni Gillian ang pulang balahibo ng Sarimanok. Natuyo na ang dugong kumapit doon.
Kung dugo iyon ni Isarog, siguradong nasaktan ito at hindi makalilipad ng maayos. Kung dugo naman iyon ni Lolo Emilio.... Itinulak ko paalis ang ideyang iyon.
Umaasa akong hindi pa sila patay.

"Naga City."
Sambit ng senyorita.

"Huh?"

"Doon tayo pupunta. Iyon ang sentrong lungsod ng Bicol. Mahihirapan tayong masundan doon ng mga humahabol sa atin. Bukod sa maingay at matao, hindi nila iisipan na doon ang diretso natin."

"Tama. Ini-expect nilang pupuntahan natin ang bahay ni Aling Geronimo. Huwag na tayong tutuloy doon."
Sabi ni Emelita.

"Pero yun ang plano diba? Maghanap ng kasagutan sa pinagmulan ni Aling G?"
Tanong ni Kokoy.

"Tama Kokoy. Pero tama din si Emelita. Baka naghihintay na sa atin doon ang mga taga-paslang. Isa pa, hindi natin sigurado kung anong nangyari kila Lolo Emilio."
Paliwanag ko.

Natahimik ang lahat. Maya-maya'y napansin kong may hawak na flashlight si Emelita. Naka-tutok ang ilaw noon sa librong nasa harapan niya.

"Ate Emelita, di ko naman mabasa yan ehh."
Sabi ni Kokoy.

"Alam ko, pero tingnan niyo to.. Ano kaya ang picture na to?"

Inilapit pa ni Emelita sa akin ang libro. Kinailangan ko pang abutin iyon at ipakita kay Gillian na siyang nagmamaneho. Pagkatapos ibinalik ko kay Emelita.

"Sa tingin ko litrato ng isang pagawaan."
Sabi ni Gillian.

"Pagawaan ng..?"

"Hindi ko rin alam, pero may nakasulat diba? Kung nababasa ko lang sana to.."
Sabi ko.

"Address nga Zack, Buena vista metal works. Naga city."
Sabi ni Emelita.

"Sigurado ka? Paano mo nabasa to?"
Tanong ko.

"Huh? Ewan. Bakit tama ba? Tama ba ang pagkaka-basa ko?"

"Sa tingin ko. Kailangan naging mapuntahan ang pagawaang iyan. Baka dito tayo msks-hanap ng mga sagot. O di naman kaya ay tulong."
Sabi ko.

Nagka-tinginan kami ni Gillian. Alam kong pareho ang nasa isipan namin.
Sa pagawaang iyon ginawa ang susing bulaklak na nakuha namin sa ilalim ng lupa. Tumango na lamang kami sa bawat isa. Ilang oras na lang at makararating na kami. Napa-bilis kasi ang pagpapa-takbo ko ng kotse kanina.

Lumipas ang ilang oras. Nawala na ang kaba at takot sa dibdib ko. Ako ng muli ang nagmaneho. Nagpahingang muli si Gillian na yakap ang sarili. Tulog na din muli si Kokoy at Emelita sa likod. Kakaiba na dito ang mga tanawin. Bicol.

Ika-lima ng umaga ay nag-check in kami sa isang hotel. Matapos i-garahe ang kotse, at siguruhing ligtas ang lugar, nagpahinga na rin ako. Magkasama kami ni Kokoy sa kuwarto at sa kabilang kuwarto naman ang dalawang dalaga.

Naka-tulog na din ako.
Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Pag-mulat ko ng aking mga mata, isang lalake ang nakatitig sa akin. Matangkad iyon, maputing-maputi ang balat, at kulay dilaw ang mga mata. Naka-ngiti iyon na tila ba matagal na kaming magka-kilala. Ngunit hindi ko siya kilala. Wala akong kaibigan na bampira.

