Chapter 12: Couples Troubles

Start from the beginning
                                    

"Ano!" Sigaw ng bruha ng mabaliwala lang ang atake niya. Dumilat naman ako at nasa dibdib na ako ng lalaking may orange na mata, may kulay berde na pakpak. 


"Wala kang karapatan saktan ang reyna ko," seryosong ani ni Dion. 


"Oh, gising na ang magaling na diwata." Ani ni Xandra. 


Dion Ronnie POV


     Para akong lumulutang patungo sa aking nakaraan. May nakita akong babae na tapos na magbihis at lumingon ito sa akin. 


"Bastos!" sigaw ni Yanagi. 


"Yanagi hindi," sabi ko ngunit may nagsalita sa likod ko. Pareho kami ng anyo. 


"Pasensya na miss napadaan lang ako," sabi ng lalaki. Agad namang pumikit ang babae. 


"Nagsasabi ka nga ng totoo," saad ng babae. 


"Huh?!" 


"Ako pala si Yanagi. Yana na lang itawag mo sa akin," saad ni Yanagi. 


"Dion Ronnie, Dion na lang." Saad ng lalaki at ngumiti. Simula noon ay palaging nagkikita ang dalawa. Hanggang sa mangyari ang hindi nila inaasahan. 


"Yana, totoo bang mangkukulam ka?" tanong ni Dion habang nakatalikod kay Yana. Agad naman siyang niyakap ni Yana patalikod. 


"Oo," sagot nito. 


"Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ni Dion. 


"Dahil natatakot ako, dahil mahal kita." Sagot nito at umiyak. 'I just realize, one hundred years na nagdusa at naghirap ang babaeng mahal ko, dahil sa pagmamahal niya sa akin. Nagawa niyang pagtaksilan ang kalahi niya para protektahan ako, ngunit hindi ko lang siya nagawang protektahan.' 


~


"Taposin na natin ito," saad ko. 


"Sige," saad ni Xandra. Agad kong pinalayo si Yana. 


"Maximum trill whirlwind!" Sigaw ni Xandra, ginamit na niya ang totoo niyang kapangyarihan. 


"Maximum full wind!" Sigaw ko at agad kinulong si Xandra sa isang botelya. 


"Ah!" sigaw niya pero tumawa agad. Nagtaka ako no'ng una pero ngayon alam ko na ang binabalak niya. Nakatakas siya sa botelya ko. 

Magical Series 1 The Long Lost Princess Book 1: The Arrivals (Completed)Where stories live. Discover now