Three

23 4 2
                                    

Chapter 3

Alistair

"Students! Get ready for the Fashion Show, We'll start in 30 mins and representatives, punta na po tayo sa Theatre place at dun gaganapin ang show" Napalingon kaming lahat nang magsalita ang organizer ng event mula sa pintuan.

Tumayo na ako at kinuha ang makeup box ko para tumungo sa Theatre place ng biglang hablutin sakin iyon ni GG.

"Ako na dito Alice" Hinayaan ko nalang siyang dalhin iyon total nabibigatan na din naman ako.

Nang makarating kami sa backstage, pinaiwan ko na ang makeup box sa isang table dun kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Ilang sandali lang ay may lumapit na babae sakin.

"Alice Dela Cruz?" Marahang tanong niya sakin.

"Ah, Yes po Why?" Nginitian niya lang ako at binuksan na ang makeup box.

"I'm the assigned makeup artist for you. Ayusan na kita, Time is running out na eh" Lahat pala ng candidates may assigned makeup artist. Di naman ako na-inform.

"Yah Sure" Sinenyasan ako ni Giovano na babalik na siya ng classroom pero pinigilan ko siya.

"Samahan mo muna 'ko dito para may kakwentuhan ako" He sighed and sat at the chair in front of me.

Napakamasunurin talaga nang baklang ito, kaya loves na loves ko eh! Wag kayo diyan..Bestfriend ko 'to.

Pagkaraan nang ilang minuto, natapos din ang pagme-makeup sakin. Saktong dumating ang event organizer na tinawag si GG.

"15 minutes left! Giovano, I want you to wear this. Nag-back out ang isa sa male models natin and I think you can replace him" Nanlaki ang mga mata niya at kabadong napatingin sakin na parang sinasabing 'No this is not happening'.

"Hooo! Kaya mo yan! Go Gir- este Go Giovano!" Nag-wink ako at napailing-iling siya with paawa face effect pa. Wala na siyang nagawa at tumungo na ng dressing room.

Naglalakad ako papunta sa CR ng bigla akong harangin nang dalawang babae. Malamang sa malamang, models din sila. Mga clown eh- este ang kakapal nang makeup eh.

"Look what we have here. A weirdo, ugly, manic girl" She rolled her eyes at me at tumawa naman sila ng kasama niya.

"Girl hindi bagay sayo yang suot mo" Malanding tugon naman nung kasama niya na halos ipakita na ang hinaharap sa dress niya. I smiled. Naghahanap ata nang away ang dalawang 'to.

"Ang tunay na MAGANDA... Hindi na kailangan magpakita ng CLEAVAGE. Hindi kailangan magpakita ng PUSOD. Hindi kailangan makapal ang MAKE UP. Hindi puro FILTERS ang picture. At lalong HINDI kailangan ng maraming BOYFRIEND para mapansin. Ang tunay na MAGANDA, *turo sa mukha ko* NGITI palang PAMATAY na. So if you'd excuse me? I have to use the Comfort Room" Diniinan ko talaga yung pagkasabi nung mga naka-caps lock para damang dama nila.

Dumaan ako sa gitna nila at iniwan silang umuusok sa galit

Aba! Kung kaya nila magmaldita, kaya ko din. Hinding hindi ako magpapatalo no!

Pagpasok ko sa CR, nanalamin ako ng may ngisi sa aking labi. 'You don't know who is Alistair Dela Cruz b*tches!'

Palabas palang ako nang Comfort Room, sinalubong agad ako ng isang Gwapong nilalang!
Shete, sino siya?

"Hello" Bati niya. Ngiti lang ang tanging nagawa ko sa kaharap ko ngayon with matching tuck ng hair behind the ears.

"Alice, Okay din pala maging lalaki no?" Inayos niya ang suit and tie niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unexpected PunishmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon