Kabanata XXXIX

Começar do início
                                    

Pinanood kong mabuti ang reaction ni Asher sa nalaman niya. Ibinuka niya 'yung bibig niya at agad din naman 'tong isinara. Saglit na nagtama ang mata namin bago siya tumingin sa iba, "Ah okay."

Napahinga ako ng maluwag.

Naglakad siya papalapit samin, "Lex may sigarilyo ka pa?" Binuksan ni Ralex 'yung maliit niyang itim na bag na nakasabit sa may leeg niya at inabot 'yung kaha niya kay Asher na agad namang kumuha ng isa. "Salamat," aniya bago maglakad papunta sa kabilang side ng kalsada kung saan may maliit na tindahan na may libreng pasindi.

"Tanga, may lighter naman ako" umiiling iling na sabi sakin ni Ralex.

Bumukas ulit 'yung pinto ng shop at nakita ko pa si Hero sa may front desk, busy mag computer. Lumabas si James, Troy at Enrico.

Tinignan ako ni James at binigyan ng isang tango, "Uwi na tayo," aya niya habang inaayos 'yung buhok niya.

"Tara," sagot ko bago sumulyap kay Asher na nandoon parin sa tindahan. Nakatulala sa sahig. Ibinalik ko tingin ko kina James, "Kaso naninigarilyo pa si Asher e."

"Asher!"

"Oh?"

"Tara na!"

"Uwi na?"

"Oo! Tara! Makulimlim na oh, mukhang uulan."

"May payong ka ba?" tanong ni Ralex saakin. Umiling ako at itinango niya 'yung ulo niya sa direksyon ng shop. "May payong ata si Hero doon sa loob."

"Hindi na," sagot ko. "Kung uulan baka mag trike nalang ako."

"Tara na," si Enrico na ang nag aya. "Wala akong planong maligo ulit ngayong araw."

Naglakad na sila paalis kaya naman tumayo na ako at nagpaalam na kay Troy, Kiko at Ralex. "Pasabi nalang kay Hero, mauna na kami."

Nang makita kami ni Asher na naglalakad na papuntang kanto ay ibinato na niya sa sahig 'yung sigarilyo niya bago 'to tapakan sabay maglakad papalapit samin. Medyo binagalan ko ang lakad para sabay kami.

Hinawakan niya ang kamay ko nang makalapit siya kaya naman napangiti ako. Pero hindi nagtagal, napawi din ito dahil naramdaman ko ang pasimpleng pagkalas ng kamay niya. Tulad kaninang umaga, ako na ang naunang bumitaw.

Binilisan ko nalang ang lakad ko hanggang sa makadating na ako sa may pulang jeep. Halos puno na ang jeep pero kasya pa naman kaming lahat. May space pa para sa tatlong tao pero doon ako umupo sa pagitan ng isang batang babae at ng kolehiyala.

Ayokong tabihan si Asher.

Hindi din naman siya nagreact nang makita niya ako. Naalala ko tuloy 'yung dati, hihilain niya pa talaga ako makatabi lang siya. Pero ngayon parang wala lang sakanya. Kaya dapat wala lang din sakin.

Pero ang bigat sa dibdib.

• • • • • • • • • •

"Nag-dinner ka na?"

"Yeah, kanina pa."

"Oh? Aga ah."

Tumawa siya, "Tell that to my mother."

"Sino 'yang kausap mo Adrian?" tanong ni Ate Sky.

"Si Jared," sagot ko sakanya bago ibalik ang atensyon ko sa kausap ko. "Sorry, si ate ko 'yun. Tinatanong kung sino kausap ko."

"Oh, okay hahaha"

"Ayan ka nanaman sa pagtawa mo Lionel."

Para pa siyang na-choke dahil sa biglaang pagpigil niya ng tawa, "Sorry."

STASG (Rewritten)Onde histórias criam vida. Descubra agora