"Joke lang kasi, par! Kinakabahan ka naman kasi masyado!"

"Sino bang hindi kakabahan sakaniya, bobo ka! Ang talim ng mga mata niya kahit hindi naman niya sadya! Oo, para sa inyo normal lang pero para sa akin--s'yempre sobrang nakakakaba!"

"Ginusto mo 'yan, 'di ba?! Ako ba ang nagkacrush? Huh? Dinamayan ka lang, na-inlove ka kaagad!" tatawa-tawang sabi ng lalaki.

"Loko! Malay ko ba kasi?! Tara na nga, buwisit ka talaga!" inis nang sabi niya at padabog na umakyat habang ang kaibigan ay tatawa-tawa pa din, napapahawak pa nga sa t'yan.

Ilang minuto lang ay sunod-sunod na nagsipasukan ang mga estudyante na magpapapirma kay President Camero. Una ay lumabas siya at pumunta sa isa-isang room para siguraduhing malinis nga at saka niya pinirmahan.

Matapos ay nag-stay ulit siya ng SC Office para asukasuhin ang pag-contact sa mga coaches na magtuturo sa mga magiging manlalaro nila.

*TOK TOK TOK TOK*

Napaangat niya ang tingin sa may pintuan nang may kumatok doon. Inayos niya ang suot na itim na salamin na siyang kasusuot lang niya dahil kanina pa siya nakatutok sa computer.

"Pasok, hindi naka-lock 'yan.." ani niya at inabangan kung sino ang papasok doon. Nailapag niya ang ballpen na hawak nang makitang si James iyon. "Bremen. Ikaw pala.. May kailangan ka?"

"A-ah, pwede bang.. patambay muna?"

"Bakit? Wala pa ba sundo mo?" tanong niya kaya tumango ang binata. Dali-dali siyang tumingin sa relo na suot niya sa kaliwang pulsuhan saka tinuktok ang lamesa. "Alas-sais na. Bakit hindi ka pa sinusundo? Tatawagan ko--"

"--'wag na! Mag-stay na lang muna ako dito.. Nabanggit kasi sa akin ni Kuya Kiel na may emergency sakanila."

"Ah, sige.. Umupo ka muna nang makapagpahinga ka."

Dali-dali namang umupo ang lalaki sa tapat ng babae at pasimpleng pinagmasdan ito. Bagay na bagay rito ang suot nitong salamin, nagmumukha siyang boss ng isang malaking companya. Ang high ponytail nitong ayos ng buhok ay bagay na bagay dahil na din sa bangs nitong humuhugis sa sakto nitong noo. Stress na lahat papauwi pero ang dalaga ay fresh padin.

"Himala pala't hindi kayo gumala?" tanong ni Nella habang nakatingin padin sa computer. Tapos na siyang makipag-usap sa mga coaches kaya inaasikaso na lang niya ang schedule niya para bukas at sa mga susunod na araw pa parang isang gawaan na lang. "Madalas ko kayong nakikitang nasa labas na, excited nang gumala."

"Eh, tamad pa kami ngayon. Baka bukas 'yan. Eh, ikaw ba? Gumagala ka ba kasama din sila?"

"Hindi, eh.. Bukod kasi sa wala akong oras kasi may ginagawa ako dito sa school, may gawain din ako sa bahay. S'yempre, aasikasuhin ko yung mga bayarin."

"Ibig sabihin.. nagtatrabaho ka din?"

"Hindi ko naman masasabing trabaho yun, pero sumesegwey ako sa mga karinderya malapit lang sa bahay para dagdag sa ipon ng pang-kolehiyo ni Melo, tapos yung iba ay para sa mga bayarin sa bahay. Koryente, Tubig."

Napatango-tango ang lalaki saka sumilip sa ginagawa ng babae na hinayaan lang naman nito. "Ano 'yang ginagawa mo?"

"Schedule ko bukas saka sa ibang araw pa."

"Oo nga pala.. Hirap naman ng trabaho mo. Masarap mag-quit." nakangiti niyang sabi kaya natawa ang babae at umiling-iling..

"Hindi pwede, at ayoko."

"Yun lang! Edi panindigan mo 'yan."

"Paninindigan ko talaga." tatawa-tawang ani ni Nella kaya natawa sakaniya si James.. Hindi na halos maalis ang paningin sakaniya dahil sa sobrang ganda ng mga ngiti niya. Naiinis nga siya sa sarili at tinatanong ang sarili kung bakit ngayon niya lang nakita ang mga ngiti na iyon. Ang mas nakakahaplos pa sa puso, tumatawa ito nang dahil sakaniya. Wala na sigurong mas iba pang sasaya doon.

High School SweetheartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora