Nang maka-alis ang lalaki ay agad kong hinarap ito. “Why did you do that?”

She smirked. “Para may benta?”

“Alam ko... Pero hindi mo naman kailangang lokohin 'yung tao para lang may benta tayo Ital,” natawa ito sa sinabi ko.

“Alam mo Tati, hindi ka mabubuhay sa mundong ‘to kung wala kang diskarte. At least naka benta tayo nang marami-rami at dahil ‘yon sa iyo,” tanging sabi niya at bumalik na ulit sa pagbebenta.

Diskarte? Panloloko ang ginawa niya at hindi iyon diskarte. Buti na lamang ay hindi iyon napansin ng mga bata dahil pare-pareho itong abala sa pagbebenta.

I heaved a sigh. Bumalik na lamang ako sa pag-aayos ng paninda dahil medyo nagulo ito nang mamili ng mga disenyo ang mga bumili.

Maagang natapos ang pagbebenta namin dahil wala pang dalawang oras ay naubos din ito. Dahil do'n ay tuwang tuwa ang mga bata lalo na sina Chie at Mara, sinabi pa nga ng mga ito na sumama raw ulit ako sa kanila na mag benta dahil naubos daw agad ang kanilang paninda nang isama nila ako.

“Sama po ulit kayo Ate Tati sa susunod ha? Tiyak akong marami ulit ang mga bibili dahil ikaw ang tindera,” sabi ni Chie habang naglalakad kami pauwi at sabay pa silang humagikgik ni Mara.

They looked happy at hindi ko rin mapigilang maging masaya para sa kanila.

Mula rito ay natatanaw ko na ang bahay nila Lazarus.

Bago tumuloy sila Ital sa bahay nila ay tinawag ko ito. Mukhang nakuha niya naman agad ang balak kong sabihin kaya naman ay pinauna niya na sina Chie at Mara at ganon din ako kay Paeng, sinabihan ko muna siyang pumasok sa bahay nila Lazarus.

“Pumapayag na ako sa inaalok mong trabaho sa akin,” panimula ko. Her face immediately lit up when I said that.

“Sabi ko na at kakagat ka rin eh. Atsaka...” Muli na naman akong nailang sa kaniya nang pasadahan niya ako ng tingin. “Bagay na bagay ka talaga ro‘n. Siguradong magugustuhan ka ng mga tao sa club...” Nang mag tama ang tingin namin ay muli itong ngumisi.

“Osiya, paano? Mamaya ay pwede ka nang magsimula dahil naghahanap talaga ang club ng mga trabahante sa lalong madaling panahon lalo na‘t mamaya... Maraming customers.”

Marami pa itong sinabi sa akin at nagtanong din ako rito kung ano ang mga patakaran sa papasukin kong trabaho. She said that as long as I follow what the customer says, she can be sure that I won‘t be forced into things I don‘t want.

Pagtapos naming mag-usap ay pumasok na ako ng bahay. Mamayang 8 daw kami magkikita ni Ital at do'n kami magkikita kung saan ko siya unang naka-usap.

Naabutan ko si Paeng na umiinom ng tubig, nang mapansin niya ako ay agad itong nagsalita.

“Pasensya na po at nangialam ako,” umiling ako at nginitian siya.

“No, it‘s okay Paeng...” pagtapos no‘n ay hinugasan niya ang ginamit niyang baso.

“Tarantado talaga ‘yong mga lalaking na ‘yon,” sabay kaming napalingon ni Paeng nang may matigas na nagsalita. Sina Roevan at Aro.

Pero si Aro ang matigas na nagsalita.

“Hayaan na natin sila, Aro...” ani Roevan.

Napansin nila kami at mukhang nabigla sila na nandito kami sa loob.

“Ah... Pasensya na kayo at narinig niyo pa ang gano‘ng mga salita. Lalo na sayo Paeng.” Paumanhin ni Roevan.

Tumikhim si Aro. “Tara na, Paeng.” Tumingin sa akin ang bata at nagpaalam. Nagpasalamat ako sa kaniya sa pagsama sa akin.

Eyes On UsWhere stories live. Discover now