Poison V

16 5 0
                                    

“Who's that?” My husband asked me. This is just a typical scenario that happens every morning that started nang mag-away kami nang malala. He even threw a vase kahit alam niyang nasa harapan lang namin si Arlene. Hindi man lang niya naisip na maaaring ma-trauma ang bata sa ginagawa niya.

“Just a friend,” maikling sagot ko, lagi namang iyon ang sagot ko. Hindi pa ba siya nasasanay?

〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃

Months passed and a lot happened. My plan went well that I achieved it earlier than I expected. The duration of the plan I created is a year and a half. But I attained the goal of the plan in just months.

Sa tingin ko ay mas napabilis ang annulment nang dahil sa tulong ni Arlene. It only takes a few lies at nakuha ko na ang loob niya. Thank goodness she recorded a video that helped me at the court.

It's Paolo kissing a woman.

Irene is really mad at me. Dati pa lang nang mahuli niya ako na hinahalikan si Peterson Bracken ay naging matabang na ang pakikitungo niya sa akin. I can't blame her though. Sa ngayon hindi niya maiintindihan ang mga desisyon ko pero pagdating ng panahon ay magkakaroon din ako ng chance ipaliwanag sa kanilang dalawa ni Arlene. Ipapaliwanag ko kung bakit ganito ang nangyari sa pamilya namin.

Nakatayo ako ngayon malapit sa bifurcated staircase ng bahay ko at pinapanood ang aming hardinero habang tinatanggal niya ang family portrait. I want to replace it with a portrait of me and my daughters, kung saan makakangiti ako nang malaya.

The thought of Irene and Arlene not having a complete family makes me sad. But at the same time I feel like my heart is jumping because of joy. My name is finally back to Ivy Velasquez. No overprotective parents, and definitely no husband. I even got the custody. I'm going to live with my daughters!

Pero nasa nanay ni Paolo ang anak kong si Arlene. Susunduin ko siya para magkakasama na kami ngayon sa bahay ko. Irene is upstairs fixing their room. Sabi niya isa na lang daw ang kwarto nila ni Arlene.

“Huwag niyo po tanggalin ang family portrait. Mom, don't let him,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Irene nang makita niya na tinatanggal ng hardinero namin ang portrait. The gardener looked at me, I nodded as a sign that he should follow my daughter.

Naiintindihan ko naman si Irene. Baka nasa accepting process pa lang siya. Mabigat para sa kanya ang mga pangyayari na nangyayari ngayon. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya. Iyak pa rin siya nang iyak.

“Anak, susunduin ko lang si Arlene. Babalik agad ako,” I said. When I didn't receive any response, I tapped her shoulder and walked away.

Naglakad ako papunta sa sasakyan ko. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay bigla na lang may nagtakip sa bibig ko gamit ang panyo. Nahilo ako at unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.

〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃❥ 〃

“Hayop ka, Peterson! Nasaan ako?” Bulyaw ko sa taong nasa harapan ko.

yeojacosmos

The Poison IvyWhere stories live. Discover now