33

48 0 0
                                    

FEELINGS

"Aray..dahan dahan lang, Adi..."

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at 'dahan-dahan' ngang ginamot ang malalim na sugat ni Yves, sobrang nginig pa ng kamay ko habang nagbebenda sa may beywang niya.

Sino bang hindi matataranta kung anong gagawin kung ang ginagamot mo ay tila papel na sa sobrang putla, wala pang doktor na malalapitan at puro dugo pa ang makikita sa paligid.

"Ayos ka lang?" nabuhayan muli ako ng pag-iisip ng hawakan ni Yves ang pisngi ko, tapos na pala ako sa pagbebenda.

Tumango ako ng makailang ulit na tila ba sinisiguro ko pa pati sarili ko na ayos lang...ako.

Nahagip ng mata ko si Elyse na dumaan patungo kay Yuan na naggagamot sa sariling mga sugat, si Yves ang inuna ko dahil sa sobrang pag-aalala sa kaniya. Nakalimutan kong may mga sugat din pala si Yuan.

Napayuko na lamang ako ng maisip ang mga ikinilos ni Elyse kanina, sobrang takot lang ba niya kaya ayaw niya akong palapitin o may iba siyang dahilan? Sobrang bigat noon sa dibdib ko at gustong-gusto ko siyang lapitan at tanungin kung bakit pero, sa sitwasyon ngayon? Ayoko na munang palakihin pa kung ano mang dinidimdim niya.

"Adi..." napalingon akong muli kay Yves nang maramdaman ang hawak niya sa kamay ko, napasunod ako ng tingin kung saan siya nakatingin.

Hinila ko pabalik ang kamay kong dumudugo pa pala, medyo malalim ang sugat na natamo ko sa bubug kanina.

Kumunot ang noo ko sa biglang naalala, 'yung lalaki, galit na galit siya nang makitang nasugatan ako sa kamay, bakit kaya?

Tumayo na muna ako at pumunta sa kusina gusto kong mag isip-isip pero alam kong hindi ako makakalabas ngayon, ayoko na ring ulitin pa ang ginawa ko kanina nakakapangsisi.

Susunod pa sana si Yves pero sinenyasan ko siyang huwag na muna dahil gusto ko na munang mapag-isa nang makapag-isip ng mabuti.

Umupo ako sa may mesa at sinubukang intindihin ang mga nangyari kanina pero pinasakit lang noon ang aking ulo, kinapa ko ang kwintas na binigay sa'kin ni Drake noong huli naming pagkikita. Kaagad bumalik sa alaala ko ang mga nangyari ng gabing 'yun napatunayan ko ring nagsisinungaling nga sa'kin si Drake at sinisiraan lamang sina Yuan, pero bakit?

Ano't sobrang lalim naman ata ng galit niya sa dalawa at pilit silang sinisiraan?

Muling gumuhit sa'kin ang pait ng nakaraan kung gaanong takot ang naramdaman ko noong gabing 'yun at kung paanong nagsalubong na pala kami ng landas ng mga Leones at ngayon ko pa naalala.

Naaalala rin kaya nila 'yun?

Marahil ay naalala nila ang pangyayaring iyon siguro hindi lang ganoon ka importante sa kanila para isipin pa.

"Ano bang iniisip mo at pati sugat mo ay hindi mo na kayang alalahanin pa?"

Nagulat ako nang sumulpot na bigla sa harap ko si Yuan may dalang first aid kit, hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang gamutin ito. Hindi na ako nagpumiglas pa hindi ko rin alam kung bakit.

Kaagad naghanap ang mga mata ko sa presensiya ni Yves pero kaagad ring nabalik ang atensiyon ko kay Yuan nang madiinan niya ang bulak sa sugat ko, napaigtad ako sa sakit!

"Huwag mo munang hanapin ang nobyo mo, he's upstairs, resting. Kaya kung pwede lang mag focus ka muna sa'kin..." napakalalim ng tingin niya sa'kin na tila nanghihigop. "Na gumagamot sa'yo." aniya bago bumalik muli sa ginagawa.

The Secrets of Xavier AcademyWhere stories live. Discover now