"Amery, next week na ang start ng klase ninyo, hindi ba? tanong ni Mama habang kumakain.

"Opo, Ma. Excited na nga po ako, at the same time kinakabahan." sagot ko naman sa kanya.

"Dalaga na talaga ang anak namin, wala munang boyfriend, ah?" biro pa ni Papa.

Nangunot naman ang noo ko at ngumuso sa biro ni Papa. "Alam mo namang study first ang anak ninyo Pa."

"Alam namin ng Mama mo, pero kung sakaling may manligaw ay sabihin mo sa akin nang makilatis ko" hirit pa ni Papa bago tumawa. Umoo nalang ako kay Papa dahil alam kong hindi naman siya papatalo.

~

Gosh! Ang bilis ng mga araw, bukas na ang pasukan namin kaya naghahanda ako ngayon. Mahirap na baka bukas pa ako mataranta, ayaw ko naman ng ganon.

Hindi ko alam kung may gc na kami, kinakabahan ako dahil baka meron ng gc pero hindi pa ako naka add. Kaya pumunta ako sa page ng school namin para makasagap ng balita.

At tama nga ako, meron na kaming list kung saan makikita mo ang section at mga classmates mo. ABM - Gold ang section ko, bali tatlo ang section na binubuo ng bawat strand, gold, silver, and bronze.

Ewan ko ba school ko, ginawang medal ang mga section namin.

Nagchat ako sa isang classmate ko para magtanong kung may gc na at para ma add ako.

Amery:
Hi! Tanong ko lang if may gc na tayo para sa section natin. Meron na ba? If meron na pa add ako ah. Thank you, Jelai!

Jelai:
Hi, Amery. Yes meron na, add kita.

Amery:
Thank you, Jelai!

Jelai:
You're welcome, Amery!

Buti nalang at may mabait akong classmate, sana lahat sila ay makasundo ko. Well, hindi lahat ng tao gusto ka. You can't force them to like you. Sana lang ay mababait sila.

Nabasa ko rin sa gc namin na may orientation daw kami para alam namin ang gagawin bukas. Zoom meeting, lahat daw strand ay kasama.

Mamayang 1 pm pa naman yon kaya may oras pa para maligo at kumain.
Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako ng tanghalian.

Habang kumakain ay nakita ko si Mama na papunta sa dining kaya niyaya ko siyang saluhan ako.

"Ma, kain na po tayo." yaya ko kay Mama.

"Bakit ang aga mong kumain, Amery?" tanong ni Mama.

"May orientation po kasi lahat ng strand mamayang 1 pm." sagot ko kay mama. "Inagahan ko yung kain Mama para makapag ayos po ako." dagdag ko pa.

"Sige na at daliaan mo na ang pagkain mo, hihintayin ko pa ang Papa mo, maya-maya ay uuwi na rin yon". sabi ni Mama.

Tumango nalang ako sa kanya at itunuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay nag handa na ako para sa orientation mamaya.

Nag send na ng link sa gc ang isa kong classmate kaya naman nag join na ako agad-agad.

Sabi kasi nila ay agahan ang pagpasok at dahil buong strand ay papasok. Ang ibang hindi makakapasok ay sa facebook live manonood.

Mas gusto ko sa zoom kaya inagahan ko. Nagsisimula na ang orientation, sinasabi nila ang mga protocols sa school, kung saan gate papasok, dress code, at marami pang iba.

Nababagot na ako rito sa zoom, inaantok na rin kasi ako. Kaya para pantanggal bagot ay nagtingin-tingin ako ng mga tao sa zoom.

Napako ang tingin ko sa isang STEM student, hindi siya naka opem cam nakita ko lamang ang picture niya.

Ang gwapo nya!

At dahil ang una kong ginagawa kapag nakakakita ng gwapo ay i-chat ang kaibigan kong si Ariel, nagchat ko sya dahil nababagot na rin ako.

Amery:
Sent a photo.

Amery:
Ang gwapo nitong nasa zoom, STEM student sya.

Ariel:
Akala ko ba mag-aaral ka nang maayos? Mukhang masisira na ang study first mo, Amery.

Ang isang to talaga. Na g-gwapuhan lang naman ako doon sa STEM student pero wala akong balak maging jowa sya.

Amery:
Nagwapuhan lang naman ako, wala akong sinabing gagawin ko siyang boyfriend ko.

Amery:
Of course study first pa rin ako, noh. Alam mo naman 'yan. Minsan na nga lang ako magkaroon ng crush, eh.

Ariel:
Tapos what if yung pagka-crush mo diyan, mauwi sa love?

Amery:
Grabe ka naman, teh, syempre hinangaan ko lang.

Ariel:
Hindi mo pa nga kilala talaga 'yong tao, pero support pa rin kita.

Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa pakikinig sa orientation.

Patapos na 'to, onting tiis na lang. Gusto ko kasi talagang matulog.

Pinapa open cam na kami, pero hindi ako mag o-opem cam dahil nagtitingin ako ng mukha ng ibang naka open cam.

Hanggang sa nakita ko ang STEM student na naka open cam. He's wearing a white t-shirt. His hair's not messy. He has chinito eyes. His nose fits perfectly on him, and he has beautiful lips.

I was completely mesmerized; I couldn't utter a word. I was speechless for a moment.

I saw his name.

Ivan Ace Davis.

Amery, study first tayo please lang.

But I couldn't take my eyes away from him.

Nag screen shot ako habang naka open cam sya. Dalawa agad ang nakita kong nakitang gwapo, same strand pa ang dalawa. Parang magkahawig pa nga sila, eh.

Hindi ko nakita ang pangalan ng unang STEM student na nakita ko kanina. 'Di bale dahil na screen shot ko rin naman iyon at sinend sa kaibigan ko.

Ang gwapo talaga non, gwapo 'yong dalawa. Baka totoo ang sinasabi nila na maraming gwapo sa STEM.

Ang swerte naman ng mga STEM student na babae kung ganoon, joke lang!

Pagkatapos ng orientation ay in-open ko agad ang messanger ko para i chat ang kaibigan ko.

Amery:
Send a photo.

Amery:
Ang swerte ko ngayon, Ariel. Dalawang STEM student na gwapo ang nakita ko kanina sa orientation.

Amery:
Mainggit ka please!

Ariel:
Sana all nalang ako sayo, ang dami mo naman nakitang gwapo. Ako bagot na bagot sa bahay!

Amery:
Magpapasukan na lang tambay ka pa rin sa bahay.

Ariel:
Tinatamad kasi akong lumabas ng bahay.

Amery:
Lagi naman, Ariel.

Amery:
Sige na mag o-out na ako. Bye!

Her Asset Where stories live. Discover now