Ayoko siyang saktan ulit pero hindi ko maiwasan na hindi magawa. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

Wala akong sinabi basta tumabi lang ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Napansin kong parang ang lungkot-lungkot niya.

"Are you okay, Rain?"

Ngumiti siya.

"Max, kung maibabalik mo ang nakaraan gagawin mo ba?"

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

Pero napaisip ako, kung kaya ko lang ibalik ang lahat gagawin ko para si Carisse ang kasama ko ngayon.

"Oo naman.."

"Kahit na may mawawala sayo? Ayos lang?"

Tumango ako at sumagot.

"May mga bagay tayong kailangan isakripisyo para lang makuha nating ang gusto natin lalo na kung ang kaligayahan natin ang pinaguusapan.."

Tumingin siya ulit sa malayo.

"Pero may mga bagay na kailangan na lang kalimutan.."

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ano bang problema ni Rain? Alam na kaya niya ang nangyayari sa amin ni Carisse? Pero imposible naman kasi.. basta.

Bigla siyang sumandal sa akin.

"Kung magkaroon ng pagkakataon na magkabalikan kayo ni Carisse, tatanggapin mo ba?"

Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Rain. Hindi tuloy ako makapagsalita.

Inangat ni Rain ang ulo niya at saka tumingin sa akin.

"A-ano... Ah.. Eh.."

Napangiti si Rain.

"Relax. Joke lang iyon. Ikaw naman di mabiro."

Natawa na lang din ako. Akala ko pa naman totoo na.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Para bang takot na takot siya bigla akong mawala sa harap niya.

"Ang gusto ko lang naman ang kaligayahan mo, Max. Kung may dahilan para hindi ka masaya gagawan ko ng paraan para mawala ang dahilan na iyon. Kahit pa ako.."

Lumayo siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita.."

Hinalikan niya ako sa noo at saka siya pumasok sa loob.

Hindi ko maintindihan ang inaakto ni Rain ngayon. Parang may mangyayari..

Kinabukasan, hindi ko naabutan si Rain paggising ko pero may nakanda naman nang umagahan sa lamesa. Kinain ko iyon at saka pumasok sa opisina.

Hindi ko na napansin na gabi na dahil sa dami ng trabaho. Naisip kong tawagan si Rain kung nasa bahay na siya pero hindi niya sinagot.

Kaya nagpagdesisyunan ko na lang na umuwi dahil pagod na pagod ako. Pagdating ko sa bahay napansin kong may kotse.

"May bisita ba?"

Pumasok ako at naririnig kong may kausap si Rain.

"Ginawa mo ba talaga iyon, Rain? Talaga bang ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Carisse noon?"

Natigilan ako sa pinag-uusapan nila at sa boses pa lang alam kong si Eric iyon.

Imbis na umalis ako, gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Kasi alam ko sa sarili ko gusto kong malaman ang lahat.

Nagtago ako sa gilid ng pintuan. Nasa sala kasi silang dalawa.

"Oo. Hindi ko naman itinatanggi iyon. Nalaman ko kasi na gustong makapasok ni Carisse sa Julliard kaya ginawa ko ang lahat para matanggap siya doon. Gumawa rin ako ng kwento na nambabae si Max kapag wala siya."

Ano?! I always stay loyal kay Carisse. Oo, maraming babaeng umaaligid sa akin noo pero kahit kailan hindi ko siya niloko. I never cheated on her.

"Why would you do that? Mabait si Carisse sayo at si Max.."

Tanong pa ni Eric. Parang hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Rain. Ako din naman. Paanong magagawa ni Rain iyon? Anong rason niya?

"I know. Pero kapag nagmamahal ka kaya mong gawin ang lahat para lang makasama ang taong mahal mo. Wala akong galit sa kanya pero mahal ko si Max. Bago pa man siya dumating sa buhay ni Max, mahal ko na siya. Mas nauna ko siyang makilala kaysa sa kanya. Pero tignan mo naman ang nangyari, siya ang pinili.. silang lahat. Naiwan akong mag-isa."

Napakapit ako ng mahigpit sa brief case ko.

"Si Max lang ang meron ako. Pati pa ba siya mawawala sa akin? Kaya nga ng makakita ako ng chance na makasama siya, kinuha ko. Kahit na humantong ang lahat na masaktan silang dalawa.. Masasaktan siya sa una pero habang tumatagal naman napapansin na niya ako. Ako na ang mahal niya, gaya ngayon kahit na andyan na si Carisse nasa akin pa rin siya. Ako ang pinili niya. Kahit na pumalpak tayo sa plano natin. Sayo si Carisse, akin si Max."

What the?!

I can't take this anymore. Si Rain, hindi ako akalain na magagawa niya ang lahat ng ito. Sinira niya kami ni Carisse. Sinira niya ang lahat ng pangarap ko.

"Paano kapag nalaman niya, nila?"

Narinig kong tumawa si Rain.

"Hindi nila malalaman."

Bigla akong nagpakita sa kanila.

"Now i know.."

Nagulat silang dalawa ng makita ako, lalo na si Rain.

"I never thought that you are capable of doing these things, Rain. Ikaw pa sa lahat ng tao. You know how much i love her. Pero anong ginawa mo, inilayo mo siya sa akin. Inilayo mo ang babaeng mahal ko dahil lang sa pagiging makasarili mo!"

Lumapit siya sa akin.

"M-max, listen to me. Kaya ko lang naman nagawa iyon dahil mahal na mahal kita. Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan pero nang dumating si Carisse kinalimutan mo na ako! Lahat kayo... Iniwan akong mag-isa dahil sa kanya.."

Umiiyak siya pero wala akong pakielam.

"Napakasama mo. Sa tingin mo ba maitatago mo ang lahat ng ito? I forgive you, Rain kahit na hindi ko alam ang dahilan sa pag-alis ni Carisse. Kasi alam ko, may maganda kang dahilan pero ito? Walang kwenta."

Tumingin ako kay Eric.

"Karma na lang ang nangyari sayo kaya hindi natuloy ang kasal niyo ni Carisse."

Tumalikod ako at saka naglakad palabas ng bahay.

"Max, saan ka pupunta?"

Hindi ako tumingin sa kanya dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Sa babaeng mahal ko."

Pagkasabi ko noon sumakay ako ng kotse at umalis.









A Sad Rain (Completed)Where stories live. Discover now