Chapter XXVIII

20.5K 579 78
                                    

Sa wakas....

Gumana na ang wifi ng laptop ko.. :(

Sorry guys, pabalik-balik na ang lappy ko sa pagamutan,

kaya laging delay ang UD... :(

Salamat sa patuloy na paghihintay ng bawat update ng kwentong ito...

***

***

***

"HAPPY monthsary, babe!"

Napatayo si Vernon mula sa kinauupuan bago inilibot ang paningin sa paligid. Pumasok saglit sa kwarto at dumiretso sa may banyo. Kaagad siyang bumalik sa kinatatayuan ni Janine, kinuha ang hawak nitong plato ng pesto para sa munting selebrasyon nila at inilagay sa ibabaw ng lamesa. Ikinulong niya sa mga palad ang mukha ni Janine, hinaplos ng hinalalaki ang makinis nitong pisngi pababa sa may leeg bago itinuloy na yakapin ng mahigpit. "Oh God! Thank you, she's safe!"

            "B-babe? Are you okey? What happened?" nagtatakang tanong ni Janine. Bigla na lang kasi natulala si Vernon ng lapitan nya itong upang batiin ng monthsary nila at ngayon ay may kakaibang ikinikilos.

             Isang napakalalim na buntong hininga ang binitawan ni Vernon bago pinalaya ang katawan ng nobya mula sa sariling mga bisig. Tumalikod siya bago tinuloy na inihilamos ang mga palad sa buong mukha.

            "B-babe?" humakbang si Janine palapit sa nobyo at humawak sa braso nito. Sinalat pa niya ang leeg at noo nito pero normal naman ang temperature ng binata.

            Humarap si Vernon kay Janine. "Janine, tell me you love me."

            "I-I love you," tugon ni Janine. Ngayon lang ult siya tinawag ng nobyo sa pangalan niya.

            Mas mahigpit na niyakap ni Vernon si Janine ngayon. "Sabihin mo sa akin na mamahalin mo pa rin ako kahit ano pa man ang mangyari."

            "V-vernon, ano ba 'to? Hindi na kita maintindihinan."

            "Just tell me na mamahalin mo pa rin ako kahit ano pa man ang mangyari," lumayo si Vernon ng bahagya bago muling ikinulong sa mga palad ang pisngi ng dalaga. "O kahit ano pa mang malaman mo..."

            Napalunok si Janine ng maramdaman na humihigpit na ang hawak ng nobyo sa mukha niya. Marahas na... Parang... Parang isa lang ang nais nitong marinig na maging sagot niya. "Y-yes, I will stay to love you babe."

            Napalingon sila pareho sa may pinto kung saan may malakas na kumakatok na tila nais ng wasakin ang pinto ng kwarto nila. Lalo kinabahan si Janine, pakiramdam niya ay may mga susunod na hindi magandang mangyayari.

***

INILAPAG ni Rency ang hawak na pocketbook sa may katabing lamesa bago tinanggal ang headset sa magkabilang tainga. Bigla kasing bumukas ang bintana kung saan pumapasok ang malamig na hingin at umiihip sa makapal na kurtina. Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pagbabasa ng mga dalang pocketbook. Tumayo na siya mula sa kama at lumapit sa may bintana upang isara iyon. Medyo mahina na ang ulan pero malakas pa rin ang hangin. Napapitlag siya ng maisara ang bintana dahil sa ingay ng lumalangingit na pinto ng malaking cabinet na nakapwesto sa isang sulok ng kwarto. Napalingon siya bago napalunok ng makitang bahagya na iyong nakabukas.

            Kinakabahang naglakad siya palapit sa cabinet na malaki pa sa kanya na hindi na niya makita ang mga gamit sa loob sobrang dilim. Akmang dahan-dahan na niyang isasarado iyon upang matapos na ang kaba niya.

29th of February (Published under VIVA Books)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora