CHAPTER 23| PRIDE

435 19 0
                                    

-- Jisoo's POV --

Unlike kay Lisa na parang gustong manira ng mga gamit sa kusina si Jennie tahimik lang dito sa office.. Naka-simangot habang nag aayos ng papers na nasa table nya..

Me:"Hey!! Mukhang ang lungkot mo ngayon.. Anong meron? "

Inangat nya ang ulo nya at mas lalong sumimangot nang makita ako ..

Me:"So may nangyari nga?"

Jennie:"Chu!! Nangyari na ang kinakatakutan ko"

Me:"Ano naman?"

Jennie:"Nahanap na ako ng mga magulang ko "

Me:"About that!! Sorry ha? Nasabi ko kasi kina mom ang tungkol sayo "

Jennie:"Hayaan mo na.. Nangyari na "

Me:"So anong kinalaman nito kay Lisa bakit di kayo nagkikibuan.. May cold war nanaman ba kayo"

Jennie:"She set me up to meet my Mom,, kahit alam nyang ayaw ko pang makausap ang parents ko"

Me:"There must be a reason why she did that.. Baka gusto nya lang na magka-ayos kayo ng Mommy mo.. Have you ever tried to hear out her side?"

Jennie:"No! And even though It's my mistake,, I said something bad to her, I acted rude to her.. i won't say sorry, she made me feel mad that's why I said those words"

Hay!! Itong dalawang ito talaga di pa nga sila ang dami na nilang problema paano pa kaya pag sila na??

Me:"Chill ka lang dyan, ang init ng ulo mo eh! Sige na di na kita gagambalain .. "

Aalis na sana ako nang pigilan nya ako..

Jennie:"Wait... H-how was she doing?"
Di pa sya makatingin saakin ng diretsyo ..

Me:"Ayon.. Parang may may galit sa nilulot naawa na ako sa sandok ma hawak-hawak nya ,, kina-kausap na sya nina Seul sa labas.. You'd better fix it di kami sanay na ganyan kayo"

Jennie:"makikipag-ayos lang ako pag nakipag-ayos sya !"

Me:"Hay nako!! Yung pride mo talaga minsan ehh!!"

Napakamot nalang ako sa batok nang palabasin nya ako sa office..

__________________________________________________________

- JENNIE'S POV -

I couldn't sleep last night .. I know she was hurt with my word,, So I stayed outside of her room ... I wanna apologize but I don't know how ...

Tsk!! Fine kung ayaw nya akong maka-usap ayoko na rin!

Pero kasalanan ko ba talaga??

Kaasar naman ehh!! Lumabas ako sa office at yung tatlo lang ang nadatnan ko sa kusina ..

"Where's Lisa?"- I asked with no emotion shown

Byul:"Nasa labas raw sabi ni Seul"

Agad akong tumungo sa back door pero wala sya doon at wala din ang sasakyan nya doon ...

"Jennie"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Seul ..

Me:"Seul nasaan sya?"

Seul:"Ohh!! Bat sakin mo hinaganap ang asawa mo?"

Nang-aasar pa eh!! Pag-untugin ko sila ni Lisa ehh!!

Me:"Nasaan nga?!"

Seul:"Gusto mo ba talagang malaman?*smirked*"

Me:"Yes!! "

Seul:"Ayon nasa hospital,, na hospital si Tito kagabi remember?"

Me:"WHHAAATT???"

A Jenlisa Story: You&Me Where stories live. Discover now