Dalawang mapupulang pabilog na peklat ang naka-burda sa kanyang leeg. Kagat ng bampira.
Bata pa ang lalakeng iyon. Labim-pito o labim-walong taong gulang. Ngunit naalala ko na hindi naman pala tumatanda ang mga bampira.

Naka-itim iyon na mahabang kasuotan. Kagaya ng mga palabas sa telebisyon. At sa magkabilang kamay nito na may mga guwantes, ay dalawang kumikinang na mahahabang patalim. Bigla kong kinapa ang sarili kong patalim sa ilalim ng unan, wala iyon doon. Lumingon ako sa kabilang kama, wala na rin doon si Kokoy.

"Sino ka?"
Tanong ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama. Mabilis ang pagtibok ng aking puso, hindi ko ipinahalata ang kaba sa aking dibdib.

Hindi umimik ang bampira. Naka-tingin lang iyon sa akin na tila ba siyang-siya na pinapanood akong walang laban. Tila wala itong balak na umatake. Nakatayo laman iyon doon, naka-ngiti.

"Sino ka? Sabi ko!"
Inulit ko ang tanong. Hindi umimik ang bampira at tila ba hindi ako narinig, bagkus itinaas noon ang isa sa kanyang mahahabang patalim. May bahid iyon ng dugo. Bigla akong kinabahan. Nasaan ang mga kasama ko.

Tumingin muli sa akin ang bampira. Nawala ang ngiti noon. Tumikom ang mga labi, at kumunot ang noo. Pagkatapos ay tumalikod iyon upang umalis. Saka pa lamang ako naka-galaw. Sinubukan kong tumayo ngunit..

..wala na akong mga binti.

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang sakit. Mapulang dugo ang bumalot sa kama at sa mga kumot. Wala na akong mga paa. Sumigaw ako ng pagka-lakas lakas.

"Kuya Zack! Gising! Binabangungot ka!"
Sigaw ni Kokoy.

Bumalikwas ako at muntik ko ng itapon palayo si Kokoy na siyang naka-upo sa paanan ko.

"Kuya Zack! Anong nangyayari?"

Tumayo ako at mabilis na tinungo ang kuwarto nila Emelita at Gillian. Hindi maaari.
Basang-basa ako sa pawis, at pagod na pagod ang aking katawan. Hinahabol ko pa ang aking hininga pag bukas ng pinto.

Naroon si Gillian. Nagsusuklay.
Naroon si Emelita. Siya ang nagbukas ng pinto. Takang-taka iyon sa akin.

"Zack, okay ka lang?"
Tanong nito.

"Ahh.. Oo. Anong oras na ba?"
Tanong ko. Niyapos ko ang aking mukha, at inayos ang magulo kong buhok.

"Ten-thirty na ng tanghali. Teka, kagigising mo lang? Bakit wala kang T-shirt?"
Tanong ni Gillian.

Saka ko lang napansin iyon. Namula ang mukha ko. Gayon din si Emelita. Tawa naman ng tawa si Gillian.

"Maligo ka na! Gutom na kami, kakain pa tayo!"
Sabi ni Gillian. Isinara niya ang pinto.

"Kuya Zack. Anong nangyayari sayo?"
Tanong ni Kokoy na naroon sa corridor. Takang-taka din ito.

"Ahh. Ehh. Puyat lang ako Kokoy. Tara na, gutom na rin ako."
Bumalik kami sa kuwarto.

Alam kong hindi iyon simpleng panaginip.
Isa iyong babala, o silip sa hinaharap. Sino ang bampirang iyon?

Naligo na ako at nagbihis. Kahit ilang araw ko pa laman iyong suot, tila isang malaking kawalan ang agimat ni ibinigay ni Lolo Emilio. Nasaan na kaya sila? Anong nangyari sa kanila?
Kakatapos ko pa lang magbihis nang narinig ko ang sigaw ni Kokoy.

Agad kong pinuntahan ang bata. Natagpuan ko siyang naka-tingala sa isang matangkad at matipunong lalake. Si Isarog. Duguan iyon.

Engkanto DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon