"Puta, kinakabahan ako!" tapik ni Michelle sa dibdib, nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan.. Iyong mga lalaki ay nagkukwentuhan lang. "Uy, Nella! Saan punta mo?" agad na ayos ng upo ng babae nang mapadaan si Nella sa harapan niya. Napatingin din tuloy ang magbabarkada sa dalaga.

"Sa may 4th floor. Nadoon na daw kasi yung mga parents kaya kailangan nandoon na ako.."

"Pwede sumama?"

"Pwede naman, tara.." aya nito kaya napatayo agad ang babae at napatayo din ang kalalakihan para bumuntot. Sabay-sabay silang pumasok ng meeting room sa 4th floor at napakarami na ngang guardians doon kaya dumako na agad ang dalaga sa tabi ng principal na siyang sumulyap sa anak.

"Look how disappointed my dad is." ngisi ni James at umupo pinakalikod kung saan nakareserve iyon pra sa mga students na tatambay doon, pwede naman kasi talaga para na din maging aware sila sa grading system ng bawat teachers. "Sermon ako mamaya, ah."

"Siraulo ka.. Natutuwa ka pa?"

"S'yempre.."

"James, alam mo.. Ayusin mo 'yan, baka hindi lang sermon matanggap mo, baka mawalan ka din ng tirahan.."

"Hindi niya magagawa yun, so relax okay?"

Napailing-iling na lang ang mga kaibigan niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Tamad si James pagdating sa pag-aaral at nasesermonan siya ng ama niya dahil doon. Which is para sakaniya ay nakakatuwa dahil naiinis niya ang ama doon. Wala naman siyang sama ng loob sa ama pero gusto niya lang makitang nag-aapoy ito sa inis.

"So, good day parents.. Ako nga po pala si Jordan Bremen and I am the principal of this school, SVS or Sean Vile School.. And this girl beside me is my president, which is Miss Nella Camero.. She is one of my scholar and one of my top students!" proud na proud na anunsyo ng punong-guro sa mga magulang na namamanghang tumitig sa dalaga na niyukod ang ulo saka ngumiti bago binuksan na ang power point saka nagsimula na ang principal sa pagsasalita.

"Ang isa sa mga malalaking gawain na dapat gawin ng mga bata ay ang Exam nila dahil ang exam nila ang nagsisilbing buod para sa mga natutunan nila sa mga nagdaang lessons nila. Exam is 30% which is very important.. Performance Task, including their behaviour inside of their class, and also the recitations and participation, it has 30%. 30% is for their written works. Which is Seat works, Quiz, Long quiz, Project. And the 10% is for their attendance kaya napakahalaga po ng lahat ng nabanggit ko.. And now, shall we go to their ranks?"

Napalingon si James sa pintuan nang bumukas iyon at ang iniluwa non ay si Brena na may hawak na hand fan. Nung magtama ang paningin nila ay agad siyang umiwas ngunit ang gilid ng mata niya ay sinusundan ito ng tingin na papaupo sa may gilid kung saan nakaupo ang iilan nilang kaklase.

"For Grade 10-Hercules.. The Aspirants, last to first. Grade 10-Hercules had 10 aspirants and 6 honors and 1 high honor. Please show it to them, President Camero." utos nito na agad ginawa ng babae..

Aspirants

10. Belarmino, Athena Marie A.
9. Gireno, Marineth C.
8. Delos Santos, Karl B.
7. Cervantes, Benedia Jeilan P.
6. Santos, Maeya C.
5. Aguda, Sherlyn M.
4. Gianan, Henry P.
3. Pineda, Mery J.
2. Harina, Klea P.
1. Tora, Michelle E.

With Honors

6. Dina, Maddie A. (90.45%)
5. Florena, Brena S. (90.47%)
4. Cinco, Franco Chain O. (91.25%)
3. Troxx, Happi L. (92.45%)
2. Maneja, Athea S. (93%)
1. Tilo, Faye Mina F. (93.42%)

With High Honor

Camero, Nella Chandra A. (96.37%)

"Ang taas, putcha.." hindi makapaniwala na ani ng magbabarkada sa laki ng agwat ng grade ni Nella sa lahat. Hindi na kataka-taka kung bakit pasok na ito sa With High Honor. Hindi na sila nagtaka kung papasok ito ng high honor pero ang ikinagulat nila ay ang grade nito. Tatlo ang agwat? Sobrang laki..

High School SweetheartsOnde histórias criam vida. Descubra agora