Chapter Seventeen

Mulai dari awal
                                    

"Hindi na. Pagod na rin ako , ge! Alis na ko."

Inabot ko sa kanya ang mga pagkain."Sure ka?" Tumango lang ako "Eh. Babayaran ko muna. Magkano ba?" Dugtong niya.

Umiling ako "Wag na."

"Sure ka?"

Tumango ulit ako at nagsimula nang lumakad papunta sa kotse ko.

Hahayy. Very tiring day.

----------

Dara's POV

Pumasok na ulit ako sa bahay dala ang mga pinamili ni Chan. At laking gulat ko nang madatnan ko si Bommiee na nasa harap ng pinto , pagbukas ko.

"Bommiee.. Di ka pa natutulog?"

Nakapokerface lang sya. "Iinom sana ako ng gatas , pero ayan.. Naabutan kita. Ano ba yang dala mo?" Sinilip nya yung mga dala ko

"Jollibee.. Share tayo?" Nagningning mata nya.

"San galing?" Tanong niya habang naglalakad kami pakusina.

"Kay Chan , pinabili ko." Sabi ko habang inaalis isa isa yung pagkain sa supot.

"Eh? Bakit ka nagpabili? Gabi na ah?" Tanong nya at kumuha ng piraso ng fries at kinain yun.

Hindi ko rin maintindihan.. Nang makita ko si Jollibee sa patalastas kanina , nagcrave bigla ako kahit busog pa naman ako? Ewan..

"Natakam ako Bommiee eh.. Nakakahiya naman kung kay Top ko iuutos diba? At.. Bawal ko pang kontakin si Ji.. Baka magalit ka?"

Tumango sya "Okay lang utusan mo si Top! Pag di ka sinunod , sabihin mo sakin" sabay higop nya ng coke.

Kakaiba talaga si Bommiee. Masyadong ina under si Top. Haha. Kawawang Top. Biruin mo , gangster yun dati , pero utusan nalang ni Bommiee ngayon..

"Oo nalang" at sinimulan ko nang tinidurin yung spag.

"Pero seriously Dara... Whats happening to you?"

Napatingin ako kay Bommiee sabay higop nung spag. "What do you mean?"

Kumain uli sya ng fries "Una , di ka naasiman sa mangga ko. Sunod , kinagat mo yung tenga ni Chan.. Tapos nagpabili ka sa Jollibee ng pagkain sa kalagitnaan ng gabi??... Di kaya......"

O____O

Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin ni Bommiee.. "Di kaya ano?" Tanong ko at napalunok ako.

"Di kaya...." Nag iisip isip sya at ako , parang tutang titig sa kanya.

O____O? "Ano...?"

"Di kaya..." Tumingin sya sakin na nanlalaki ang butas ng ilong nya. "Di kaya , may taglay kang tunay na katakawan at kapasalan!?" Dugtong niya at napafacepalm ako. "Pinakakain ka naman namin ng ayos dito?" Sabay kagat nya ng fried chicken.

Sus.

Kala ko pa naman... Sasabihin nya , may lahi akong bampira. Hahay. Pero sabagay , mas may konek yung hinala nya kesa sa pagiging bampira. Hala ewan! Maikain na nga lang to!

-----------------

Jiyong's POV

Maaga pa lang , nasa opisina na ako... Mabuti naman at naiiahon ko na ang nagcollapsed kong kompanya. Napagdesisyunan kong mas patatagin pa ang kompanya para hindi na ulit ito basta basta pa mapapabagsak.

Utang ko ang lahat kay Park Chanyeol. Sinakripisyo nya ang hiling na dapat ay makukuha nya sa ama sakaling mapabagsak ako.

Napag isip isip ko ring.. Sya naman ang tutulungan ko. Kakausapin ko ang ama nya.

Kringg.

Tumunog ang office phone na nakakonek kay Sec. Jung kaya sinagot ko iyon.

"Yes , secretary?"

[Sir. Okay na po yung tungkol sa flowers at pagkain]

"Sige. Salamat"

Pinadalhan ko na naman kase si Dara ng bulaklak at breakfast gaya ng ginawa ko kagabi..

Liligawan ko ulit sya kung kinakailangan... Ayy teka.. Hindi ko pala sya niligawan dati dahil fixed marriage lang kami pero , naging masaya naman kami kahit ganon.

Ipapangako kong mas magiging matatag na ako ngayon..

---------------

Naka appoint akong makipag kita ngayon kay Mr. Park , ama ni Chanyeol. Nabalitaan ko kasing umuwi sya galing South Korea para tingnan ang inihahandle ritong kompanya ni Chanyeol..

Sa edad ni Chanyeol ngayon , masasabi kong bihasa na sya sa kompanyang pinatatakbo nya kaya di na ako magugulat kung isang araw , ay kahanay ko na sya sa top biggest businessman in Asia.

"Mr. Park" panimula ko.

Dito lang kami nagkita sa isang restaurant. Base sa itsura nya , halatang ma awtoridad ito at mahigpit.

"Mr. Kwon.. Bat mo namang napag isipang makipagkita?.. Ah! Alam ko na.. Siguro.. Ipapamukha mo sakin na ikaw ang nanalo? Eh kung di ba naman dahil sa bobo kong anak----"

Pinutol ko sya at tiningnan ng masinsinan"Wag mong tawaging bobo ang anak mo.. Dahil baka di mo alam , nalagpasan ka na pala nya sa larangan ng business.." Napataas ang kilay nya "Tama.. Nalagpasan ka na nya. Kung ibabase ang hinahandle mong kompanya sa South Korea , di hamak na mas malaki na ang inihahandle ni Chanyeol rito sa Pinas."

Natahimik sya "Anong gusto mong palabasin?"

Ngumisi ako. "Ayon sa mga pag aaral ko tungkol sa kompanya niyo.. Mas maunlad ang branch ni Chanyeol rito..." Ngumisi ulit ako bago magsalita. Halata naman sa itsura nya ang pagkagulat "Oh diba , nakakahiya? Mas maunlad ang branch kesa sa main? Pero hindi naman yun problema dahil tutal , iisang kompanya naman kayo , anyway. Pero alam mo ba ang nakakahiya?"

"...."

"Ang malagpasan ka na ng anak mo na sinasabihan mong bobo at ginagawa mong utos utusan."

Napanganga sya sa sinabi ko dahil totoo.

"Ano bang gusto mong mangyari?!"

Ngumisi ako at inihimlay ang likod ko sa sandalan ng upuan. "Simple lang naman tanda.. Pagbigyan mo ang hiling ng anak mo"

"Pano mo nalaman ang tungkol dyan?!"

"Beacause Im awesome"

Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at umalis na agad. Naiwang blangko ang mukha nya.

Sana naman.. Natulungan ko na si Chanyeol sa lagay na yun. Kahit di ko alam kung nakatulong nga ba ako..

-------------

Pyong~~

Sorry. Mahina ang brain ko sa usapang kompa-kompanya.. Business business! Haha. Pagtyagaan nyo na lang yang boobii brain ko. Keke~

#HappyYoungbaeDay

XOXo Vomments pleaseu!!

Real Love [Book2]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang