PROLOGUE

35 2 0
                                    

          Sabi nila, ang love ay parang isang kanta. Mapapatigil at ngingiti ka sa twing naririnig mo 'yon sa labas. Dadamdamin mo kung anuman ang laman ng lyrics nito. At higit sa lahat, maaantig ka sa himig ng boses ng kumakanta nito.

          Kasalukuyan na akong nakikinig sa mga kumakantang choir ngayon. Ang sarap pakinggan yung blending ng pagkanta nila. Nakaka-relax at mapapahanga ka talaga sa husay nila sa pagkanta. Lalo na sa taong tinititigan ko ngayon.

          Mahaba at blonde ang buhok niya na may bangs, may katangkaran, at mala-prinsesa ang kanyang mukha. Hindi siya nakakasawang tingnan at sobrang ganda niya. Sino kaya siya?Halos kabisado ko na yung mga taong nagpe-perform dito sa theater. Pero, ngayon ko lang talaga siya nakita.

          Napansin ko na galing sa kanya, bigla siyang kumawala ng isang boses na pinakamataas mula sa lahat. Napadilat tuloy ako at mas lalong namangha sa kanya sa ginawa niyang 'yon. Ayun na pala ang hudyat na patapos na sila sa pagkanta. Nakipalakpak na ako habang nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha niya ang isang masaya at matamis na ngiti sa harapan naming lahat.

         Halos matunaw ako rito sa kinauupuan ko nang dumapo ang paningin niya sa akin. Sa pagngiti niya sa akin, ay siyang kinakilig ng buong sistema ko.

         Pagkatapos nilang mag-perform, pumunta na sila sa backstage. Pwede ko kaya siyang lapitan mamaya? Mabait kaya siya? Approachable naman ba siya? Ang daming tanong na sunud-sunod dumarating sa isip ko ngayon. Ngayon pa lang, gusto ko na siyang makilala.

          Pero, paano? Mahiyain pa man din ako. Hindi naman ako masyadong nakikihalubilo sa ibang tao, kaya paano ko pa siya makakausap? Sana, lumakas yung loob ko kung magkaroon man ako ng opportunity makausap siya.

          Paalis na ako mula sa kinauupuan ko nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.

          "Katte!" ulit pa sa akin ng babaeng tumawag sa akin. Kaklase ko lang pala. "Tara! Pa-picture tayo ngayon sa choir. Sama ka?" 

          Tama ba yung rinig ko? Magpapa-picture sa mga choir?

          Kahit 'di ko naman close 'tong kaklase ko, tumango lang ako hudyat na sasama ako sa kanya. Kinakabahan ako ngayon. Pero, at the same time, bigla akong na-excite! Kaya, sinuklay ko yung short blu hair ko gamit ng kamay. Chineck ko rin kung maayos tingnan sa akin 'tong navy blue dress na may long sleeves. Nabili ko lang 'to sa ukay-ukay nung nakaraan lang. Bumuntong-hininga muna ako sabay napangiti bago umalis.

          Sana makilala na kita, kung sino ka man. 

Caught From Your Note [ONGOING]Where stories live. Discover now