Prologue

0 0 0
                                    

Prologue

Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Malabo naman kasi na makalimutan ko agad sya sa ganong sitwasyon namin. Madaming nangyari mga bagay na hindi ko mapaliwanag, basta ang alam ko magiging ganito na katahimik ang buhay ko simula ngayon.

Tama ba na hinayaan ko siya? Tama ba na pinalaya ko sya kahit magiging masakit sa akin?

Paano kung nagpatuloy ako sa paglaban? Mananatili bang akin siya?

Akin nga ba talaga sya? o tamang mas sabihin na naging akin ba sya? Kahit isang araw man lang? Isang minuto? Oras ? Segundo?

"Ate" nilingon ko ang batang tumawag sa akin. Pinagmasdan ko ang bata na kapansin-pansin ang sobrang dumi at punit-punit nitong damit, hawak ang mga sampaguita at nakangiti sa akin. "Bili na po kayo ng sampaguita."

"Sige, magkano ba lahat?" lalong lumawak ang ngiti nito sa aking pagtugon. Isa-isa pa nitong binilang ang mga sampaguita sa bawat bungkos ng tali.

"Isang daang piso po!" iniabot ko sa kanya ang bayad sabay kuha din ng mga sampaguita. Ang bulaklak na ito ang hindi ko kailan man makakalimutan. Sa bango nito ay magsisilbi itong isang ala-ala ng lumipas na.

Nagpaalam na ang bata sa akin matapos magpasalamat at makuha ang bayad. Nakakalungkot isipin na sa ganoong edad ng bata ay kumakayod na agad ito, ngayon ko talaga mapapatunayan na sobrang swerte ko sa mga magulang ko, kahit mahirap lang kami pinapag-aral nila ako.

Kasalukuyan akong nasa simbahan ngayong araw, araw ng linggo kaya araw din ng pagsimba siya ring araw ng pagbisita ko sa puntod ng yumao kong ama.

Tapos na ang misa ng makapasok ako sa simbahan. Nagsisimula na din umalis ang mga tao, pabor sa akin at hindi magiging masikip sa loob.

Matapos makapagsimba ay agad akong dumeretso sa sementeryo. Tuwing linggo ako napunta dito pero parang bago at bago pa din sa akin ang bawat araw. Baon pa din ang mga isipin at hindi makapaniwala na patay na ama kahit anim na buwan na ang nakakalipas.

Sumilay ang aking ngiti ng makarating sa ilalim ng puno, sa tabi noon nakalagay ang puntod na may pangalan ng aking ama. Pagkaupo na pagkaupo sa damuhan ay kinausap ko na agad sya, kinakausap na parang may makukuha akong sagot sa kanya. Nilapag ko ang sampaguita sa tabi ng lapida nakakatuwa na mahilig ang aking ama sa puting bulaklak lalo na itong paborito niya.

"Tay hindi pa din ako makapaniwala."

' Tay kamusta na kayo jan? Masaya ba kayo? Tay miss na miss na kita. Madami tayong ala-ala na di ko makakalimutan at habang buhay kong babaunin ang masasayang ala-ala na iyon hanggang sa dumating ang araw na magkasama na din tayo. Mahal na mahal namin kayo! '

' Lord kayo na po bahala sa tatay namin! '

Nakauwi na ako sa tinutuluyan kong bahay, pabagsak na nahiga sa sopa at pinikit ang mga mata.

' Ito na naman '

Umaatake na naman sa akin ang pangungulila sa mga taong sana ay ako ang kasama. Bakit iniwan ako ng mga taong mahal ko? Ayaw ba nila sa akin?

Still Into Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें