Chapter 12: Couples Troubles

112 107 52
                                    

Yanagi POV


     Nakalayo narin sila! Inilapag ko naman si Dion sa lupa. 


"Sinasabi ko na nga ba, mangkukulam ka rin." Saad ko habang nakaharap sa bruhang Xandra. 


"Pero kawawa ka, dahil hindi ka pinakinggan ng mahal mo." Saad niya na nakasakay na sa walis niya habang tumatawa. 


"Ako si Yanagi Shanijino, tandaan mo ang pangalan ko. Pangalang tatalo sayo," seryoso kong sambit. 


"Ako si Xandra ang papatay sa'yo," sabi din niya. 'Sa amin kasi ipapakilala muna namin ang aming mga sarili, bago namin taposin ang aming mga kalaban.' 


"Internal knife weapon!" Sigaw ko at ang hairband ko ay naging daang-daang kutsilyo. Sabay atake sa kaniya. 


"Oh, interesting." Salita niya. 'P*ta! Nag-english ang mangkukulam!' Lumipad naman siya at inihanda ang tungkod sabay kabig dito. Kaya ang mga kutsilyo ko ay bumalik sa akin. 


"Frequently shield!" Sigaw ko dahil hindi ko mautusan ang mga internal knife ko na tumigil. Ang iba naman ay tumatagos at nagkasugat-sugat na ako sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko. 


"Nakakatawa!" Tawang-tawa niyang ani. 


"Tch!" Tanging angil ko lang. 


"Alam mo bang estudyante ako ni Miss Irene?" Tanong nito na tawang-tawa. 'Bakit nag tanong ba ako?' Pero imbis na itanong ko iyon ay tumawa lang ako, at ang tawang iyon ang nagpahinto sa kaniyang tumawa. 


"Talaga lang," sabi ko na lang. 


"Anong nakakatawa?" tanong niya at galit na galit dahil sa pagtawa ko. 


"Alam mo rin bang pinatay ko na ang guro mo?" Natatawa kong ani. 'I just want to tease her, but it's true.' 


"A-Ano?" tanong niya. 


"Pinutolan ko pa nga siya ng ulo," sagot ko. 


"Walanghiya ka. Ice make hammer!" Sigaw niya, katulad ito kay Irene, hindi iba ito. Pumikit ako dahil anong gawin ko hindi talaga gumalaw ang katawan ko. 


"Gumalaw ka, p*ta!" sigaw ko. 'Ayan na! Gumalaw ka mga paa! Sige na gumalaw na kayo, ayaw ko na dito ako magtatapos, marami pa akong po-protektahan!' Pumikit na lang ako ng walang makitang ibang paraan. 


"Sun flower seeds ingrown!" Sigaw ng kung sino. 


Magical Series 1 The Long Lost Princess Book 1: The Arrivals (Completed)Where stories live. Discover now