Siniko ko naman siya. "Gustong-gusto mo talaga ang senyorito ano?"

"Gustong-gusto ko siya para sa'yo kaibigan." Makahulugang sagot ni Hilda.

Tinignan ko naman siya na tila natatawa na lang. Hindi ko talaga siya maintindihan. Noon pa ay ayaw na niya kay Armando kesyo apo ni de Gracia at mamatahin lang daw ako dahil isa lang akong magsasaka pero pagdating kay Senyorito Maximo ay wala siyang isyu sa kanya e pareho lang namang haciendero ang dalawang binata.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayokong demonyohin niya ang utak ko. Sigurado ako sa puso ko at 'yon ay para lang kay Armando. Tama naman si Armando, ang Espanyol ay para lang sa Espanyol, ang Pilipino ay para sa mga Pilipino. Hindi tayo nagmamahal sa mga dayuhan.

Ilang saglit pa ay natunton na namin ang sakahan. Nagtaka naman ako dahil nagkakasiyahan ang mga magsasaka. Sinundan lang namin sila ng tingin at kita namin ang tinatayong isang pawid sa tabi ng kubo na pahingahan ng mga magsasaka.

Tulong-tulong ang mga kalalakihan sa pagtayo ng munting silid-aralan para sa mga batang magsasaka. Napangiti ako dahil ngayon na pala inuumpisahang itayo ang silid-aralan.

Kita ko naman ang senyorito na tumutulong din sa pagbuo ng aming silid-aralan. Wala na naman siyang suot pang-itaas kaya kita ko na naman ang katigasan ng kanyang katawan. Pinapakinang pa ng sikat ng araw ang pawisan niyang katawan. Bakit ba kasi ang hubadero niya?

"Kay kisig na heneral..." Bulalas ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa senyorito! Napaka-malisyosa pa naman ng babaeng ito!

Ngumisi lang si Hilda sabay nguso ulit sa senyorito kaya napatingin ako ulit sa binatang heneral. "Ibaba mo ang tingin mo sa salawal niya, Esme."

Otomatiko ko naman sinunod ang sinabi niya kaya nakita ko ang bukol na bumabakat sa salawal ni senyorito. Agad ko namang kinurot si Hilda sa kanyang tagiliran. "Napaka-bastos mo talagang babae ka!"

Tumawa lang si Hilda habang pinipigilan ako sa pagkurot sa kanya. Linapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko sabay bulong sa akin. "Dakila raw ang mga espanyol, Esme. Pagpapalain ka talaga ng Maykapal. Buong-buo ka niyang sasakupin!"

"Hilda!" Singhal ko sa kanya at pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil ako na ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. "Magtigil ka!"

Humalakhak lang ulit si Hilda na tuwang-tuwa lagi sa pang-aasar sa akin. "Biro lang aking kaibigan. Pero seryoso, tignan mo ang senyorito, naisipan niyang magtayo ng maliit na silid-aralan para sa anak ng mga magsasaka. Tatayo rin siyang guro para sa kanila. At ngayon ay tumutulong pa siya sa pagtatayo ng silid-aralan. Kaya selos na selos si Armando dahil hindi niya kayang gawin ang mga bagay na kayang gawin ng senyorito." Sambit ni Hilda sabay ngisi at tumakbo na palapit sa ginagawang pawid para tumulong.

Napatingin naman ako ulit sa senyorito. Nakangiti siya kahit babad na sa araw at pagod na sa pagpapatayo ng silid-aralan. Ibig sabihin ay gusto niya talaga ang ginagawa niya. Siya ang nakaisip ng ganitong ideya pero ginawa niya talaga dahil ganito niya kamahal ang mga magsasaka.

Napatingin naman siya sa akin at kumaway. Sinubukan ko siyang ngitian at kinawayan din. Ayoko mang isipin pero tama si Hilda, ang layo ni Senyorito Maximo kay Armando. Pareho silang galing sa marangyang pamilya pero hindi sila pareho ng trato sa mga magsasaka. Kaya nga ako nililihim ni Armando sa pamilya niya ay dahil isa lang akong magsasaka. Dahil alam kong hindi tatanggap ang Don de Gracia ng mga hampaslupa na mapabilang sa kanyang pamilya. Pero wala e, minahal ko si Armando.

Lumapit naman ako sa kanila para tumulong. Kahit paano ay nasasabik na akong magturo dahil ito talaga ang pangarap ko, ang maging isang guro. Ipagpapatuloy ko talaga ang aking pag-aaral kapag naka-ipon na ako ng salapi. Baka sundan ko si Armando sa Cebu para lagi na kaming magkasama.

El VioladorWhere stories live. Discover now