CHAPTER 04

9.9K 314 11
                                    





Nagtatakang hinanap ni Sebastian si Precious paglabas niya ng kuwarto, she usually prepared a breakfast for him but now she's no where to found. Saan naman kaya siya nagpunta? It's only five in the morning and she's not on her room too, imposible namang nagpunta ito sa gym dahil unang-una at hindi din naman ito nag-ggym. Alam niyang hindi din ito naglayas dahil nandoon pa din naman sa isang kuwarto ang mga gamit nito. Where the hell is she? Tanong pa niya sa sarili matapos ikutin ang buong condo unit niya.




Sebastian checked the cctv on his house, it's around for thirty in the morning when Precious leave earlier. Naka uniform na ito at parang papasok na. Pero maaga pa ah? And my restaurant is open at nine in the morning. Alas otso naman ng umaga dumadating ang mga empleyado ko doon para maglinis at mag-ayos ng kusina. Kaya bakit siya papasok nga ganoong ka-aga?




So he checked also the CCTV video from his restaurant, may CCTV kase sa labas at loob noon. At ayon nga madilim pa pero nakita niya na si Precious na nakaupo sa harapan ng restaurant. Nakalungayngay din ang ulo nito na parang natutulog.



Tsk, what she's doing there as early as five? Naghihintay lang siya sa wala dahil maaga pa at madilim pa nga.
Pinatay ni Sebastian ang laptop, maybe she got pissed because of what she saw last night. But she deserved it, she want Precious to feel the pain that he felt when she leave him five years ago. And he can pretty remembered how she looks like when she saw him with a woman last night.



Parilla Filipino and Spanish restaurant..



"Hi K-Kuya, good morning po, bakit ang aga mo?" Napatayo ako ng makita ko ang security guard sa restaurant ni Sebastian. Nakakasabay ko siya pumasok ng alas otso ng umaga kaya bakit nandito na siya ng ganito kaaga? Alas syete pa lang kase.


"Maaga kase ako nagising." Tipid na sagot ni Eman, ang nasa late forties na sekyu sa Parilla restaurant. Binuksan niya agad ang pinto at niyaya ng pumasok si Precious sa loob.


"Gano'n ba? Ako din napaaga ng dating eh." Kuwento ko naman pero sa totoo lang ay hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi. Sino ba naman ang makakatulog kung alam mong may ka-sex ang asawa mo sa mismong condo unit niyo? At parang hindi na maalis sa isip ko ang nakita at naabutan ko kagabi. And I never thought that Sebastian can do that to me,  that he will brought another woman and have sex on his condo unit. Oo galit siya sa akin pero sobra naman ang ginawa niya kagabi, kaya maaga na lang ako umalis kanina at hindi ko na siya nilutuan pa ng almusal niya. Ayokong makita ko siya na may kasamang babae dahil hindi ko din alam kung doon ba 'yon natulog kagabi o kung umuwi ba. Parang naninikip ang dibdib ko habang naaalala ko ang mga ungol na narinig ko sa kanilang dalawa. Tsaka isa pa kayang-kaya naman niyang magluto ng pagkain niya kaya bahala na muna siya.





    Mag aalas otso ng umaga dumating si Sebastian sa kanyang restaurant at hindi na siya nagtaka kung hindi man lang siya binati ni Precious kagaya ng ginagawa nito noong mga nakaraang araw pagdating niya. He don't need to get worried of her but he called earlier the security guard of his resto and told him to opened the restaurant as soon as possible. Buti na lang din talaga at walking distance lang ang tinitirhan ng security niya kaya nakapasok ito agad. Ayaw naman niyang may kung anong mangyari kay Precious sa harapan ng restaurant niya dahil kapag nagkataon sagutin niya pa din 'yon. Binilinan din niya si Eman na huwag na huwag sasabihin kay Precious na inutusan niya itong pumasok ng maaga.




   "Did you heard me? Lahat 'yan bilihin mo sa grocery ng M.D mall. And show this card  when you pay." Inabot ni Baste ang kulay asul na card na may initial ng kanyang pangalan. S.P lang ang nakasulat doon pero nag-iisa lang sa mundo at build tangi. He's a share holder on his friend Mall and because of that lahat silang magkakaibigan ay may sari-sariling card na hawak na ginagamit nilang pang-bayad ano mang negosyo related ang Delgado company.



"'Okay." Tipid kong sagot, para akong walang gana ngayon na kaharap siya at hindi din ako natutuwa na magkausap kaming dalawa. He looks fine but I still remembered what I saw and what I heard last night. Anong oras kaya umuwi ang kasama niyang babae? Girlfriend niya kaya 'yon? Nawala ako ng limang taon sa buhay niya at lalake siya, he have sexual needs and of course without my presence he will surely find another woman to ease his libido. Pero gano'n na ba siya ka-gago para gawin 'yon sa mismong unit niya? Na alam naman niyang uuwi ako pero nagdala pa din siya ng babae kagabi? Tsk, tiningnan ko siya ng maigi. Ang sarap sigawan o kaya sampalin, babaero..




"Bilisan mo lang bumalik naiintindihan mo? Huwag ka ng magtagal doon, at marunong ka naman mag-commute diba? Mag-commute ka na lang papunta." Sabi pa ni Baste, sa Cubao ang restaurant niya at sa may Greenhills naman ang M.D mall kung saan niya ito uutusan.



"Okay, alis na ako." Hindi ko na siya tiningnan at basta na lang ako lumabas ng opisina niya. Hindi ito ang unang beses na inutusan niya ako mamili ng mga kailangan dito sa restaurant at alam kong kapag sinabi niyang bumalik ako agad ay dapat bumalik talaga ako kaagad dahil kung hindi makakatikim na naman ako ng kung anu-anong  salitang mula sa kanya. Tiningnan ko ang listahan, mukhang mapapasubo na naman ako nito sa buhatan ah.


Napatingin na lang si Baste sa pagsara ng pintuan ng office niya, Precious literally snob him. 'Yon na 'yon? Ni hindi man lang talaga ako tiningnan? Pero okay na din ang ganito atleast binigyan niya na ng idea si Precious na hindi na ito welcome sa buhay niya.



Mag-aalas dyis pa lang ng umaga ako nakarating sa M.D mall, at sarado pa nga. Hindi katulad ng ibang mall na alam ko alas dyis din ng umaga nagbubukas ang grocery dito. Buti nga at nakasakay agad ako kanina ng bus kaya nakarating din ako agad dito, sa bandang likuran din ako ng mall dadaan para hindi madaming tao at para hindi na din ako iikot pa sa loob. Pero habang naghihintay ako mag-aalas dyis ay namukhaan ko ang lalakeng bumaba sa isang sasakyan kasunod nito ang mga limang bodyguards.



"Gov!" Nakangiti kong tawag sa lalakeng tumulong sa akin ng masugatan ako noong nasa Paraiso kami nag-cater kami.



"Wait, Precious right?" Sabi ni Eros na lumapit sa kanya.



"Opo, ako nga po!" Pero may kasama pa pala siya na bumaba din sa sasakyan kung saan siya bumaba, 'yong kaibigan ni Sebastian na nakipulot din ng mga nabasag kong plato! 'Yong may-ari nitong mall! Si Marcus!



"Hi nice meeting you again." Bati ni Marcus kay Precious.



"Naku kayo po pala, hello po!" Bati ko sa kanya, ngayon ko siya nakita ng mas maliwanag at tama nga ang sabi-sabi nakakatakot nga ang awra ni Mr. Marcus Delgado dahil ang dami nitong tattoo!



"Huhulaan ko inutusan ka ni Sebastian sa grocery ko ano?" Tanong ni Marcus, naka-uniporme pa din kase si Precious at ang entrance kung nasaan sila ngayon ay diretso sa grocery niya.



"O-opo, may mga pinapabili siya sa akin." Tsaka ko pinakita 'yong listahan na pinadala sa akin ni Sebastian sa kanila.



"Then sumabay ka na sa amin, sa grocery din ang punta namin nitong si Delgado." Ani ni Eros na tinupi pa ang manggas ng suot niyang long sleeve.



Sa grocery din sila pupunta? Mag-gogrocery din silang dalawa? "Sarado pa po eh, maya-maya pa yata magpapapasok." Tinuro ko pa sa kanila ang entrance na sarado pa, may pila din ng mga costumer na naghihintay magbukas ang mall.


Napangiti naman si Marcus dahil sa sinabi ni Precious. Hindi nga pala siya nakapag-pakilala sa kaharap.
"I'm Marcus Delgado and I'm your boss friend. I own this mall so puwede tayong pumasok anytime."



Hala, free access! Sumunod ako agad sa kanila at oo nga pinapasok agad kami kahit sarado pa!




#maribelatentastories




M.A series #14 Sebastian Parillaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें