Prologue

27 3 2
                                    

"Ang ganda talaga mag surfing dito!"


Tuwang-tuwa ang mga pinsan ko nang bumalik sila sa hotel kung saan kami naka check-in. Lahat sila ay may tuwalya pang nakabalot sa mga katawan, kakagaling lang sa dagat. Nag uunahan pa sila kung sino ang mauna sa shower.



Narito kami ngayon sa Drexine's beachfront resort and hotel para mag bakasyon kasama ang buong pamilya ng side ni Mama. Tatlong araw din kaming mananatili dito dahil ayon ang gusto ni Tita Viella bago sila bumalik sa America.



Labag nga sa loob ko na sumama eh, kung hindi lang dahil request ni Tita Viella ay talagang hindi ako sasama kasi ano bang gagawin ko dito? Ayaw na ayaw ko ang pagsiswimming. Sa swimming pool man o sa dagat!



Halos buong araw ay nandito lang ako sa room habang sila ay nag-iikot. Si Mama nga nakapag change na kaagad ng profile picture sa facebook.



"Pamangkins! Tara na sa baba, it's time for dinner."



Nilapag ko kaagad ang libro ko sa bed side table nang tawagin kami ni Tita Viella at agad na sumunod sa kanya pababa. After dinner, they decided to make a bonfire outside. We grab our own chairs and placed them around the bonfire.



"Ang bilis ng panahon ano? Kolehiyo na lahat ng mga bata. Ay maliban pa pala kay Mika!" tinuro ako ni Tita Viella kaya lahat sila lumingon sa akin.



"Saan ka mag-aaral neng?" tanong naman ng isa ko pang Tita.



"Sa Blyana University po, Tita Anne."



"Doon ka din nag-aral ng Senior High diba?" tumingin siya kay Ate Cassia, pinsan ko.



Tumango lang si Ate Cassia bilang sagot dahil abala pa siya sa laptop niya. She's working kahit nasa bakasyon kami. Nakikita ko kasi kung ano yung nasa screen ng laptop niya kasi magkatabi lang kami and it's all numbers.



"Ayon nga lang hindi nakapasa si Cassia sa entrance exam ng college." natatawang sambit ni Tita.



"It's totally fine. And please stop—" hindi pa tapos magsalita si Ate ay sumingit na si Tita Anne kaya nanahimik na lang siya.



"Ang akin lang 'nak eh makakapasa kaya si Mika? Kung ikaw mismo na Valedictorian ng Senior High nila noon ay hindi nakapasa."



Parang nagising ang diwa ko sa narinig ko at parang nag-init ang dugo ko doon. Sanay naman na ako sa comparison na yan pero bakit ang sakit lang na parang wala silang tiwala sa akin? Nagawa pa nilang tumawa.



I know mahirap makapasok doon, Blyana University is a prestigious institution. Kung hindi ka sobrang mayaman ay dapat sobrang matalino ka. But they are the only institution that offers the best and quality education in the country. Besides, si Tita Viella ang magpapa-aral sa akin. She's the one who suggested that I should study in B.U at sino naman ako para tumanggi sa grasya diba? It has always been my dream school.



"Don't conclude, Ma. Mika and I are totally different.   Why don't you just believe in her?"



The night ended well despite of that discussion. Ate Cassia handled the situation well at hindi naman na nakipagtalo pa si Tita. After that ay napag desisyonan na rin naming umakyat para matulog na.



Inagahan ko ang gising kinabukasan para manuod ng sunrise. Nagising din si Ate Gia at Kuya Tristan kaya sinamahan nila ako sa may garden dahil dito daw ang may pinaka magandang view ng sunrise. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan yung langit.



"Anong nangyari sa pa-bonfire kagabi?" tanong ni Ate Gia, pambasag ng katahimikan. They went out to drink after dinner kasi kaya hindi sila nakasama.



I rolled my eyes nang maalala ang nangyari.



"As usual ate, kwentohan sila tapos compare na naman."



Narinig ko silang tumawa at nag-apir, "Ligtas tayo boy!"



See? We're used to this. But I'm glad na hindi naaapektuhan yung relasyon naming mag pinsan dahil sa mga magulang namin.



Pinicturan ko yung langit bago ako nag-aya sa kanila na bumalik na sa loob. Sakto namang nasa restaurant na sila Tita nang makabalik kami kaya hindi na kami umakyat ulit sa room.



"Cassia! Let's shopping after oh" pag-aaya ni Ate Gia, "Sama ka na rin Miks ha. Jusko! Kahapon pa kayo nagmumukmok sa kwarto habang kaming apat ay kung saang lupalop na napadpad."



Natawa ako dahil totoo naman ang sinabi ni Ate Gia. Ang alam ko nag swimming, surfing, beach volleyball atsaka inom siya kahapon. Kasama yung iba pa naming pinsan. Sila Kuya Tristan, Kuya Gab, at Ate Sasha.



Pero umuwi din daw sila Ate Sasha at Kuya Gab kagabi dahil parehong kay hinahabol na requirements sa school at ngayon daw ang pasahan. Well, they went into the same University. At pareho silang graduating.




"Dito na lang kayo mag shopping! Sakit na ng mga paa ko oh." ngumuso si Kuya Tristan para ituro yung sinasabi niya.



ZK's Aquatic Haven.



Ito ata ang pinaka-malaking boutique na nakita ko sa lahat ng nadaanan namin. Hinatak kaagad kami ni Ate Gia papasok doon.




Napaawang ako sa ganda ng interior nang makapasok. It is aesthetically pleasing, simple yet elegant. Ang sarap mag picture dito pero nakakahiya kasi may mga tao. Pagkapasok mo bubungad agad ang cashier area. Ang lawak ng place tapos andami nilang paninda.



Sa right side ay halos mga chips, jewelry, at souvenirs. Tapos sa left side naman may mga swimming outfits, at iba pang swimming gears. At may malaking sliding door sa gilid ng cashier area, kung saan naka pwesto ang kanilang mga tinitindang surf boards.




"Miks? Okay ka na dyan sa mga napili mo?" tanong ni Ate Cassia nang mapansin na nakasunod nalang ako sa kaniya.




"Oo po. Okay na 'to, Ate." nginitian ko si Ate Cassia.




Isang keychain, isang dolphin plush toy na kulay pink, at isang t-shirt. Tumingin siya sakin at hininto ang pagtitingin niya sa mga damit. Kinuha niya yung wallet niya at inabot sakin.




"You can pay na, use my money." Yes! Libre.




Pumunta kaagad ako sa Cashier para magbayad. Tatlo lang kaming naka-pila at ako yung nasa huli pero okay lang naman dahil hindi naman natagalan.




"Ang ganda ng napili niyong t-shirt, Ma'am,"ngumiti sakin yung Cashier na nagbabalot ng mga pinamili ko. Napatingin tuloy ako doon sa t-shirt. It was a plain black shirt, at may dalawang malaking letter sa likod at ayon ang Z tsaka K.



"Kakalagay lang nito ni Sir Kaizen ma'am eh, siya kasi nag design. Sample pa lang po ata ito kung may bibili ba ng ganito ka simpleng design po."




"Sir Kaizen?" nagtatakang tanong ko. Ako lang ba hindi nakakakilala sa kanya? Kanina ko pa kasi naririnig yung pangalan niya sa mga babaeng nandito na sana daw ay bibisita ngayon. Ayon ba yung may ari?




"Good morning, Sir Kaizen and Ma'am Keazha!"





— 🎀

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Surf Through The WavesWhere stories live. Discover now