Prologue

22 2 3
                                    

Hawak ako ni Chester sa bewang habang inaalalayan niya ako sa paglalakad dahil sa nakapiring ako. Maya maya pa ay bigla na lang itong huminto.

"Babe, count one to ten before you take off your blindfold ok," bulong nito sa akin at  bigla na lang itong nawala sa tabi ko. Hindi ko na siya maramdaman. Kinakabahan ako aside sa iniwan nya ako ay sobrang tahimik pa. Though alam ko namang Anniversary namin hindi ko naman iniexpect na isusurprised nya ako since hindi ako mahilig sa ganun and he just ask me for a dinner sa favorite naming restaurant to celebrate. Even though I just let him and counted one until ten in my mind only nakakahiya naman siguro na lakasan ko ang pagbibilang hindi naman na ako bata.

Agad ko namang tinanggal ang blindfold ko matapos ko magbilang. Namangha ako sa buong paligid nasa gitna ang table kung saan napakaganda ng pagkakaayos sa harap ay may mga nakakabit pang letters na "Happy Anniversary" may mga balloons pa and napapalibutan ng rose petals yung table.

"Anong ---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Chester. Napatakip ako ng bibig at napaluha ng makita itong nakaluhod at naluluhang nakangiti sa akin hawak nito ang isang maliit na pulang box na may lamang singsing.

"My Aina, My Babe you know that I love you, right?" umiiyak na tumatango ako dito.

"I may not be the perfect guy but I promise you that I will love you for the rest of my life. Will you marry me?" naiiyak na tanong nito. Hindi agad ako nakasagot at halata ko na kinakabahan ito kahit na nakangiti sa akin. Mahal na mahal ko siya at alam ko sa sarili ko na handa na akong pakasalan at makasama siya habang buhay.

"Of course. Y-yes!" malawak ang ngiting sagot ko sa kanya. Kahit na umiiyak ako agad naman nitong isinuot sa daliri ko ang singsing at niyakap ako ng mahigpit. Doon ko lang napansin ang pamilya ko at pamilya niya, mga kaibigan ko na masayang nakatingin sa amin. Nakita ko din si Mom na lumuluha habang yakap ni Dad.

"Thank you, Babe. I love you!" hinalikan ako nito sa labi at muling niyakap ng mahigpit ganun din ako. Lumapit naman ang mga magulang at kaibigan namin ng maghiwalay kami.

"Congratulations anak, hijo" masayang bati ni Mom at Dad at niyakap ako ganun din si Chester. Binati din kami ng mga magulang ni Chester kasunod ang mga kaibigan ko.

"Congratulations, Best. Masaya kami for you sa wakas ikakasal kana din sa lalaking mahal mo," masayang bati ni Ella at niyakap ako ganun din ang iba.

"Wala na talagang makakahadlang pa sa inyo. Sa simbahan na talaga ang tuloy nyo," nakangiting saad naman ni Bless na sinang ayunan ng iba nakangiti lang akong tumatango sa kanila. Tama wala na talagang makakahadlang pa at masaya ako doon after how many years nagpropose na din siya at kasal na lang ang kulang.

"Thank you, guys." nakangiting pasasalamat ni Chester sa mga kaibigan ko ng makalapit ito sa amin yakap ako nito sa balikat ko. Nakangiti naman siyang sinagot ng mga ito. Masaya ako sa nangyari at ganun din ang mga nakapaligid sa amin habang ipinapalibot ko ang tingin ko sa mga taong kasama namin halata ang galak para sa amin dahil sa ngiti nila.

"Hey, Ai! Nandyan kapa ba?" boses ni Bless ang bumasag sa pagkakatulala ko, nakalimutan kong kausap ko pala ito sa kabilang linya.

"O-Oo. Nandito pa ako. May sinasabi ka ba?" bigla pa akong nautal dahil doon.

"Are you ok? May naaalala ka na naman ba?" nasa boses nito ang pag aalala.

"Yes, Ok lang ako. May ginagawa kase ako kaya hindi kita agad na sagot," sagot ko dito para hindi na ito magtanong pa. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito alam niyang iniiba ko ang usapan pero binaliwala niya na lang iyon.

"Kailan pala ang balik mo dito? Miss kana namin," tanong nito.

Alam kase nilang uuwi ako dahil bibisitahin ko ang isa sa bagong branch namin doon hindi naman ako magtatagal. Matagal na kase nilang gusto akong umuwi ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko naman maiwan iwan ang business namin sa US. Ako na kase ang humawak nito though kasama ko naman ang kapatid ko sa paghahandle. Siya dapat ang uuwi ng Pilipinas to monitor our branch there, but hindi nito magawa dahil busy din at nasa Spain ito para ayosin ang problema doon pero babalik naman ito the day before ng alis ko. Ayaw ko naman ito bumyahe pa kaya ako na lang ang uuwi at siya na muna ang bahala dito.

"Two days from now ang flight ko. Susunduin nyo ba ako?" sagot ko dito habang ginagawa ko ang trabaho na dapat kong tapusin.

"Yes! Where are you staying? Doon ba sa bahay niyo?" tanong nito rinig ko sa kabilang linya ang boses ng mga anak niya. Napangiti naman ako doon namiss ko din sila busy kase ako kaya hindi ko sila nakakausap.

"Yes. Doon na lang tayo, nagsabi na ako kay manang Esme na uuwi ako at nagpahanda na rin dahil ihahatid nyo naman ako," napatingin ako sa pinto ng marining ko ang katok ng secretaya ko at ang pagbukas nito. I told her to come in and sign her to wait since I'm talking to my best friend on the phone.

"Ok. Sige na, alam kong busy ka tatawag na lang ako kapag hindi kana busy and call us also miss kana ng mga inaanak mo," natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sure. I'll call you if I'm not busy. Please tell them that I miss them also. Bye, take care," nagpaalam na din ito at pinatay na ang tawag. Binaba ko ang phone sa table ko at hinarap ang secretary ko.

"Do I have any appointment today Jane?" tanong ko dito.

"Yes, Ma'am. I'll inform you about the meeting with Mr. Lim and at 3pm you will have a meeting with the investors," patuloy lang ako sa pagperma habang nakikinig sa sinasabi niya.

"Is there anything else?" tanong ko dito ng hindi nag aangat ng tingin.

"None, Ma'am," napatango naman ako sa kanya. Itinigil ko ang ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"Ok. You may go," nagpaalam muna ito sa akin bago lumabas. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa upang matapos ko ito at maagang makauwi.

After how many years babalik ulit ako. Ang tagal ko ding nawala, 5 years is not that long enough since para sa akin ay mabilis lang ito. Masaya na ako sa buhay ko dito kaya kung ako lang wala na akong plano na bumalik pa. Pero wala akong magagawa and also nandoon din ang mga kaibigan ko. Namimiss ko na sila matagal tagal na din kaming hindi nagkikita. Although nagkita kami last month ni Ella dito sa US dahil binisita niya ako at may business din siya dito.

---------------------------------------------------------

Read and Support My Story
Thank you 🌹

Almost PerfectWhere stories live. Discover now