Special Chapter (Henry and Clarit)

Start from the beginning
                                    

_*_*_*_*_

"Cheers!" Lasing kong sambit bago tinungga ang alak ko. Kasama ko ngayon dito sa bar ang mga kaibigan ko. Ngayon lang ako sumama sa kanila na magbar. Kase noon ay ilang beses nila akong pinilit pero umaayaw ako. Magagalit kase si Mommy pagginawa ko 'yon. Ayaw niya kase na matulad ako sa kaniya.

Alam ko ang history ng buhay ni Mommy. Kaya nga Psychology 'yong course ko kase nais ko siyang matulungan, kahit medyo nasa mabuti naman ang kalagayan niya.

Tonight, We're celebrating the birthday of my best friend's boyfriend. Dito nga sa bar ginanap.

First time kong uminom at maglasing kaya mabilis akong nalasing at grabe na 'yong tama ng alak sa katawan ko. Parang masusuka ako na hindi ko alam pero keri pa din ang sarili ko.

Sumama ako dito sa bar kase gusto kong mawala itong inis sa puso ko. Ilang linggo na kaseng hindi nagpaparamdam sa akin si Henry. Matapos ang nangyari noon sa kotse ko ay hindi na ito lumitaw pa. Hindi ko alam kung bakit naghahangad ako na makita ang presensya niya. Namimis ko ang mukha niya. Lagi din siyang laman ng isip ko at hindi pa nga niya ako pinapatulog. I miss him.

"Let's dance, Clarit! Enjoy your first night in this bar!" Aya sa 'kin ni Lucy. Umiiling ako kase parang matutumba na nga ako sa kalasingan.

Pero nahila na ako ni Lucy at dinala sa dance floor. Nakisiksik ito kasama ako sa mga nagsasayawan dito at nagkabungguan na nga dahil sa dami ng mga sumasayaw dito, kahit wala sa wasto ang pagsasayaw.

Pinilit ako ni Lucy kaya nagsimula ng umindayog ang katawan ko sa hindi alam na sayaw. Nang biglang may naramdaman akong tumayo sa likod ko kaya napangisi ako sa kapilyahan ng utak ko at malakas din ang tama ng alak sa katinuan ko.

Bigla kong idiniin ang likod ko sa alam kong bulto ng lalaki. Gumiling ako at lalong idiniin ang pang-upo ko sa kaniya. Naramdaman ko agad ang mga palad niya na humawak sa tiyan ko para idiin din ako. I felt him.

Napaharap ako at biglang yumapos sa leeg niya. Napakurap ako para aninagin ang mukha ng lalaking sinasayawan ko. Napangisi ako nang nakikinita ko sa kaniya si Henry.

"H-henry! Bakit mo ba ginugulo 'yong isip ko, ha?! Alam mo nakakainis ka! Ikaw nanggugulo sa isip ko, e! Ang sama mo! Bakit hindi ka na nagpapakita sa 'kin, ha! Miss na miss na kita, e!" Gumaralgal ang boses ko at pilit pa siyang sinusuntok sa dibdib niya hanggang sa nakasubsob na ako sa dibdib nito.

Pero ilang sandali ay kumulo ng todo ang sikmura ko at napaduwal mismo sa damit ng lalaki. Kasabay din nun ay ang pagdilim ng paningin ko.

KASABAY ng pagmulat ng mga mata ko ay ang pagngiwi ko sabay hawak sa ulo ko. Medyo mabigat ito at kumukulo pa sa gutom ang tiyan ko. Ilang sandali ay dinilat ko ang mga mata para mapasinghap nang pamilyar sa 'kin ang silid na ito!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinikit ko ang mga mata. Naramdaman ko ang paglapit niya at ramdam ko din na yumuko siya. Natuod ako nang lumapat ang lips niya sa labi ko ng ilang minuto.

"Tsk. I know you're awake, baby." Alam ko nakangisi siya. Tinutudyo pala niya ako na kinabuhay ng inis ko. Dumilat ang mga mata ko sabay tulak sa kaniya at naupo ako.

"Anong ginagawa ko dito, ha?! May masama ka bang ginawa sa 'kin!" Bulalas ko para pagtakpan ang saya dito sa puso ko nang makita siya.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now