KBAYM SPECIAL CHAPTER

Start from the beginning
                                    

"No sweetheart," kinalong ni Shield si Mae, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. "remember what your mom said to kuya Sean a while ago? there is someone destined for you, ok? And that someone will talk to my fist if he hurt you,"

"But tito ninong Elvin told me, that I can marry the girl I love," napatingin naman kami kay Sean. Ano na naman bang nakain ng mga anak ko at tungkol naman sa kasal ang bukang bibig nila, nung nakaraang araw kasi sa bf/gf.

"Yes," sagot ni Shield. At muling binaba si Mae sa inuupuan nito kanina.

"I love mom, so I will-----"

"You can't marry her son, she's mine," napapailing na tumayo na din ako at tinulungan si Shield maghain. Its lunch hour.

Its been 5 years simula ng isilang ko si Sean. Sa loob ng limang taon na yun, nakita ko kung gaano kabuting ama si Shield. Naging hands on mother din ako, wala kaming katulong, naisip ko kasi na mas kailangan ako ng mga anak ko kesa sa mga yaya. Nagpapapunta lang si mommy dito ng katulong para maglinis ng bahay at maglaba. Pumupunta na lang dito si couz para personal na iabot ang trabaho ko sa mallna pag aari naming dalawa. Mga papeles lang naman yun na kailangan kong pirmahan.

"Kainan na," masiglang sabi ko pagkatapos manalangin ni Sean.

"Here, eat more veggies," nilagyan ni Shield ng gulay ang pinggan ni Sean at Mae.

Nilagyan ko naman ng pagkain ang pinggan nya.

"I love you," he mouthed, I smiled. Sa loob ng mga nakaraang taon, hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ni Shield para sakin, pakiramdam ko nga nadagdagan pa yun ng sampong beses.

"I love you too," I mouthed. Sinimulan namin ang masaganang tanghalian.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Sean.

"Dad, what time we will go to beach?"

"4 pm son, you two still have time to take a nap," sagot ni Shield.

Magkikita ang jaguars mamaya, at napagpasyahan na mag overnight swimming na lang, para makapag bonding din ang mga bata.

Ano na bang nangyari sa jaguars 5 years later? Well, malalaman nyo din yun.

Pagkatapos kumain, hinayaan ko muna ang dalawang bata na manuod ng tv habang tinutulungan ko si Shield dito sa kusina. Di ko napigilan na di sya yakapin mula sa likuran, abala sya sa paghuhugas ng pinggan ngayon, sabi ko kanina ako na lang ang gagawa nun kaya lang di sya pumayag.

"Hubby,"

"Hmmmmm?"

"Thank you," heto na naman ako, di ko alam pero sa tuwing masaya ako, lagi akong nagpapasalamat kay Shield. Pinunasan nya ang kamay nya at hinarap ako.

Naramdaman ko ang paghigit nya sa bewang ko.

"Thank you for giving me this simple and happy family," dagdag ko habang nakatingin sa mata nya. Naririnig ko ang kalabog ng puso nya, ganun din sakin.

"No wife, I should be the one, thanking for all of this," tumaas ang kamay nya at nilagay sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko. He kissed my forehead. Wala na akong mahihiling pa.

**

Nag aayos ako ng mga gamit na dadalhin mamaya para sa night swimming. Excited na akong makita ulit ang lahat. May celebration kasi ang buong jaguars, dahil first anniversary ng kumpanyang tinayo nila ang JAGUARS CORPORATION. Bukod sa kanya kanyang negosyo, nagtayo sila ng kumpanya na lahat sila ang nagmamay-ari. Pantay pantay ang shares ng bawat isa. Masaya ako dahil di nabubuwag ang samahan nila. Karamihan sa kanila kinasal na at may mga anak na din.

Kiss Back And You're Mine (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now