CHAPTER TWO

20 3 0
                                    

"Party!"


Keillor Point of view.

May party na magaganap sa bahay ng kaibigan kong si Hugo. He insist to celebrate our victory awhile ago in there house.

Kaya hindi na kami umangal, forda go na ang mga ferson. (for the, person)

The party was started.

Meron ng nag-iinuman, sasayawan, chikahan at higit sa lahat 'babae' na ikinatutuwa ng mga tropa ko.

'Syempre 'di ako kasali dyan, good boy  yata 'to!'

I'm about to open the bottle of champagne, para makainom na. Kaso  bigla akong inakbayan ni Dylan na hindi ko namamalayan nakahawak na pala siya ng mic.

"Hey everyone Listen!"
Tawag attention niya sa lahat when the sound has stop.

Pinatuloy ko lang ginagawa ko, sinalinan ko yong baso ng alak at tinunga ito ng mabilisan tsaka nakinig sa sasabihin ni Dylan.

"Let us congratulate Keillor for bringing the bacon again! He is also awarded a back to back MVP, ang lupit ng team captain natin. Dahil sa kaniya kaya tayo nandito ulit ngayon nagsasaya kaya we should give him around of applause!" Sigaw ni Dylan.

Anong drama to?

Napilitan akong tumayo at binigyan ng ngiti ang lahat ng tao na pumalakpak sa 'kin.

I never say thank you, instead I give them a smile.

"Have fun and enjoy the party!"
Dylan said.

Kaya pinatugtug na ulit ang sound system.

Lumapit si Dylan sakin kaya isang malakas na hampas sa batok ang ibinigay ko sa kaniya.

"Aray! Ang sakit non ha." React niya sabay hawak sa batok niya.

"Deserve mo yan! May pa eme-eme ka pang nalalaman."

"Inutusan lang kaya ako ng mga ugok na yan!" Sabay turo niya sa mga kasama ko sa table.

Tinignan ko sila na panay iwas at patay malisya, kunwari hindi narinig yong sinabi ni Dylan. Tsaka pinagtawanan pa nila si Dy.

"Wag ka maniwala Kay Dy, siya nakaisip n'yan." Sabi ni Kristoff, na isa pang ugok.

"Mga ugok! Di ba sinabi ko naman sa inyo na lahat tayo MVP, na lahat tayo lumalaban para manalo. Kaya huwag niyong iisipan na ako lang mag-isa ang nakapanalo sa laro dahil ang totoo, 'we work as a team' kaya tayo nanalo ulit."

Reminder ko sa kanila.

"Dahil dyan—"
Salita ni Hugo habang sinasalinan isa-isa ang mga baso namin tsaka inangat ang kaniyang baso, sign for...

"Cheers!" Sigaw naming lahat.

--

Kita ko mula sa kinaupuan ko si Kristoff na may kasayaw ng babae
Matinik ang isang 'to, tsk!

May biglang tumapik sa balikat ko. Si Vince lang pala ka team mates ko.

"Keil, ayaw mo bang sumayaw?"

"Kayo na lang,
'di ako marunong dyan. "

"Alam mo bro, madami ng mga chicks na nakatingin at naghihintay sayo oh!"

Nguso ang ginamit niya sa pagturo sa mga girls na tinutukoy niyang nakatingin sa'kin.

Tinignan ko sila na siya namang pagpapacute at maarting pagwave nila sakin.

Puro lang naman kaartehan ang alam ng mga babaeng 'to. Wait– hindi ba sila tumingin sa salamin bago pumunta dito? Sobrang kapal kasi ng mga make up nila. Nag mukha tuloy silang drawing book.

Ang laitiro ko naman masyado, sorry girls pero totoo din naman kasi.

Humarap ako Kay Vince.

"Ano? Lalapitan na ba natin?"

"Ikaw nalang, Vince. Wala sa isipan ko pa 'yang  mga babae, pahangin lang ako sandali sa labas masyadong mainit dito."

"Pero t-teka!" Angal ni Vince sa'kin pero wala na s'yang nagawa dahil tinalikoran ko na siya.

"Tell them, I'll be right back."
Sigaw ko habang naglalakad na paalis.

Napadpad ako sa napakagandang harden (garden) ng mansyon nila Hugo.

Dala ko ang isang glass of champagne at iniinom ito paunti-unti habang tumitingin sa paligid at hanggang sa may nahagilap ako isang ilaw na nanggagaling sa kwarto.

I saw a girl holding a book while listening to music?

To be continue...



The Wound of LoveWhere stories live. Discover now