Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako ng almusal. 9am ang oras ng pagkikita namin. 7am pa lang naman ng umaga, may oras pa ako para makapag ayos at maka byahe.

Nag bihis na ako pagkatapos kong kumain. Sinuot ko ang black crop top long sleeve ko at ang blue trouser. Pinarisan ko ito ng white rubber shoes. Done!

Gumamit ako ng powder, onting blush on, mascara, at liptint sa mukha ko. Nang makuntento na ako ay nag paalam na ako sa parents ko na pupunta na ako sa mall.

"Ma, Pa. Alis na po ako." sabi ko kina Mama at Papa.

"Mag-iingat ka, Anak." sabi nila saakin.

Sila mag-ingat saakin... Joke.

Pagkarating sa mall ay nag chat ako sakanila kung nasaan na sila. Ang sabi nila ay magkita-kita raw kami sa food court.

Pagkarating ko roon ay nakita ko na sila. Ako nalang pala hinihintay. Di bale na hindi naman ako late, napaaga lang sila.

"Hi guys, ang aga nyo." bungad ko sakanila.

"Hi, Amery. Excited lang talaga kaya napaaga. Fatima said. Pareho lang pala kami pero mukhang mas excited sya saakin.

"Saan tayo nyan?" Tanong ni Migs.

"Mag avail na kaya muna tayo ng ticket para sa rides all you can?" sabi ni Julianna.

"Tama, for sure maraming tao mamaya ang pupunta kaya dapat mauna na tayo." sabi ko.

"Tara na, after non kain na tayo." sabi naman ni Keith.

Sabay-sabay na kaming pumunta kung nasaan ang SkyFall, likod ito ng mall.

At hindi nga kami nagkakamali may iilan na  na nag a-avail ng ticket. Kaya pumila na rin kami para makakain na pagkatapos.

Sa unahan namin ay may tatlong lalaki. Napansin ko na sobrang daldal nung isa tapos yung isang kasama nya ay nakikitawa sakanya. Pero yung isa nakatayo lang sa gilid at hindi umiimik, hindi ko rin makita ang mukha nya. Nakatalikod sya.

"Hahahaha oo pre, hindi ko nga alam kung bakit sa Meadows State University pa napili nina Daddy ako mag-aral." narinig kong sabi ng isang lalaki sa unahan namin.

Doon din pala sila nag-aaral

"As if may magagawa ka para hindian sila." sagot naman nung isa.

"Sa Meadows State University din pala kayo nag-aaral." nagulat ako nung sumabat sa usapan nila si Fatima.

Ang babaeng toh ang daldal, hindi ba sya nahihiya? Ako nahihiya sa ginagawa nya.

"Uy, oo. Kayo rin?" sagot naman nung lalakeng madaldal.

"Oo, anong grade nyo na ba?" nako, nagtanong pa talaga si Fatima.

"Grade 11, kayo." sagot ng isang lalake.

"Pareho pala tayo, ABM strand kami, kayo?" sabat na rin Migs. Ang FC nila.

"STEM student kami." sagot naman nung madaldal.

"Anong section nyo?" tanong ni Keith.

"Stem-Gold, pre." sagot ni Kent.

"Pareho pala tayo, Abm-Gold naman kami." sagot ni Fatima.

Napansin kong napatingin ang tahimik na lalaki sa gawi namin. Pero hindi ko makita ang mukha nya.

"Saan nyan kayo pagkatapos." dagdag pa nya.

"Kakain kami nyan, sama kayo?" Fatima! Nahihiya ako. Hindi naman sa ayaw ko silang isama pero naiilang lang kasi kasi ako.

"Sure sige, sakto at kakain na rin kami nyan." sagot naman nung lalaki.

"Ako nga pala si Laurence..."sabi nung madaldal na lalaki, Laurence pala name nya. "Tapos hetong isang kasama ko ay si Kent." pakilala nya sa lalaking nakikitawa sakanya. "At heto naman Ivan, tahimik talaga sya kaya pasensya na kayo" narinig kong sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ivan? As in yung crush ko?

Sakto ay napaharap saamin yung lalaking tahimik na ang pangalan ay Ivan.

Tumingin sya saamin at bahagyang ngumiti.

Pagkakita ko sa mukha nya ay hindi nga ako nagkamali, kaharap ko yung crush ko!

Nag pa palpitate ata ako. Hindi ko alam yung magiging reaksyon ko.

"Ako naman si Fatima..." buti nagsalita si Fatima. "Heto naman si Migs, Julianna, Keith, and Amery." isa-isa nya kaming tinuro.

Kalma Amery hindi ka nya kilala. Hindi mo sinabi ang pangalan mo.

Yung tibok ng puso ko feeling ko naririnig ko na sa sobrang lakas.

"Tara na!" yaya nila.

Hanggang ngayon ay tahimik lang ako. Hindi rin kasi nila alam na crush ko si Ivan. Buti nalang kung hindi ay paniguradong aasarin nila ako.  Lalo na si Fatima.

Napagdesisyonan namin na sa Mcdo kumain, sakto at nag c-crave ako ngayon sa mcflurry.

I ordered mcflurry, burger, and fries. Hindi na ako nagkanin dahil medjo busog pa ako sa kinain ko kanina.

Nag presinta na ako na ang mag-order dahil nakikipag k-kuwentuhan pa sila sa mga bago naming kasama.

"Ako na ang mag-order sabihin i t-type ko nalang sa phone mga order nyo."presinta ko sakanila.

"Sige, Amery. Pst, Ivan tulungan mo si, Amery. Hindi ka rin naman nag sasalita, wala kang ambag dito pre." sabi ni Laurence na siyang ikinabigla ko.

"Pansin ko rin na kanina pa sya tahimik, pati hetong si Amery. Hindi naman ganito ito. Baka mamaya ay may crush ka sa isa sa kanila ah. Si Ivan ba? Type mo pa naman yung mga ganyan." biro ni Fatima na syang mas ikinabigla ko. Masyado ba akong halata?

Kabadong kabado ako nang tumayo si Ivan at lumapit saakin.

"Let's go." yaya nya saakin.

Sabay kaming nag lakad kabadong kabado ako.

Kalma, Amery, may ibang gusto na yan.

Sinabi ko ang order namin. Inahanda na ang mga ito, medjo nagtagal nga lang dahil marami kami.

Habang hinihintay makumpleto ang mga order namin ay nagsalita ako.

"Pasensya ka na pala kay Fatima kanina." sabi ko kay Ivan.

"It's okay, Amery. Alam ko namang nagbibiro lang sya, 'di ba?

"A-ahh, oo naman." na utal pa ako. Hindi naman kasi totoo yon, syempre crush ko nga kasi talaga siya.

Tinulungan ako ni Ivan sa pagbuhat ng mga tray. Pagkalapag ay nagpasalamat ako sakanya sa pagtulong.

"Thank you, Ivan." sabi ko.

"You're welcome, Amery." sagot nya.

Binigyan ako ni Fatima ng isang nanunuksong tingin. Tinignan ko naman sya ng masama para magpahiwatig na tumigil na sya.

Gwapo no?  Basa ko sakanyang bibig. Mapapahamak talaga ko rito. Buti at hindi nila alam na may gusto ako kay Ivan.

Tahimik lang akong kumain habang sina Fatima ay nagdadaldalan.

"Single ba itong kaibigan mong si Ivan?" tanong ni Fatima. Ano bang ginagawa ng babaeng to!

"Oh pre, single ka raw ba?" sabi ni Laurence sakanya.

"Yes, I'm single." sagot ni Ivan. Well, hindi ako nagulat. Hindi pa nga ready yung tao sa commitment.

"Yown, irereto ko itong si Amery, gusto mo ba?" walang hiyang sabi ni Fatima. Ayoko na talaga gusto ko nalang palamon sa lupa dahil sa hiya.

"Tumigil ka nga!" suway ko kay Fatima.

Hindi sumagot si Ivan at gumuhit ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Ang gwapo, halatang hindi mapapa sa'yo.

Her Asset Where stories live. Discover now