Hala self, baliw kaba pinaggagawa mo, tangina bat ko kinindatan si pogi, shock nakakahiya hoy!

" Kain muna kayo " mahinhin kong sabi.

" Oh adeline, it's been a long time, akala ko hindi kana makakabalik dito— "

" Franco! " Pagpupuna naman ni pogi kay franco.

" Ah eh, hi i miss you— ah eh namiss ka ni pogi " nangangatug mga tuhod ko grabe, ang kapal ko namang sabihin yung salitang i miss you sa harap ng asawa niya haysss kakahiya adeline umayos ka nga.

" Ahh ganun ba, i miss you too bray." Wika ni franco habang nagtatakang nakatingin kay pogi tuloy pati asawa niya nagtataka.

" Ah sige balik na ako ha, iwan ko muna kayo. " Aalis na ako pero—

" No, stay here. "  Mahinahon niyang wika kaya pati ihi ko gustong lumabas kahit kakacr kolang kanina. Umupo naman ako sa tabi ni pogi habang malamig itong nakatingin sakin na para bang may gustong sabihin.

Kinikilig akes!  hehhehe :))

" By the way ade, this is Tania franco wife. " Pagpapakilala ni pogi dito sa magandang babae kaya napatayo ako at nagshakeshand kami.

" Hi, ako si adeline "

" Adeline, i'm Tania. . nice meeting you " wow ganda mo naman kaya siguro mas pinili ka ni franco kesa sakin, joke lang kay pogi parin tutuwad, joke ulit.

" Sayang nga at di kayo nakaattend ng kasal namin eh. "

Sabi naman nitong Tania kaya biglang napatingin sakin pogi.

" Bakit? " Tanong ko naman dito

" Nothing " sagot niya naman

" Mukha talaga kayong bagay ni Adeline bro. " Halos tumalon ang sikmura ko at uminit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Franco.

" You look so pretty Adeline! " Pagpupuri naman sakin ni Tania.

" ikaw din naman " kunware humble

" Wala kabang balak na ligawan si Adeline bro? " Sige franco tadtadin mo ng tanong si pogi habang ako naman kunware di kinikilig.

" She's my girlfriend now. " Biglang kinuha ni pogi ang kamay ko at hinawakan niya sabay halik dito, hala naku buti nalang naghugas ako ng kamay, kakatapos ko lang pa naman tumae.

" Huh? " Hatdog, nalaglag panga si Franco pati nadin si Tania.

" Wow, it's unexpected Bray akala namin tatanda ka nang binata." dagdag pa ni tania.

Omg di kona kaya ito kinikilig na talaga ako na super duper much!

" Akala ko din but dumating sya sa buhay ko and thanks to god. "

Halos hindi ako makagalawa sa kinauupuan ko kahit sina tania at franco ay nabigla din sa sinabi ni pogi.

" Kailan ka natutong magpasalamat sa diyos? " Tanong ni Franco dito.

" Because of adeline. " Ikling sgaot naman ni bebe ko.

Nang matapos na ang chikahan ay umalis narin sina Franco at Tania, ang bait pala ni Tania 'no kaya hindi ko masisisi kung bakit sya ang pinakasalan ni Franco, at tsaka kakilala palang namin grabe na yung puri na binigay niya sakin, tamo paulit-ulit niya akong sinasabihang maganda eh kahit na mas maganda naman sya sakin. I like her vibes.

" Ade! "

" Ay pwet ng kabayo. "  Napatalon ako dahil sa gulat, itong si pogi hilig manggulat

" Jusko bat mo'ko ginugulat. "

" I'm sorry, napapansin ko lang "

" Na ano? "

" Mas lalo kang gumaganda, lalo na yang ngiti mo mas lalong tumatamis and kanina you winked at me, what that means? "

" Huh? Eh assuming sya oh, napuwin lang ako hindi yun kindat. " Pagsisinungaling ko naman sa kanya habang tumalikod ako sa kanya upang di niya makita na kinikilig ako at namumula.

" No you're lying ade, i saw it clearly, kindat yun. "

" Kulit mo. "

" May gusto kabang sabihin? "

" Meron, gusto ko lang itanong sayo 'to " panahon na siguro na aminin ko yung totoo kay pogi, maiintindihan naman siguro niya ako.

" Ano yun, Ade? "

" Bray, wag kang matatawa sa sasabihin ko ha "

" I won't "

" Promise? "

" Promise ade! "

" Uhm, maha na mahal kita! " Hindi ko pala kaya, siguro sa susunod nalang na araw, hindi ko sya kayang makitang nasasaktan.

" I love you so much " hinalikan niya ako sa noo, yes first time sarap sa feeling, pakiramdam  ko naglalakad ako sa mga ulap. Hayss

" Akala ko naman kung ano yung sasabihin mo. " Napatawa naman si pogi.

"   Yun nga eh, baka tawanan mo'ko kapag sanabi kong mahal kita "

" Why? That's the sweetest words, and that's my favorite words you said to me. "

" Wala kang pasok? "

" Hindi ako pumasok "

" Bakit  naman? "

" Dahil gusto kitang makasama, let's date? "

Ito na naman sya oh, alam niya talaga ang kahinaan ko oh, lalabas kami hindi bilang boss at maid kung magnobyo, omg.

" Talaga?? Tara na? "

  " Let's goo " and hinawakan niya ang kamay ko, ito na siguro ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, ngayon ko lang ito naranasan eh, at siya pa talaga ang lalaking matagal ko nang gusto, simula palang na nakarating ako sa mansion na ito, iba na ang nararamdaman ko kay pogi.

Sya ang pahinga ko

Sya lang...

BIANCA POV

" Hays buti pa si Adeline naransan nang magkaroon ng love life, nakakaproud as bff niya diba pinuno" wika ko naman habang nakatingin sa may salamin na ipinapakita ang lahat ng nangyayari kay Adeline.

" Alam mo Bianca, mali. "

" Anong mali pinuno? " Kinakabahang tanong ko dito

" Mali na umibig sya, misyon lamang ang kailangan niyang gawin sa lupa ngunit hindi sya maaring magmahal ng tagalupa. " malamig na wika ni pinuno kaya mas kinakabahan ako dito.

" Bakit pinuno? ano pong mangyayari kay Adeline kung iibig man sya sa mundo ng mga tao? "

" Hindi mo ba naiisip Bianca ang pwedeng mangyari sa kanilang dalawa? Kapag lubusang napaibig si Adeline sa lalaking iyo mas magiging madali ang pagbabalik niya dito at pank na sila? Pareho silang masasaktan, sinasaktan lamang nila ang kanilang sarili at magiging mali ang ikot ng buhay maaring mapahamak ang lalaking iyun. "

Kinalabutan ako sa sinabi ni Pinuno tila hindi ako makapagsalita at binuhusan ako ng malamig na tubig, anong ibig sabihin niya?

" Pero pinuno hindi maiiwasan ni Adeline na mapa-ibig sa lalaking iyun kahit ako ay magkakagusto don. "

" Mali ang iyong rason bianca, ang nagmamahal ay nagmamahal. "

" Ano po ang inyong ibig sabihin pinuno? "

Bigla namang nawala si pinuno, grabe bastos ha nagtatanong pa nga eh inalisan ba naman ako, pero hindi talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni pinuno " ang nagmamahal ay nagmamahal "  ang gulo, hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi ni pinuno. Kailangan ko siyang balaan.

Adeline—

Spy Of TomorrowWhere stories live. Discover now