Sobra.

Tumikhim ako. "Nandiyan po ba sila?"

"Ah, ang Mommy mo lang," sagot niya.

"Si Daddy po?" tanong ko.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Nasa hospital at binabantayan ang Kuya Kin mo. Patuloy pa rin nila hinahanap ang may gawa non sa Kuya mo. Teka, alam mo na ba ang nangyari kay Kin?"

Tumango ako at mapait na ngumiti. Palihim na kumuyom ang mga kamao ko kaya tinago ko ito sa likuran ko.

"Halos hindi na kumain at matulog ang Mommy mo at gano'n din ang Daddy mo. Hindi nila alam kung paano ka hahanapin, kung kailan gigising ang Kuya mo at kung paano nila pagbabayarin ang gumawa nito," sabi pa ni Manong Lorde at napabuntong hininga. "Halos wala silang pahinga. Ayaw pa ngang umuwi ng Mommy mo kung hindi lang siya pinagsabihan ng ama mo. Bihira nalang din sila umuwi rito dahil sa dami ng mga nangyari."

Nagsimulang manggilid ang luha ko. Along with my suffering is their suffering too.

"Ngumiti man sila sa amin at sabihin ayos lang sila pero hija, hindi non mababago ang katotohanan na nakikita namin ang sakit at pagod sa kanilang mga mata. Lalo na't nangungulila sila sa iyo," dugtong ni Manong Lorde habang nakatingin sakin na may lungkot sa mga mata.

Tumulo ang luha ko. Masyado kong inisip na ako lang ang nahihirapan. Hindi ko man lang naisip na tao rin sila, may nararamdaman at nahihirapan din sila katulad ko.

I caused too much pain to my family.

"Punta na po kay Mommy," sabi ko at yumuko kay Manong Lorde.

Tumango lang siya at ngumiti.

Alam ko naman na naaawa si Manong sakin, e. Kitang-kita ko naman iyon sa mga mata niya. Kahit nga ako, awang-awa na sa sarili ko.

Sino ba namang hindi?

Malayo ang gate sa mismong mansion kaya pinahatid pa ako ni Manong sa anak niya at sinakay sa sasakyan. Gulat na gulat pa nga si Kuya Rey nang makita ako.

"Thank you po," saad ko pagkababa ko.

"Masaya ako dahil nakauwi kana," nakangiting sabi ni Kuya Rey at pinunasan ang luha niya. Anak nga pala siya ni Manong Lorde.

Kasama kong lumalaki si Kuya Rey kaya close talaga kami kahit dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Dito na rin siya lumaki at hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niyang pagsisilbihan niya ang pamilya ko pag-laki niya bilang kapalit nang pagtulong ng pamilya ko sa pamilya niya.

Niyakap ko siya. "Namiss kita, Kuya."

"Ako rin," aniya. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at ngumiti. 

"Puntahan ko na si Mommy," sabi ko at tumango naman siya at kumaway sakin bago niya paandarin ang iBike niya, yung electric bike.

Kumaway din ako bago tumalikod at humarap sa napalaking bahay na nasa harapan ko. Hindi na ako nag-isip pa at agad na pumasok sa loob.

When I entered the house, I was greeted by a luxurious interior.

I looked up for a moment because of the large chandelier that immediately grabs attention when you enter the house.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now