Episode 5 - STARTER

Mulai dari awal
                                    

Tinanggal naman ni Jace ang kamay ni Belle. "Hindi ko na kaya ang pagiging bastos mo, Belle. Pagkatapos ng pambibintang at pananakit mo sa kaniya ay ni hindi ka man lang marunong manghingi ng patawad. Anong klaseng ugali 'yan? Say sorry to Ximena."

Tiningnan ni Cybelle ang kapaligiran na halos lahat ay parang may namumuo nang pagkadisgusto sa pagtitig sa kaniya.

"No, i won't say sorry to her." Huminto ito saglit at halos pabulong na lang ang susunod na sinabi. "Kakahiya! Bakit ba kasi bumili pa s'ya ng kaparehong ipit ko? Manggagaya siya."

"Hindi siya manggagaya dahil sa akin galing iyang ipit na 'yan," paliwanag ni Jace.

Nanlaki naman ang mata ni Cybelle sa sinabi ni Jace. 'Why would you give something like that to her?"

"Alangan namang sayangin ko ang pera ko dahil hindi mo tinanggap na dalawa ang binili ko? Kung gusto ko 'kamo itapon na lang 'yung isa dahil wala, e, ayaw mo lang. Three hundred pesos ang pinambili ko d'yan. Sapat na para pangkain ng isang pamilyang nagugutom. So, dapat ba itinapon ko na lang?"

"No! Hindi mo pa rin dapat ginawa 'yun. Napunta tuloy sa pangit na tulad niya," inis na inis na wika ni Cybelle. "Aray ko!" Napayuko si Cybelle at nilingon ang bumatok sa kaniya.

"Kayla!" paninita ni Ximena sa kaibigan na bumatok kay Cybelle. Pinandilatan pa niya ito.

"Bakit ba? Nakakagigil na ang babaeng 'yan, e!" Nabubwisit na wika ni Kayla na nagising dahil sa kaguluhan.

Akmang gaganti ng batok si Cybelle ng sumigaw ang librarian. "You kids! Stop that and see you all in the guidance room! Now!"

Hinila ni Jace ang umiirap na si Cybelle habang si Ximena naman ay hinahatak din palayo si Kayla.

Matapos ang lahat at bago sinundan ang mga batang nag-aaway ay nakakunot noong tumingin ang librarian sa may bintana. "Where is my vase?"

UWIAN na. Naunang lumabas ng classroom si Ximena dahil isa sa cleaners si Kayla nang araw na iyon. Pinili na lang ni Ximena na pumunta sa may oval. Manunuod na lang siya nang nagpapraktis na mga runners. Mas okay dun kesa sa may gymnasium na puno ng mga babaeng nagsisipagtilian sa mga naglalaro ng basketball. Wala namang masama sa ginagawa ng mga iyon, sadyang mas gusto niya mapag-isa. Pangalawa, dahil wala rin naman gustong tumabi sa kaniya roon. Maiinggit na naman siya sa mga babaeng magkakahawak-kamay o nagbubulungan patungkol sa mga crushes nila.

Speaking of crush, normal pa ba siyang babae? Sa edad niya kasi ngayon ay wala pa ata siyang natatandaan na napusuang lalaki.

Wala sa loob na nahawakan niya ang bulsa niya. Nagtataka pa nga siya dahil bulky iyon.

Kinuha niya ang laman niyon, ang ceramic vase.

Sa muli ay pinakatitigan niya iyon. Iniisip niya kung saan niya ilalagay iyon. Baka kasi mauwi na naman sa loob ng kaniyang cabinet kapag napagsawaan na niya.

Never niya iyong lalagyan ng bulaklak. Masaya lang siya na napasakamay niya iyon nang hindi siya nahuhuli.

Naalala niya tuloy ang paghaharap nila ni Cybelle kanina sa guidance office.

Hindi maipinta ang mukha nito dahil kahit saang anggulo ay mali ito na pagbintangan siya na nanguha ng hair bun nito.

Hindi lang nito matanggap na hindi lang ito ang may limited editon hair bun na binigay pa mismo rito ng boyfriend nito.

"Ximena?"

Nilingon ng dalaga ang pinagmulan ng boses at lumantad dito ang nakangiting mukha ni Jace.

"Hi!" simpleng bati niya rito.

"Can I sit beside you?"

Nag-aalangan man ay tumango na lang si Ximena. Nagmamadali siyang itinago ang vase sa kaniyang bulsa.

Matagal silang hindi nagkikibuan. Nanunuod lang sila sa mga nagpapraktis sa oval. May mga nagha-high jump practice na rin.

"Ang galing nila, 'no?" ika ni Jace.

"Hmm.." maiksing sagot niya.

Dumaan na naman ang katahimikan.

"I'm deeply sorry. Hindi ko alam na magagawa iyon ni Belle, ni Cybelle," malungkot na wika ni Jace.

"Okay lang. Hindi ko kaya mambintang. Pero kung nalaman ko na may binigyan ang boyfriend ko na kapareho nang ibinigay sa akin, magwawala rin siguro ako," paliwanag ni Ximena.

"May boyfriend ka na ba?"

Napatikhim naman si Ximena sa tinanong na iyon ni Jace. "W-wala. NBSB." Ngumiti pa siya nang pino rito.

"Talaga? Parang hindi naman halata,"

Tuluyan nang natawa si Ximena sa tinuran na iyon ni Jace.

"Bakit ka tumatawa?" naguguluhang tanong ni Jace.

"Because I found what you said funny."

"Funny? Anong funny dun? Wala pa bang nagsasabi sa iyong maganda ka?"

"Maganda? A-ako?" Tinawanan na naman ni Ximena ang mga katagang iyon. "Baka kailangan mo nang magsalamin dahil malabo na iyang mata mo." Tiningnan pa nito ang paligid. "Mukhang selosa pa naman ang girlfriend mo. Ayaw ko nang madagdagan pa ang kinakainis niya sa akin."

Sasagot pa sana si Jace ngunit tinawag na si Ximena ni Kayla.

"Mauna na ako, Jace," pagpapaalam ni Ximena.

Napatango na lang si Jace.

Habang pauwi ay tinukso pa ni Kayla si Ximena. "Mukhang interested sa'yo si Mr. Popular Guy, ah."

Kinunutan lang ng noo ni Ximena si Kayla. "Imposible iyan, Kayla. May girlfriend siya."

"Pero gusto mo si papi, 'di ba?"

"Tigilan mo iyan, Kayla."

Kiniliti ni Kayla si Ximena hanggang makapa niya ang bulsa nito. Napahinto ito. "Ang laki ata ng nasa bulsa mo?"

"Ha?"

"Ano ba iyan?" nacurious na tanong ni Kayla.

"Ito?" Hinawakan pa ni Ximena ang bulsa nito. "Ano, ahh, bato. Bato ito na maganda ang hugis."

"T-talaga? Sige nga, patingin ako."

"Wag na. Hindi naman masyado maganda. Itatapon ko rin mam'ya."

Napabuntong-hininga na lang si Ximena nang hindi na nangulit pa si Kayla.

Hindi niya alam kung anong ikinatatakot niya. Alam niyang may mali sa ginawa niya.

"Right! Ibabalik ko na lang bukas. Iyon ang pinakamagandang gawin."

Pero bago iyon, pagmamasdan na lang niya iyon mamya sa pagtulog niya.

Unruly HandsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang