#13

0 1 0
                                    

Labis na kalungkutan ang nadarama ko sa mga oras na ito.Ang dami ko pang ring bagay na pinagsisisihan hanggang ngayon.Ikaw rin ba? Batid kong pareho tayo.Ngunit may mga bagay akong hindi nasabi sa iyo gaya na lamang ng pagtangi ko sa babaeng nakilala ko lamang din sa pekeng mundo na 'yon.Ngunit hindi tulad mo ay nakilala ko na siya sa totoong mundo at ngayon ay ganap na kaming magkaibigan.Kahit na maayos ang relasyon namin sa isa't-isa , hindi ko pa rin maiwasang isipin ang kinahinatnan ng aking mga nagawa.Kung totoo man na may mga susunod pa tayong buhay ,hangad ko na maging maligaya na tayo.Hangad kong mabuhay ka nang matagal at makasama ko , hangad kong 'wag nang maulit ang masalimuot na pangyayari sa pagitan namin bagkus ay magkita kami bilang isang magkaibigan na parang magkapatid na ang turing sa isa't-isa , walang halong kasinungalingan o bahid ng kataksilan.

SamuelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt