CHAPTER 1 | THE PAST

28 8 0
                                    

Hi mga ferson my name is Anastasia Mendez. Ako ay 19 years old at kasalukuyan akong naninirahan sa aking tiyahin.

Ang pangalan ng aking tiyahin ay Amelia Mendez.

Kung nagtataka kayo bakit nakatira ako kay Tiyang iyon ay dahil simula ng baby palang ako sya na talaga ang nag-alaga sa akin.

Kung tinatanong niyo bakit? dahil yung totoo kong pamilya ayun pinamigay ako na parang laruan grabe sila mga walang puso.

Ang sabi kasi ni Tiyang sa akin gabi daw noon tapos magsasara na daw sya ng tindahan niya ng may biglang lumapit na isang babae mukhang kasing edad lang daw niya huwag kayo bata pa si Tiyang noh share ko lang hahaha.

So back to the story ayun nga may lumapit sa kanya na babae tapos biglang sinabi sa kanya nung babae na kay Tiyang nalang daw ako syempre si Tiyang nashock sya kaya tinanong niya kung nagbibiro ba daw yung babae.

Mukhang nainis naman yung babae kaya bigla niyang tinutukan ng baril si Tiyang at binantaan na kapag hindi daw ako kinuha ni Tiyang ay babarilin niya ito.

Kaya sa takot ni Tiyang na baka mabaril sya ay kinuha niya ako doon sa babae at sinabi ng babae kay Tiyang na huwag huwag daw ako ilalabas ni Tiyang kung hindi ay babalikan daw niya si Tiyang at papatayin niya ito.

Kaya tumango nalang si Tiyang at bigla ng lumakad paalis yung babae tumawid daw ito sa kabilang kalsada at sumakay sa isang kulay itim na kotse.

Nakita pa nga daw ito ni Tiyang na sumulyap sa direction namin bago isara ang bintana ng kotse niya at ipaharurot nito ang kanyang sasakyan.

Kaya simula ng malaman ko yun ay hindi ko na sila hinanap pa.

Hindi ko alam kung kaano ano ko yung babae kung nanay ko ba sya o hindi pero wala na naman akong pakialam doon.

Atsaka bakit naman ako maghahabol sa kanila eh diba sila naman yung unang nang-iwan.

Kaya payo ko sa mga katulad ko na nakaranas nito kung ayaw nila sa atin edi ayaw din natin sa kanila period.

Please, Choose MeWhere stories live. Discover now