"No cursing in front of the kids," mahinang saway ni Kuya Jordan sa hipag ko.


Ngiting-ngiti naman si Hugo. "Oh, by the way, I am here because Carlyn invited me."


Namilog ang mga mata ni Carlyn. "Hoy, itlog ka! Kailan kita in-invite?!"


Magkasunod na pumasok sa kusina sina Mommy at Daddy. Narinig ang usapan. Si Daddy ay nilapitan si Hugo. "You know my daughter in law? Then you are very much welcome here, hijo."


Magalang na nakipag-kamay naman si Hugo kay Daddy. "Kaklase ko rin po si Jillian noong high school. Anak din po ako ng co-teacher ni Ma'am Herrera sa Gov na si Mrs. Normalyn Aguilar. Hugo po, sir."


"Oh, nice to meet you, Hugo. Kilala ko nga si Norma. Kaibigan ni Ethel. Istrikta at napakahusay na guro."


"That's why I am so proud of her, sir. Pero mahusay rin po si Ma'am Ethelinda Herrera. Naging teacher ko po noong Grade 9, ilang beses po akong inukaan sa patilya."


Natawa si Daddy. "My darling wife is a sweet lady but beware, she can be terror sometimes."


Pinamulahan naman ng mukha si Mommy. "Anyway, Hugo, how are you now? I mean, I've never heard from your mom, Norma, since we moved here in Tagaytay."


The way Mommy talked to Hugo was awkward. Nagulat nga naman siya kung bakit biglang napadpad ang lalaki rito sa amin. Mommy knew Hugo when we were in high school as a stubborn kid and delinquent student. Nangangapa tuloy siya kung paano ito pakikiharapan ngayon.


"Ito po, Ma'am. Sa wakas, hindi na po ako sakit ng ulo ng mommy ko. Nakatapos po ako at nakapasa sa board. Magtatatlong taong professional engineer na po, working at my dad's construction company in Manila."


Nagkaroon ng kislap ang mga mata ni Mommy. "Oh my! I'm so glad to hear that!" Kulang na lang ay yapusin si Hugo. "I'm sure Normalyn is very proud of you!"


Naiintindihan ko ang reaksyon ni Mommy na parang pati siya ay proud na proud sa narating ni Hugo. Sa araw-araw ba naman kasing na pakikinig niya at ng ibang kasamahang teachers nila sa faculty noon sa mga rant ni Mrs. Aguilar tungkol sa anak, malamang talaga ganito ang reaksyon niya.


Hanggang sa dining table ay nangungumusta pa rin si Mommy kay Hugo. Magalang naman at active sumagot ang lalaki. 


Tahimik lang naman ako habang naglalagay ng mga baso sa mesa. Si Carlyn din ay patingin-tingin lang habang inaayos ang anak sa high chair nito.


Hindi pa rin maka-recover si Mommy kay Hugo. Hindi na nakatiis na niyakap ang lalaki. "I am so proud of you, hijo. Gusto ko tuloy biglang makita ang mommy mo. Ikaw ba ay may asawa na, ha?"


Natawa naman si Hugo. "Wala pa po, Ma'am."


"Oh! But it's okay. Bata ka pa naman." Maluha-luha pa si Mommy. "Oh, God, I'm so happy for Norma. Pangarap ng mommy mo na makatapos ka. Kahit anong course nga, okay lang sa kanya. Alam mo, istrikto lang ang mommy mo pero mahal na mahal ka talaga."

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now