I felt my hands shaking. Ayaw ko sanang magsalita baka kasi manginginig din ang boses ko. Pero naghintay siya sa aking tugon, kaya nagawa ko. 

"Takot ako, Jepoy. Nagsama na lahat ng takot at pagod sa'kin. Hindi ko na alam kung saan lulugar." 

Naglabas siya ng isang malalim na hininga gawa ng aking inamin. It took him seconds before saying anything again. 

"Ano'ng gusto mong gawin para makalimot pansamantala?" seryoso niyang tanong habang nakatingin pa rin sa akin. Napahawak ako nang mahigpit sa aking backpack nang marinig iyon. 

I sighed and looked back at him.

"E-ewan, nitong mga nakaraang araw lang ay gustong-gustong ko ang magbasa. Gusto kong magbasa ng libro. Gusto kong ilabas ang emosyon ko sa pagbabasa," mahaba kong tugon.

What I said was the truth. Gusto ko talagang magbasa kasi I know reading will accompany me with the feelings I have right now. At least kung iiyak ako habang nagbabasa, hindi mahahalata kasi aakalain ng makakita sa'kin na dahil iyon sa'king binabasang akda. 

"Halika, National Bookstore tayo," saad niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Ha?"

"Bibilhan kita ng mga libro. Magbabasa tayo," ulit niya pa 'tsaka hinila ako ng maingat na walang pag-aalinlangan.

What happened in my life right now was a plan of God. Ang sarap lang sa pakiramdam na simula no'ng palagi na akong nagdadasal at nagtitiwala sa kaniya ay unti-unti ko na ring nakita ang tunay na kahalagahan ng buhay. Since the day He let me meet Jepoy, I can honestly say that I am slowly seeing happiness in every little thing I do and have in life. 

MABILIS lang naming narating ni Jepoy ang NBS dito sa SM City, Manila. Para bang walang traffic kaming nadaanan sa sobrang bilis ng aming byahe. Pero ang mahalaga ay nandito na kami. 

Amoy na amoy ko ang mabangong scent ng mga librong nakapalibot sa'min ngayon. This feeling isn't new to me, pero nakaka-miss kasi ilang buwan o taon na yata akong hindi nakapunta rito. Madalas kasi sa library ng school ako nagagawi, kasi libre lang doon ang magbasa. Libre rin naman ito subalit sa ibang paraan, kasi libre ito ni Jepoy. 

Napatigil ako sa kakatingon ng libro sa fiction area nang magsalita ang aking kasama. 

"Ito, maganda raw 'to. Some of my friends na mahilig din sa book suggested that I should try to read this one." Napatingin naman ako sa librong kaniyang tinutukoy. The book was written by Colleen Hoover and is entitled "It Ends With Us." I handed one of them that I saw on the shelf  at binasa ang description nito. "Look at the blurb at the back, maganda nga," puri niya sa libro. I nodded because he was right, maganda nga. 

"Mahilig ka rin pala magbasa?" I asked, and he smiled. 

"Yeah. Pero bet ko ang mga thriller at mystery na genre, para kasing ang cool lang. Before, na-try ko rin basahin ang about sa mga poem, memoirs, mga gano'n," he replied while enjoying explaining it to me. Nasurprisa naman ako sa'king narinig. "How about you?"

"I want to try this inspirational book."

Nang masabi ko iyon, lumiko siya sa area ng bookstore na may mga inspirational books. Sumunod ako sa kaniya, saktong pagkahinto ko ay may nakita siyang libro na sakto sa'king panlasa. 

"Ito, maganda 'to by Bo Sanchez—." He wasn't able to finish his words when his phone rang. "Wait, I'll answer it, muna. Just take your time searching for books you want to read," bilin niya, tumango naman ako.

I let him answer the call, and it's my chance to explore the books I see. Napahinto naman ako saglit sa nang makita ko ang Bibliya sa'king harapan, may kung ano naman sa'kin ang nagtaka nang makita ko ang librong naka-display sa harap nito. Mga librong may  mature content. Why is that? 

I was about to hold the Bible when a familiar voice called me.

"Adira..." Napalingon ako sa'king likuran. Nagkunot noo ako nang mapansin ko ang problemado niyang mukha na may halong kaba. "Sorry, but kailangan ko'ng umuwi mayroon kasing emergency. I need to be at the jail. Si dad–" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. "S-sige, sagutin mo muna."

Kinuha ko naman ito agad saka sinagot ang tawag. Kinabahan naman ako sa tono ng boses ng tumatawag sa'kin. 

"Manang..."

"Anna? Ba't napatawag ka?" pag-aalala kong tanong. 

"Manang, si tatay... Na-ano m-may nangyari sa kaniya," nauutal niyang sabi na mas ikinakaba ko. Naka-loud speaker ito kaya rinig ito ni Jepoy. Nakakunot ang kilay niya gaya ko. 

"Ha? Hindi kita gets. Ano'ng nangyari kay tatay?" Binulabog naman kami pareho ng salitang sunod naming narinig mula kay Anna. 

"Manang, nasaksak si tatay. Nasa hospital kami ngayon ni Nanay," she said using her pity voice. 

"A-ano?!" I exclaimed like how my eyes widen. 

WHY DO BAD THINGS always happen when you learn to trust God with all your heart? Para bang, kung saan matibay na ang paniniwala natin sa Kaniya, roon niya naman tayo pahihirapan. Gano'n ba talaga o sadyang ayaw niya lang akong sumaya? 

Mabilis kong narating ang Emergency Hospital. Hindi ko alam kung paano ako narito; basta need kong makita si tatay ang nasa isip ko. Mabuti na lang at walang masydong pasyente ngayon, kaya walang hadlang sa pagkilos ko. 

Nang maitanong ko na ang room number ni tatay, dali-dali akong kumilos papunta sa room 36. Napahinto naman ako sa may pintuan nang makita ko ang aking nakababatang kapatid na sobrang lungkot na nagbabantay sa'king ama. 

"Anna?" tawag ko sa kaniya nang makapasok ako sa k'warto ni tatay. 

Lumingon ito sa gawi ko, saka ako nilapitan at sinalubong ng mahigpit na yakap. Kung naawa ako sa sarili ko, mas naawa ako sa batang 'to. 

"Manang," malungkot niyang tawag sa'kin pabalik. 

Nang kumalas siya ng yakap, nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan si tatay. Mahimbing itong natutulog habang kitang-kita ko ang tagiliran niyang nakabenda na may lakat pa ng dugo. 

"Napa'no si tatay? Anong nasaksak? Paano? Saan? Kailan?"

"Basta, Manang, may tumawag na lang sa'min na kapitbahay natin na nasaksak na si tatay. Ang bilis ng pangyayari, hindi ko ma-explain."

"Jusko! Oh, ano'ng sabi ng doktor? Kailan daw siya magigising?" I asked, worrying. 

Hindi si tatay ang inaalala ko kasi alam kong ligtas na siya. Pero hindi kami makakaligtas sa malaking bayarin nito. Saan ako pupulot ng pera? Saan ako maghahanap? Paano? 

"Baka mamaya raw po." Tumango lang ako sabay hilot sa'king sentido. 

Para akong nababaliw na, hindi ko na alam ang iisip. Lalo na't naitanong ko si Eya sa kay Anna. 

"Si nanay at Eya, nasaan?"

Napalunok siya ng ilang ulit sa'king tanong. Why is this happening to me? Did I do something bad in my past to deserve this kind of pain? 

"Kinausap pa ni doc si nanay. Si Eya, simula no'ng nangyari... hindi na siya umuuwi ng bahay," she replied casually. 

"Anong hindi umuuwi? Hindi niyo ba hinanap manlang? Teka—may alam na ba kayo kung sino ang gumawa nito kay tatay?"

God is really testing my faith in Him. And I hope... I will not lose it while playing this game. 

"S-sabi no'ng nakita, para daw'ng si Engr. Henderson ang nakasaksak," she replied, and my world began to stop. 

H-henderson... kaapilyedo niya si J-jepoy? 

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now