"Maraming salamat po! Naku, nag abala pa kayo!" I smiled shyly at her.



"Ano ka ba, wala 'yon, ganito talaga rito sa amin. Ano? May kanin ka ba? Kung wala ay sa amin ka nalang kumain! Ipapakilala kita sa anak ko!" She excitedly guided me towards her house nang hindi ako pinapasagot. Hindi na ako umangal dahil gutom na gutom na ako at wala rin akong kanin dahil hindi ako nakapagluto.



"Ponce! Halika rito!" Mrs. Wilma shouted at agad namang lumabas ang isang matangkad na lalakeng naka topless mula sa puting pinto sa kaliwang banda ng bahay. Agad akong nag iwas ng tingin nang makaramdam ng ilang at agad naman siyang tumakbo pabalik sa pintong pinanggalingan niya at lumabas suot na ang isang kulay faded na dilaw na t-shirt na baliktad.


"Welcome to my life.. I mean, welcome sa bahay namin." The guy smiled shyly.


"Si Ponce, Elviña, anak ko. Magaling magluto 'yan! Wala nga lang girlfriend dahil torpe. Hindi 'yan bading ha!" Pahiyang-pahiya si Ponce sa pinagsasabi ng nanay niya kaya agad niya siyang pinandilatan. Mahina akong natawa habang pinapanood silang mag bangayan doon.



"Pasensya ka na kay Mama, desperada nang magka apo. Sabi ko naman sa kaniya, makakapag hintay 'yang ganyan. Ayaw ko pang mag asawa sa ngayon," Ponce pouted habang hinahatid ako pabalik sa boarding house na kaharap lang ng bahay nila. He was taller then me kaya I had to look up to see his face.


"You should enjoy your life at kapag ready ka na, make sure to build a family were your children doesn't suffer or gets confused about your identity." I smiled.




"That's deep, may pingahuhugutan ka ba ma'am?" Tumawa si Ponce.



"Elviña nalang." I laughed.




"Okay, Elviña..." Nag paalam na ako sa kaniya nang nasa tapat na kame ng boarding house at pumasok na ako sa loob. Ang ibang nag rerent rin gaya ko ay winelcome ako at matapos ang ilang minutong pagpapakilala sa isa't isa ay agad na akong bumalik sa kwarto ko at nagpahinga.



Days passed and my life continued the way I wanted it. Tahimik at masaya. The friends I made in college didn't last long dahil I always distanced myself from people. After what happened between me and my old friends it became hard to trust anyone again.



Hindi naman ako nalulungkot dahil Asaki always calls me on a daily basis. Nakakairita nga e. Iniwan ko nga siya sa apartment niya para magkaron na siya ng girlfriend pero ako parin yung iniisip niya? Paano siya magkaka girlfriend nyan?



"Seriously, Asaki, pa'no ka magkakaron ng pamilya kung hanggang ngayon ay sinasamahan mo parin ako?" Dinuro ko si Asaki nang makita siya sa labas ng bahay. I told him last night that I would go and buy for my new things today at ito siya, nakatayo sa labas ng bahay offering me a ride.



"Come on, Elviña. Mahirap mag commute ngayon." He guided me towards his car na nakaka agaw pa ng atensyon dahil napili niya itong i-park sa gitna ng daan. Ugh.



"Mag hanap ka ng girlfriend nang hindi mo ako binubwiset," sikmat ko sa kaniya.



"That is so unlikely for a teacher like you," he teased. I rolled my eyes at pumasok na sa loob ng kotse niya.



"Pa'no ako magiging independent woman nito?" I sighed.



Hinatid niya na nga ako sa destinasyon ko at sinamahan pa akong mamili ng mga gamit gaya ng pressure cooker, rice cooker at iba pang utensils. Then, I shopped for my night wear dahil kailangan ko na ng panibagong damit.



"Bagay sa'yo." He showed me a cute color pink pajamas. Tinignan ko 'yon nang matagal at tahimik na sinuri. Mukhang maganda nga at comfy ang tela. I guess I'll buy it?


"I'll buy it for you," he offered kaya agad akong umiling at pilit na inagaw 'yon sa kaniya.



"No! Akin na 'yan!" Umatras siya at inilayo sa 'kin ang hawak na damit na nakalagay pa sa hanger.


"Asaki!" Pilit kong inabot 'yon dahilan para hindi sinasadyang mabangga ko ang dumadaang customer. I heard her groaned in pain and my heart skipped a beat when I heard that familiar voice.



"You okay?" Asaki asked but I couldn't answer. It's as if there's a big rock in my throat that's stopping me from talking.


"Miss? Hindi ka manlang ba mag s-sorry?" Kinalabit ako ng babaeng nasa likod ko, galit dahil hindi ko siya hinaharap.



Lumunok ako. With a heavy heart, I turned to face her and when she met my gaze ay agad na nagbago ang expression ng mukha niya.




"Elviña?" She looked surprised, angry and... hurt.




"Eva."

Safe In Your ArmsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant