Ikapitong Tasa (Part-II)

Start from the beginning
                                    

"May God bless us, Adira." Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Huminto ako saglit para harapin siya. 

Nasa pintuan kami ng aming silid. I saw my classmates are busy chatting with each other ang iba naman ay nagbabasa. Pero itinuon ko ulit ang atensyon ko kay Jepoy na hawak-hawak ang mga papers ng mga kaklase ko. Mamaya ko na ito ibabalik sa kanila, para makapagbayad na rin ako sa kaniya. 

Oo, pinahiram niya muna ako ng pera para may magbayad man lang. Aminado akong nakakahiya pero kailangan ko 'yon para sa exam ko. 

"Amen for that, Jepoy," masaya kong tugon, ngunit seryoso. 

He stand properly and sighed. Nagawa niya akong hawakan sa'king balikat para pagaanin ang aking loob. 

"Always remember the verse that I've said earlier when you are in doubt, okay?" I nodded with a wide smile on my face. 

"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you," sabi ko sa aking isipan habang inaalala ang verse na sinabi sa'kin ni Jepoy. 

That man, Jepoy, makes me believe that God will always be with me if I let Him in my life. Because of Jepoy, I have learned to accept Him wholeheartedly. I think... I found my own version of "a man of God".

HOURS HAS PASS, the exam went fine. Tatlong subject ang natapos namin para sa morning schedule. Another 3 na naman mamaya until 8:30 pm ng gabi. 

I'm in doubt earlier upon answering the test but I remember what Jepoy said to me, and it helps me a lot. 

After kong mapasa ang test paper ko sa professor namin, naisipan ko agad ang lumabas dala ang mga gamit ko. As I out in the room, sinalubong ako agad ng taong mahalaga na sa'kin. 

"Kamusta ang exam?" tanong niya nang makalabas ako nang tuluyan. I shrugged. 

"Ewan, 'di ko alam kung tama ba ang mga sinagot ko ro'n," walang gana kong tugon. 

I heard him gulping that made me look in his direction. 

"Tama 'yon. Just be positive, 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano," paalala na niya akin ikinatango.

Maybe one of the reasons why I met him, so my life will be equal. Kahit na nega ako, at least may taong maging dahilan para ako'y maging positibo sa buhay. 

I began to walk, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. 

"Ikaw, how's exam? Nahihirapan ka ba?" I managed to asked him while walking. 

"Isa lang ang alam ko," aniya. Napalingon ako sa kaniya. "Pasado tayo," kampante niyang saad. Hindi ko naman maiwasang 'di matawa. 

"Ang yabang, ah," angal ko sa kaniya. He chuckled. 

Hindi ko naman maiwasang 'di mapahanga sa angkin niyang kapogian. Sana lagi siyang ganito. 

"Nah, may tiwala lang ako sa'tin."  I make a face. "Canteen tayo, treat ko," yaya niya na ikanganga ko. Ang bait ni Mr. Henderson, ah. 

Itong lalaking 'to, hindi ko lubos akalain na ang lakas ng paniniwala niya. Para bang, maiinggit ka na lang kasi may Panginoon siya sa buhay niya kaya siya laging positibo kung mag-isip. 

A person should always be like him, I wish I am too. 

"ADING..." Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ko ang tawag na iyon. Lumaki naman ang ngiti ko nang makita ko kung sino ito. 

"Zannah, hi," masaya kong bati, 'tsaka tumayo sa upuan kung saan ako nakap'westo. 

Kakarating lang din kasi namin sa canteen. Napagkasunduan muna namin ni Jepoy na maupo muna't hintayin na konti na lang ang nasa pila para makapag-order kami. 

"Owemji! I missed you," hindi makapaniwala niyang ani saka ako niyakap ng mahigpit. 

Ilang sandali pa, siya na mismo ang kumalas sa yakapan namin. 

"Kamusta? Teka–who is he? Ikaw ha, 'di ka na nagkukwento sa'kin," pang-iinis niya nang mahagilap niya si Jepoy na nasa aking likuran, nakaupo. 

"H-hindi, mali ang iniisip mo. K-kaibigan ko, si Jepoy. Jepoy, si Zannah... best of friends ko," nabubulol kong saad. Hindi ko naman mapigilan ang mapahawi sa'king buhok dahil sa hiya. 

"Hi, nice meeting you," malumanay na sabi ni Jepoy habang kinakamayan si Zannah. 

"Same," tipid nitong tugon. Naisipan namin ang umupo muna, magkatabi kami ni Zannah. 

Matapos naming makap'westo, muli siyang gumawa ng ingay. 

"So ano na? Saan kayo nagkakilala?" she asked. Napatingin naman ako kay Jepoy na nakikinig lang sa tabi. Natigilan naman si Zannah dahil tingi lamang ang nagawa ni Jepoy sa tanong niya. "S-sorry, makikiupo muna ako rito na miss ko 'tong babaeng 'to."

"No, it's okay." Nakagat ko ang aking labi nang magsalita ang lalaki. "I get us an order muna para makapag-usap man lang kayo."

Wala siyang sinayang na oras, agad siyang tumayo para makapag-order. But before he left, he pat my shoulder and I just nodded. He always did that everytime na may gagawin siya, sign na nagpapaalam ito sa'kin. 

"Ang bait naman no'n, manliligaw mo?" hindi mapigilang tanong ni Zannah nang tuluyang makaalis si Jepoy. 

Napatingin ako sa kaniya kaso... naiilang ako. Habang siya nama'y hinihintay akong makasagot. 

"H-ha? Hindi, kaklase ko lang 'yon..."

"Pero infairness, bet ko siya para sa'yo," she commented that makes me dropped my jaw.

Some Cup Of Eudaimonia [TO BE PUBLISH UNDER PII]Where stories live. Discover now