I tried my best na mag focus nalang sa work kong ito. Ang tagal ko rin nawala kaya tambak ang mga naiwan kong trabaho.

Inasikaso ko rin ang art exhibition ko. Dahil nakipag collab ako sa iba't ibang artist. They will display their works din para mas marami din silang client na makuha. Marami kasing pupunta so it's time for them to shine too.

LUMIPAS ang araw at dumating na ang araw ng event ko. Sobrang busy ko sa pag sagot sa mga nag interview saakin. At pagkatapos ay umikot ako para naman makipag usap sa mga client na maaring magkainterest sa mga arts namin.

Most of my painting ay may bidding na nagaganap. And then the 80% of the payment that we'll get ay idodonate sa mga charity at animal shelter.

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko na para bang nahihilo ako. Napatingin ako sa oras at it's already 3pm na. And kanina pang 7:00 am ako nandito para makipag usap sa mga client. Sobrang bombarded ko na.

Though nag lunch break naman ako pero hindi sapat na pahinga 'yun lalo na buntis ako. Kailangan ko ng umuwi lalo na nararamdaman ko 'to.ng pagod at pagkahilo.

"Excuse me," usal ko. Dahil magtutungo muna ako sa restroom.

Sa pag lalakad ko papunta ng restroom ay natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na lalaking nakatitig sa isang painting ko.

"Oh my god?" napahawak pa ako sa bibig ko sa sobrang gulat.

What the hell? Bakit nandito siya?

Agad akong napatingin sa suot ko na dress na medyo maluwag. Halata na kasi ang baby bump ko pero sobrang liit palang pwede pang pagkamalan na busog lang.

"Ma'am, a client is looking for you. He's interested to the mother and child painting." nagulat ako sa nakasalubong ko pa ang secretary ko.

"Tell him I went home. I'm not feeling well.  I  don't think I can talk to them right now. I'm kinda dizzy."

"Should I call a driver—-"

"No. It's fine. Just send me a text or an email if there's an urgent need or meeting."

"Alright, Ma'am."

Pinanood ko siyang umalis sa harapan ko dahil may hinala ako na 'yung tinutukoy niyang client ay si Roks.

Yes, si Roks.

I thought namamalikmata ako but ngayon na napatitig ako ng matagal sakaniya na busy pa rin na nakatingin sa mga painting ko. Confirmed nga na si Roks 'yun.

Ano ginagawa niya rito?

Naglakad na ako nang mabilis papunta ng kotse ko. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko parang sasabog na ewan.

Kinakabahan ako na baka makita niya ako lalo na ganito ang itsura ko. Paano if mahalata niya? Ano gagawin ko? Ano sasabihin ko?

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mabuti nalang nakauwi ako nang matiwasay ng wala akong Roks na nakikita o nakakasalubong.

Pero buong gabi naman ako binubulabog sa isipan ko. Ni hindi ako makatulog dahil iniisip ko siya. And I hate it! Ewan ko ba maya't-maya lumabas sa isipan ko ang imahe niya.

KINABUKASAN lutang akong bumalik sa building kung nasaan ang art exhibition ko. Kulang ang tulog ko and I'm not feeling well talaga. Morning sickness ata ang tawag dito?

KISS ME, CAPTAINWhere stories live. Discover now