[ Alam mong may trabaho iyong tao, pinauuwi mo kung kailan mo gusto? Hindi mo ba naisip na pagod iyon, 'tapos dis oras ng gabi ay pagda-drive-in mo? ] Mas mataas na ang tono ni Tita Eva.


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kung sasagot ako ay hindi magiging maganda ang kalalabasan. Baka lalo siyang magalit at madamay pa sina Mommy at Daddy. Ayaw ko ring mag-alala pa si Harry.


[ Hayaan mong magtrabaho si Harry. Sino ba ang makikinabang? Ako ba? 'Di ba ikaw at iyong anak mo? Bubuhayin kayo ni Harry kapag kasal na kayo! ]


Nang matapos ang tawag ay humihinga ako nang malalim. Sanay naman na ako sa ilang taon na kami ni Harry. Sanay na ako pero may pagkakataon pa rin talaga na parang mauubos ako.


Dumating na kanina pang 3:00 p.m. si Hyde galing sa school. Nakapagmerienda na rin sila pero nakahiga pa rin ako sa kama. 4:00 p.m. na ako bumangon dahil nanghihina ako.


Naligo ako at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ng hagdan ay nakarinig ako ng tawanan mula sa kusina. May kausap si Mommy. Boses ng babae.


Nasalubong ko si Daddy. Naka-polo pa at mukhang kararating lang. Humalik ako sa pisngi nito. "Dy, may bisita po si Mommy?"


"Ah, nandiyan si Norma. Kausap ng mommy mo."


Norma? Nanigas ang katawan ko. Mrs. Normalyn Aguilar?!


Napatakbo ako sa kusina at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang matiyak na tama ako. Si Mrs. Normalyn Aguilar, ang terror head teacher namin noong high school, at mommy ni Hugo nga, ang kausap ni Mommy!


Mrs. Aguilar was wearing a plain navy blue long-sleeve midi dress, her hair was up in a tight tie, and she still had her signature thick black-rimmed glasses. The lines on the side of her eyes only increased a little, but the teacher's aura was still the same. Maganda na istrikta.


Ang tagal ko nang hindi nakikita ang ginang. Not even on social media. Wala rin itong komunikasyon na kay Mommy. Paanong naririto ito ngayon sa bahay namin?!


Nang makita ako ni Mrs. Aguilar ay ngumiti ang istriktang guro namin noong high school. "Oh, my, Jillian! Ikaw na ba 'yan? Lalo kang gumanda. How are you, hija?"


"Mabuti po. Kumusta po, Ma'am?" Wala naman akong napansin dito na kakaiba. Mukhang hindi pa nito alam. "Napadalaw po kayo..." Nakaramdam ako ng init sa dibdib dahil sa isiping sa kabila ng pagiging istrikta ni Mrs. Aguilar, ay hindi ako nito hinusgahan sa aking pagiging dalagang ina.


"Ayos lang ako, Jillian. Si Hugo ko kasi ay isinama ako roon sa bahay niya. Ewan ko ba roon kung ano ang naisipan. Tapos ayun, dinala ako rito. Malapit nga raw ang lugar niyo. Hindi ko alam kung bakit alam."


May kung anong bumara sa lalamunan ko. "N-nasaan po siya?"


"Nasa itaas niyo," nakangiting sagot nito. "Kasama ng anak mo."


"Po?" Hindi ko na nahintay ang sasabihin ni Mrs. Aguilar o kahit intindihin pa ang nagtatakang ekspresyon nila ni Mommy. Tinalikuran ko na sila at nanakbo ako paakyat sa itaas.

South Boys #4: TroublemakerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant