Prologue

37 8 2
                                    

Prologue

Have you ever wished na sana bumalik ka ulit sa pagkabata? Minsan mo na rin bang hiniling na bumalik sa nakaraan kung saan masaya ka? Kung saan hindi ka pa mulat sa lahat ng sakit, kung saan hindi ka pa mulat kung gaano kasakim at kasakit ang mundo.

Nakahiga ako sa kama ko sa kwarto ng apartment namin nang bigla akong kinalabit ng kaibigan slash classmate slash room-mate ko na si Katherine Gamboa.

“Sasama ka ba mamaya, Ann?” tinanggal ko muna ang earphone na nasa magkabilang tenga bago ko nilingon si Katherine.

“Saan?” ngumiti muna siya sa'kin bago niya iniharap sa akin ang screen ng kaniyang cellphone. “Ano yan?” nagtataka kong tanong nang makita ang nasa kaniyang screen.

Ngumuso siya pagkatapos i-off ang kaniyang cellphone at umupo sa paanan ko kaya bumangon na rin ako at umayos ng upo.

“May magpe-perform kasi mamaya sa kabilang university,” okay, now I know. Kaya pala ganun nalang katamis ang ngiti.

“Oh, tapos?” tanong ko na kunware hindi ko alam kung anong balak niya.

“Pupunta ako, sasama ka ba?” tatanggi pa sana ako nang bigla siyang tumayo, at hinawakan ang magkabila kong kamay. “Syempre sasama ka, hindi mo naman ako matitiis, e.”

tss, tatanggi na nga sana, e.

“Paano kung sabihin kong ayokong sumama?” unti-unting nawala ang bakas ng ngiti sa kaniyang mukha at padabog na bumalik sa pagkaupo sa tabi ko.

“Bakit? Hindi mo na ba ako lab?” ngumuso pa sya at parang naglalambing na dinuduyan sa ere ang kamay naming dalawa na magkasiklop. Bigla ko tuloy'ng naalala ang isang taong palaging gumagawa niyon na naging parte rin ng nakaraan ko, isang taong umukopa ng malaking bahagi sa nakaraan ko.

I heaved a deep sigh and look at my friend who's still have this puppy-dog-face look while looking at me. I'm still thinking kung sasama ba ako o mananatili nalang dito sa apartment namin at mag-review.

Pero kaya ko bang tanggihan 'to? Alam ko namang hindi ito titigil hangga't hindi ako napapayag na sumama.

Bumuntong-hininga ulit ako at maingat itong pinakawalan saka ngumuso rin kagaya ni Katherine, “Ano ba kasing gagawin natin doon?” mas lalong humaba ang nguso niya ng makita ang na ginagaya ko ang itsura niya at marinig ang tanong ko.

I mentally laugh at her reaction, she's just so funny everytime she's pouting.

“Matutulog tayo doon sa harap ng maraming tao,” hindi ko na napigilan ang tawa ko ng marinig ang kaniyang sagot.

“Okay, hahaha. Sige makakalabas kana,” binawi ko na ang kamay ko at tinulak s'ya patayo at palabas ng kwarto ko. Hayy. . .

Padapa akong nahiga sa kama ng maisarado ko ang pinto ng kwarto, nang marinig ko ang katok galing sa labas. Tamad akong bumangon at naglakad patungo sa pintuan at binuksan ito.

“Ano? Nagbabago na ba ang isip mo, hindi ka na ba tutuloy sa panonood ng perform sa kabilang university?” humikab ako para ipakita sa kaniyang inaantok ako.

Ngunit ang kupal hindi yata nabasa ang aksyon ko kaya ang laki ng ngiti.

“Mamayang 5 pm tayo aalis ah.” padabog kong isinarado ang pinto nang makitang umalis na si Katherine at pumasok na sa kaniyang kwarto.

Okay wala na talaga akong takas.

PAGSAPIT Ng alas singko tapos na akong magbihis at mag-ayos ng sarili nang pumasok si Katherine sa kwarto ko na may ngiti sa labi at nakasuot ng color pink na short skirt and partnered with black longsleeve croptop.

Humarap akong muli sa salamin at tiningnan ang sarili, simple lang ang suot ko. High waist Ripped Jeans partnered with sleeveless beige croptop at flats. ‘Tapos sa mukha naman ay light make up lang, kaunting blush on, maskara, eye liner at liptint.

“Ready na?” nakangiting tanong ni Katherine na nakatingin sa'kin sa harap ng repleksyon ko sa salamin. Tumango ako at inayos sa huling pagkakataon ang buhok na nasa mukha.

“Let's gooo,” bakas sa mukha nito ang excitement, hindi naman halatang excited siyang makita kung sino ang papanuorin niya sa kabilang university. Sabay kaming naglakad palabas ng apartment at nag-abang ng sasakyan na maghahatid sa'min papuntang university kung saan may gaganapin na perform, kuno.

“Sino bang papanuorin mo doon, kath?” tanong ko nang makasakay na kami ng tricycle.

“Ahm, sabihin nalang natin na secret crush ko.” humagikhik pa siya at parang pinagpapantasyahan ang kung sino man sa kaniyang isipan.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas, habang tumitingin ako sa labas hindi ko rin maiwasan ang pagdaloy ng memorya ko noong nasa high school pa lamang, kung saan magkatabi kami sa tricycle papunta sa school at pauwi sa bahay.

Nang tumigil ang tricycle ay nauna akong bumaba at nagbayad sa driver.

“Manong ito po, salamat.” tumango lang si manong driver at ngumiti, pagkatapos makababa ni Katherine ay inilingkis niya agad ang kaniyang braso sa'akin.

“Alam mo ba ang gwapo ng crush kong singer,” she giggled, kumunot ang noo ko.

Sorry kath, hindi ko alam, ikaw lang naman ang may crush doon.

“Talaga?” walang gana kong sambit at diretso lang ang tingin sa dinadaanan.

“Oo 'no,”

“Hindi ko alam 'yon,” nilingon ko siya at nakita ko ang pag-irap niya, which makes me chuckled.

“Nyeta ka, wag ka nang magsalita.”

Marami ng tao pagdating namin sa gymnasium kung saan gaganapin ang kantahan pero hindi pa naman nag-s-start, siguro hindi pa kompleto ang banda.

Nang papaupo na kami sa bakanteng upoan na nasa malapit lang sa stage, umagaw sa atensyon ko ang isang pigura ng pamilyar lalaki.

May kausap siyang magandang babae, siguro girlfriend niya. Parang kinurot ang puso ko sa iniisip na mag-jowa sila, hindi na dapat ako maapektuhan diba?

Binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko para hindi ko na sila makitang masaya habang nag-uusap.

Bakit parang apektado yata ako sa nakikita? Ano naman ngayon kung masaya na siya, e masaya rin naman ako.

Lumunok ako nang maramdaman na parang may bumara sa lalamunan ko nang may maalala.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang pag-anunsyo na magsisimula na. Tumingin ako sa harap at iniiwasan ang pagtingin sa pwesto ng dalawa.

Ramdam ko ang pamilyar na tibok ng puso ko nang makitang tumayo si Kendrick at lumapit sa stage. Saka ko lang napansin ang suot niya na white statement t-shirt 'tapos denim jacket at jeans.

“Ang gwapo niya diba?” parang kinikilig ang katabi ko kaya nilingon ko siya at nakitang titig na titig rin siya sa lalaki na kakalapit lang sa grupo.

So, siya pala ang crush ng kaibigan ko. What a coincidence!

Wish I Was Still A Kid | Youth Series #11Where stories live. Discover now