Chapter XXX

19.5K 541 79
                                    

"JC... JC, wake up..."

Ipinilig ni JC ang ulo na napakasakit bago iminulat ang mga mata. Tama ba ang naririnig niya? Boses iyon ni Claud na tumatawag sa pangalan niya. Inilibot niya ang nanlalabo pang paningin sa paligid. Napalunok siya ng mapagtantong mahigpit siyang nakatali sa kinauupuan at unti-unting makilala ang lugar kung nasaan siya. Pamilyar ang lugar na iyon na nagbibigay sa kanya ng matinding kaba. Iyon ang lugar na dapat ay pupuntahan niya bago siya... Bago siya nawalan ng malay kanina.

"JC, tulungan mo ako..."

"Claud..." Nanlaki ang mga mata ni JC ng sa wakas ay makita si Claud hindi kalayuan mula sa kanya. Kagaya niya ay nakatali rin ito sa sariling kinuupuan at may bahid ng natuyong dugo ang mukha. Sa pagitan nilang dalawa ay may isang maliit na lamesa kung saan nakatayo ang isang mahaba at itim na kandilang sapat lamang ang liwanag para sa maliit na bahay at isang cutter sa tabi pa nito.

"JC, tulungan mo ako," iyak ni Claud. Nanlalagkit na ang mahabang buhok nito dahil sa magkahalong pawis at dgo.

Napalingon sila sa lumangingit na kahoy na pinto kung saan nakatayo ang isang nakapulang babae. May sako ito sa ulo kaya't hindi nila makilala kung sino ito. Pumapalakpak pa ang babae habang naglalakad papasok.

"Nagkita na pala ang secret lovers," anang babae na huminto na sa pagpalakpak na ginagawa.

Pamilyar kay JC ang halos punit-punit na pulang pantulog na suot ng babae. Pati na rin nag boses nito. Pero paanong magiging tama ang hinala niya? "P*tang inang hayop ka! Kung sino ka man, papatayin kita!"

"Pinatay mo na ako JC! Pinatay ninyo na ako!" paasik na sigaw ng babae at kinuha ang cutter bago naglakad palapit kay JC. Napadako ang tingin niya sa noo ni JC na may sugat na sanhi ng malakas na pagkakahampas niya dito kanina sa loob ng van. Gumuhit ang ngiti sa labi niya bago dahan-dahang inilabas ang talim ng kutsilyo at itinuok ang dulo sa sugat ng binate. Sinimulan niyang muling ukitin at tuklapin ang sugat nito na sariwa pa. Dahan-dahan at palalim ng palalim.

"Ahhhh!!!!" malakas na sigaw ni JC. Ramdam niya ang matinding sakit sa ginagawang pagtuklap ng babae sa sugat niya gamit ang cutter na hawak nito. Palalaim ng palaim ang kustilyo. Mabilis na tumulo ang dugo mula sa malalim na sugat, tumuloy pa iyong lumandas sa mukha niya at bumagsak hanggang sa may dibdib. Habang palalim ng palalim ang kustilyo ay lalong pasakit ng pasakit ang nararamdaman niya.

"Tama na! Tigilan mo na siya!" malakas na sigaw ni Claud. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha ni JC na naliligo na sa sariling dugo. "Tama na please! Maawa ka sa kanya!"

Huminto ang babae sa ginagawa at lumingon sa sumisigaw na si Claud.

"A-ako na lang ang patayin mo! H-h'wag mo na siyang idamay! W-wala siyang - Ahhhh!"

Lalong idiniin ng babae ang talim ng cutter sa binubutas na noo ni JC. Halos kulang na lang ay pukpukin niya iyon sa sobrang galit na bigla niyang naramdaman. "Wala rin kaming kasalanan sa inyo! Pero ano?! Anong ginawa ninyo sa amin!?"

"Ahhhh!!" Lalong lumakas ang sigaw ni JC. Lampas na isang pulgada ang lalim ng nakabaong cutter sa noo niya. Nanalangin siya na sana ay may makarinig sa kanila ngunit alam niyang imposible iyon dahil sa malakas na ulan at napakalayo ng mansion mula sa maliit na bahay na iyon.

"Maawa ka sa kanya, tigilan mo na siya!" muling sigaw ni Claud.

Tuluyan ng napahinto ang babae sa ginagawa at pabagsak na ibinaba ang duguan niyang kamay.

"O-oh m-my G-God!" Halos hindi na naintindihan ni Claud ang mga salitang lumabas mula sa bibig dahil sa pagkagaralgal ng magsimulag maglakad ang babae palapit sa kanya.

29th of February (Published under VIVA Books)Where stories live. Discover now